Iyon pala ang dahilan kung bakit ang mga herb na ito ay nakatago nang maigi sa iba pang bahagi ng mundo... Nandito rin si June para patuloy na bantayan ang mga thousand-year-old panax ginseng! “Hindi pwedeng makuha ng kahit sinuman ang mga herb na ito... Kung hindi, paniguradong susunod ang sakuna! Naiintindihan mo naman iyon, 'di ba?" sabi ni June habang nakatitig kay Gerald. Tumango si Gerald nang maintindihan niya ang sakuna na susunod at sinabi niya, “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala, hindi ko ito kukunin!" "Masaya akong marinig yan. Bibigyan kita ng isang bagay para ipakita ang aking pasasalamat!" sabi ni June habang winawagayway ang kanyang kamay at lumabas naman ang isang maliit na treasure box na lumitaw sa kanyang palad... Matapos matanggap ang treasure box mula kay June, nagtaka si Gerald kung ano ang ibinigay nito sa kanya. Maingat niyang binuksan ang kahon at nakita niya ang isang maliit na pellet sa loob... Tumingin si Gerald kay June at sinabi niya, “…Ito…
Kasunod nito, sinimulan ni Nori na sabihin sa kanyang ama ang nangyari sa holy mountain... Sa pagtatapos ng kanyang kwento, kahit si Yoshua ay nahirapang maniwala sa mga pangyayari. Talagang isinakripisyo ni Gerald ang kanyang kaligtasan para lang maprotektahan ang adventure team mula sa mga puting wolf... Isa talaga siyang tunay na bayani... Tinapik ni Yoshua ang likod ng kanyang anak habang inaaliw niya ito, “Huwag kang mag-alala, Nori. Siguradong babalik si Gerald ng ligtas!” Tumango lamang si Nori sa kanya dahil puso siyang umaasa na makakabalik din si Gerald ng ligtas... Samantala sa Magic Land, si Gerald mismo ay kumakain habang nakikipag-usap kay June, na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa labas ng mundo. Hindi niya alam na umaasa sila Nori at ang iba sa kanyang pagbabalik, humigop ng tsaa si Gerald bago siya tumingin kay June at nagtanong, “Binabantayan mo ba ang lugar na ito noon pa man? Baka hindi ka umalis sa lugar na ito...?" Umiling si June bago niya sinab
Nang matauhan si Nori, agad naman siyang sumigaw, "G-Gerald...!" Umiiyak si Nori saka siya sumugod at niyakap siya ng mahigpit. Napagtanto ng iba pa na buhay pa si Gerald, kaya si Quest at ang iba pa ay parehong natuwa at nagulat. Habang tumatakbo din sila papunta sa kanya, sinusuri na ni Nori si Gerald mula ulo hanggang paa habang nagtatanong, “O-Okay ka lang ba Gerald? Nasaktan ka ba?" Napangiti lang si Gerald nang makita niya na sobrang nag-alala sa kanya si Nori, bago siya sumagot ng, “Huwag kang mag-alala, okay lang ako!” Nang marinig iyon, napakagaan ng loob ni Nori at maingat niyang hinampas ang kanyang maliliit na kamay sa dibdib nito habang bumubuntong-hininga, "Ikaw... Tinakot mo ako mula nang mawala ka...!" Matinding kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon pagkatapos masaksihan ang mga kaganapan kahapon ay sobra-sobra... Habang tinatapik ni Gerald ang mga balikat nila Patrick at Quest, bigla namang napatanong si Quest, "Anong nangyari pagkatapos mong mahulog?
