"...Hindi ka nananaginip... Nandito talaga ako!" nakangiting sumagot si Gerald habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ni Bea. “Nasaan ka noong nakalipas na anim na buwan, pinsan...? Mukhang mas malakas at mas umitim ka ngayon... Kung hindi talaga ito panaginip, ano, ano pala... Ewan ko na lang, basta masaya lang ako na sa wakas ay makikita na rin kita!" humihikbi si Bea nang sabihin niya ito. “Masyadong mahabang kuwento ito... sasabihin ko sayo ang lahat sa susunod. Sa ngayon, kailangan mo lang malaman na okay lang ako!" Sabi ni Gerald habang maramdaman niyang namumula na ang kanyang mga mata. "Oo nga pala, kumusta ang mga magulang ko...?" dagdag ni Gerald. "Madalas na umiiyak sila tito at tita simula noong nawala ka... Si Tito ay mukhang mas matanda kaysa dati... Parati silang nag-aalala para sa kaligtasan mo...!" "…Hmm. At kamusta naman ang kapatid ko?" "Ang kapatid mo... madali na siyang magalit ngayon... Dati ay napakabait niya sa kanyang mga tauhan, pero mula noong a
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakikita ni Gerald ang tao na iyon na pabilis ng pabilis na tumatakbo sa lupa na nababalutan ng dahon at maririnig ang ingay nito mula sa likuran niya. Ang banayad na kaluskos ay nagpapahiwatig na magaan ang mga hakbang ng lalaki, parang dumausdos siya sa damuhan sa halip na tumakbo sa ibabaw nito. Napansin ni Gerald na ang taong naka-itim ay isang top-notch dahil malaki pa rin ang agwat sa pagitan nilang dalawa. ‘Sinusubukan mo pa rin tumakas...?’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili habang nakangisi. Pagkatapos ay sinipa ni Gerald ang isang sanga sa lupa gamit ang dulo ng kanyang sapatos at pinitik niya ito gamit ang kanyang daliri, pinalipad ito patungo sa tumatakbong tao na parang tumira ng arrow si Gerald! Hindi nagtagal ay humampas ang sanga sa likod ng tao at gumawa ito ng isang malakas na tunog na umalingawngaw sa buong lugar! Napakalakas ng impact ng sanga kung kaya't ang taong nakaitim ay sumubsob sa lupa nang ilang beses hanggang sa tul
Ang mga babae ay nakaupo sa tabi ni Juliet habang patuloy silang nakatitig kay Gerald na hindi gumagalaw sa isang sulok. "Oo nga! Nakipaghiwalay ka sa lalaki na iyon at wala namang problema iyon! Pero hindi mo talaga kailangang pahirapan ang sarili mo na sapilitang sumama sa lalaking ito! Ibig kong sabihin, tingnan mo naman ang lahat ng makapangyarihan at kagalang-galang na mga personalidad na nandito ngayon! Napansin ko rin na marami na sa mga gwapong lalaki dito ang interesado sayo!" “Oo! Kaya bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataon na ito iwanan siya para simulan mong hanapin muli ang iyong totoong kaligayahan!” Napaisip si Juliet habang nakikinig sa kanyang mga kaibigan na sinusubukang hikayatin siya. Kahit pa hikayatun siya ng kanyang mga kaibigan noon, alam ni Juliet na hindi mabibigo ang kanyang plano na ipagpatuloy ang pekeng kasal. Kung tutuusin, ang kasal ay isang palabas lamang at alam iyon ni Juliet. Gayunpaman, iba na ang nararamdaman niya sa pagkakataon na i
“Base sa narinig ko noon, parang interesadong-interesado si Miss Marjorie kay Mr. Gerald nang unang dumating sila ni Mr. Quinlan sa university. Pero biglang naging mas interesado si Miss Marjorie kay Mr. Quinlan noong nalaman niya ang tungkol sa background ng lalaki! Dahil dito ay tinatrato na niya si Mr. Gerald na parang hindi niya ito kakilala!" paliwanag ni Nicole. “Hah! Napakasama naman ng babaeng ito! Ano ba ang maganda tungkol sa kanya?" reklamo ni Tulip. Magkahawak-kamay na dinaanan lamang nila Marjorie at Quinlan sila Tulip at ang iba pa nang hindi sila pinapansin. Kung tutuusin, nandito sila bilang mga bisita ngayon at hindi mga lecturer. Habang patuloy sila sa paglalakad, napansin ni Marjorie si Gerald na nakaupo pa rin sa parehong sulok. Nalaman niya noon na ikinasal na si Gerald sa eldest young lady ng pamilyang Yowell noong nakaraan. Sobrang nabalisa si Marjorie tungkol dito. Gayunpaman, hindi nagtagal ay kumalma siya nang mapagtantong isa lamang itong live-in-son-