Sumagot si Dylan nang marinig niya ang tanong ng kanilang anak, “Ah, well, silang dalawa ay pumunta sa Laiross State! Base sa nalaman namin, mukhang nahanap ni Mila ang kanyang biological parents doon! Dahil doon, binisita niya ang pamilyang Smith doon para kumpirmahin ito!" "Ano? Ang Laiross State? Ang kanyang biological parents?” hindi makapaniwalang sinabi ni Gerald. Kasunod nito, nag-iwan si Gerald ng ilang tagubilin para sa kanyang mga magulang bago siya umalis sa Laiross State nang mag-isa... Samantala, parehong nakatayo sina Mila at Jessica sa hall ng Smith family manor. Makapangyarihan ng mga Smith sa Laiross State—dahil sa pagmamay-ari nila ng malaking business chains—at isa sila sa mga prestigious family dito. Ang biglaang pagdating ni Mila ay tiyak na hindi inaasahan sa katunayan. "Sinasabi mo na ang pangalan mo ay Mila Smith?" tanong ng isang babae—na may marangyang damit at may makapal na makeup—habang nakatitig kay Mila. "Tama iyan. Pumunta ako dito para han
Walang masabi si Mila nang marinig niya iyon. Sa halip, hinawakan lang niya ang braso ni Jessica bago niya ito hinila. Hindi sigurado si Zyre kung ano ang gagawin niya habang nakatingin siya sa kanilang dalawa... Nang makitang wala na ang dalawa, agad na hinila ni Hollie at ang kanyang ina si Zyre papasok sa bahay kasama nila. Umupo siya sa isang sopa at siniguro nilang tanungin siya ng maayos. Lumalabas na si Zyre ay nakipag-date sa ibang babae-na nagngangalang Yviene Morish at ang biological na ina ni Mila-bago niya pinakasalan si Chaney. Sa kasamaang palad, ayaw ng pamilya ni Zyre na magkasama sila. Dahil doon, umalis si Yviene pagkatapos niyang ipanganak si Mila. Naalala niya ang mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay, ngunit hindi niya ito binanggit kahit kanino. Naisip niya ang posibilidad na magpakita si Yviene isang araw kasama si Mila, ngunit hindi niya akalain na makikita niya ang kanyang anak ng mag-isa sa ganoong kalagayan. Nang ikwento niya ito, talagang nagal
'Hello, Mila. Si Hollie ito. Gusto ko sanang makipagkita para makausap kita!’ sabi sa text message. Kakaiba at nakakagulat na si Hollie ang kusang nagyaya sa kanya, kaya tumingin si Mila kay Gerald bago niya sinabing, "Nag-text si Hollie... Mukhang gusto niya akong makita!" “Oh? Tingnan natin kung anong kailangan niya! Sasamahan na kita!" sagot ni Gerald, naramdaman niya na may nakatagong motibo si Hollie. Lumakas ang loob ni Mila nang malaman niyang sasamahan siya ni Gerald. Kahit na ayaw pumunta ni Milam sigurado pa rin niya na kakayanin niya ang anumang ibinato sa kanya ni Hollie. Pagkatapos nilang makahanap ng isang lokasyon para makipagkita kay Hollie, umalis na sina Mila at Gerald mula sa hotel… Ang kanilang meeting place ay isang liblib na park, at naisipan ni Gerald na manatili sa kadiliman para mapanood ang eksena. Pagdating nila doon, nasa park na si Hollie. Ayaw nang magpatumpik-tumpik pa ni Hollie kaya sinabi niya, "Ano ang maitutulong ko sayo?" Tumawa ng ma
Nang mawala na ang mga taong iyon, lumingon si Gerald para tingnan ang natulala na si Hollie na takot na takot hanggang sa punto na hindi na siya makagalaw… Biglang nautal si Hollie nang makita niyang dahan-dahang naglakad si Gerald papunta sa kanya, “I-Ikaw…! Wag kang pumunta dito...! A-Ako ay mula sa pamilyang Smith…!” Akala niya magagamit niya ang kanyang pamilya bilang banta, kaya masasabi na isang tunay na tanga lamang ang babaeng ito... Bago pa man mangyari ang kahit anong bagay, mabilis na tumakbo si Mila papunta kay Gerald bago niya hinila ang manggas nito habang sinasabing, "Kalimutan na lang natin siya, Gerald..." Kapatid niya pa rin si Hollie at siya rin ang biological na anak ng ama ni Mila. Ito ang dahilan kung bakit nag-atubili si Mila na baka may masamang mangyari kay Hollie kapag ginawa nila ito. Nang marinig iyon, tumango lamang si Gerald bago siya sumagot, “...Okay.” Gayunpaman, gusto pa rin niyang bigyan ng matinding babala si Hollie, ngunit naisip niya n
Nang marinig iyon, tumango lang si Gerald kay Master Ghost.. Kinabukasan, nagpaalam si Gerald kay Mila at sa kanyang pamilya bago siya pumunta sa Skyreach Stone Tablet ng Jaellatra. Sa puntong iyon, ang balita na ang Skyreach Stone Tablet ay nabuksan at kumalat na sa buong Jaellatra. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa adventure na nagpapakita lamang ng isang beses bawat ilang dekada, kaya maraming tao ang nagpaplanong tumawid din sa portal! Nang pumunta siya sa Jaellatra, ginamit ni Gerald ang isang sound talisman upang sabihin Nori tungkol sa kanyang plano. Natuwa si Nori nang malaman niya na papunta siya sa Skyreach Stone Tablet. Kung tutuusin, siya mismo ang nagpaplanong pumunta doon. Dahil doon, agad siyang umalis para hintayin siya. Bandang tanghali na nang magkita silang dalawa. Kahit ilang araw pa lang mula nang huli silang magkita, sobra nang namiss ni Nori si Gerald. Ito ang rason kung bakit bigla siyang tumalon para yakapin si Gerald sa pangalawang pagkakata