"Hindi kaya ang taong iyon ay practitioner ng sorcery? Hindi ba masama iyon?" Habang nagpatuloy sa pakikipag-usap ang karamihan ng mga tao tungkol sa sitwasyon, ang binata ay tumingin lamang sa lahat ng mga taong nasa ibaba ng entablado habang sinasabi niya, “So, ano ang desisyon niyo sa suggestion ko? Kung tutuusin, ang lahat ng mga magagandang bagay sa mundo ay natural lang na maging pagmamay-ari ng pinakamalakas na mga tao sa mundo, tama ba?" Matapos ang lahat ng nangyari, ang ilan sa mga malalaking boss ay natatakot nang magsalita. Marami sa mga malalakas na boss ay pansamantalang nanatiling tahimik, ngunit may isang tao mula ang biglang sumira sa katahimikan, “…Ang binata na iyon ay nagngangalang Marco Thunder! Siya ay mula sa Thunderous Dragon Inc. at sinasabi pa noon na si Mr. Thunder ay isang pambihirang tao! Hindi nakakapagtaka kung paano nasakop ng Thunderous Dragon Inc. ang napakaraming underground forces! Napakasama niya" “…Tama siya! Para sa pinakamalakas lamang an
"Ang makakalaban ko pala ay ang master mula sa pamilyang Takena! Mahusay! Hinintay ko talagang makalaban ka sa buong biyahe ko papunta dito!" Nakangiting sinabi ni Mr. Thunder habang nakatayo sa stage.Si Ito ay umakyat na sa stage at yumuko siya sa harapan ni Mr. Thunder.Magsisimula na ang isang matinding labanan.Nanahimik na ang audience at lahat sila ay tahimik lang na nakatingin sa stage."Napakalakas ng Japanese warrior na ito, pero hindi ko akalain na makakalaban siya ni Mr. Thunder dahil napakasama talaga ng taong ito!""Oo nga. Pero naniniwala ako na maglalaban niya ng tatlong rounds si Mr. Thunder. Makikita naman na makapangyarihan rin siya!"Umalingawngaw ang maraming talakayan sa mga manonood habang pinapanood nila ang labanan."Pwede ka nang magsimula. Gusto kong makita kung ang pamilyang Takena ay talagang malakas at makapangyarihan, o kung ito ay palabas lamang!" Tumatawa si Mr. Thunder habang sinasabi ito habang nakatawid ang kanyang braso sa kanyang dibdib.“E
“Marjorie, dumating ka sa tamang oras! Makikita mo ang big boss sa Heavenly City!”Inaasahan din ni Quinlan ang sandaling ito.Inayos ni Marjorie ang kanyang buhok habang nagtatanong, “Mukhang hindi mo pa rin siya nakikita base sa sinabi mo?”"Syempre hindi! Kahit ang tatay ko ay nakita lang siya mula sa malayo. Ang head lang ng Talgo Town ang direktang nakikipag-usap sa kanya!” sagot ni Quinlan habang nakangiti.Kanina pa inoobserbahan ni Gerald ang lahat ng mga major forces mula sa ibaba ng stage. Halos tapos na siya sa pagmamasid sa bawat pwersa dito.Maraming mga masters na ang nakaharap at nakalaban ni Gerald sa nakalipas na anim na buwan o higit pa.Gayunpaman, naramdaman ni Gerald na ang grupong ito ay hindi madaling patumbahin mula noong may nagtangkang palihim na umatake laban kay Lyra noong isang gabi.Kaya hindi nagmamadali si Gerald na tumayo at humakbang nang hindi alam at inaalam ang bawat detalye na kailangan niyang malaman.Ngunit sa oras na ito, nasaksihan na n
Lahat ng nasa audience sa ibaba ng stage ay tumayo agad sa sandaling ito.Si Ito ay kasalukuyang nagsagawa ng warrior ritual bago siya dumiretso kay Gerald.Boom!Tumalon siya sa ere at handa na siyang itaas ang kanyang paa para direktang atakihin ang dibdib ni Gerald.Parang kidlat ang kanyang bilis.Gayunpaman, kahit na mabilis siya, mas mabilis pa sa kanya si Gerald.Agad na itinaas ni Gerald ang kanyang paa para sipain ang nakataas na kanang paa ni Ito.Pagkatapos ng atake, humampas at lumuhod si Ito sa lupa.Makikita sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya."Ano?!"Gulat na gulat ang lahat ng mga audience.Nag-alala si Lyra kanina habang paakyat si Gerald sa stage dahil alam niyang napakalakas ng Japanese warrior na ito. Paano napatumba ng isang lalaki na manipis ang kamay ang binti, ang isang Japanese warrior?Si Lyra ay isang mabait na tao at ayaw niyang makakita ng sugatan na rabbit sa sobrang kabaitan niya.Paano na lang kung nasaktan ang kanyang asawa?Lalo