Nang marinig iyon, tumango lang si Gerald kay Master Ghost.. Kinabukasan, nagpaalam si Gerald kay Mila at sa kanyang pamilya bago siya pumunta sa Skyreach Stone Tablet ng Jaellatra. Sa puntong iyon, ang balita na ang Skyreach Stone Tablet ay nabuksan at kumalat na sa buong Jaellatra. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa adventure na nagpapakita lamang ng isang beses bawat ilang dekada, kaya maraming tao ang nagpaplanong tumawid din sa portal! Nang pumunta siya sa Jaellatra, ginamit ni Gerald ang isang sound talisman upang sabihin Nori tungkol sa kanyang plano. Natuwa si Nori nang malaman niya na papunta siya sa Skyreach Stone Tablet. Kung tutuusin, siya mismo ang nagpaplanong pumunta doon. Dahil doon, agad siyang umalis para hintayin siya. Bandang tanghali na nang magkita silang dalawa. Kahit ilang araw pa lang mula nang huli silang magkita, sobra nang namiss ni Nori si Gerald. Ito ang rason kung bakit bigla siyang tumalon para yakapin si Gerald sa pangalawang pagkakata
“Bilisan na natin, Gerald! Baka makuha ng iba ang maggaandang spots kung hindi tayo magmamadali!" sigaw ni Nori. Tumango si Gerald at pareho silang nag-transform sa kanilang mga divine sense form bago siya pumunta din sa portal. Pagpasok nila ay agad silang sinalubong ng isang makapal na kagubatan na sobrang refreshing at komportable na parang pumasok sila sa isang fairyland. Gayunpaman, alam nila Gerald at Nori na isa lang talaga itong illusory space. Alam din nila na may mga panganib na maaaring nakatago sa bawat sulok. Hindi nila alam kung hanggang saan ang illusion, pero malakas ang kutob nila na hindi lamang ang kagubatan na ito ang lugar na makikita dito... At tama ang hula nila. Kasama ang kagubatan, mayroong ilang iba pang mga terrain sa Challenge of the Fairyland tulad ng desert, ancient city, at snowfield. Ang mga divine senses ay napunta sa iba’t ibang lugar pagkatapos nilang pumasok sa portal, kaya isang malaking pagpapala na sina Nori at Gerald ay magkasama pa
Nababalisa si Nori habang nakatitig kay Gerald at naramdaman niya na kailangan niyang ipaalala sa lalaking ito na pareho silang nakapasok sa Sage Realm. Nang marinig iyon, naramdaman ni Gerald na may punto siya at pagkatapos nito ay sumagot siya, “…Okay, sige! Umatake na tayo! Kapag maaga nating nakuha ang divine stones, mas maaga nating matatapos ang mga hamon!" Pagkasabi nito ay sabay silang tumalon sa puno... Nang lumapag ang dalawa, may ilang mga arrow ang biglang tumalsik papunta sa kanila mula sa loob ng mga bushes! Sa kabutihang palad, pareho silang mabilis na nag-react at madali nilang naiwasan ang mga arrow. Ang mga arrow na ito ay tumusok sa ilang mga puno na nasa likuran nila... Kasunod nito, tatlong tao na may hawak na crossbows ang sumugod mula sa mga bushes at mabilis nitong pinalibutan sila Gerald at Nori! "Hindi ko inasahan na may makakasalubong tayong mga mahihina! Ang swerte mo boss!" sabi ng isang kalbong lalaki habang nakakalokong ngumiti at siya ay naka
Nakaupo silang dalawa ngayon sa tabi ng ilog at may nag-udyok kay Nori na magtanong“…Hindi ba nakakapagtataka na wala pa tayong nakikitang ibang tao kahit na matagal na tayong naglalakad…?” “Tama ka… Nagtataka tuloy ako kung medyo malayo na tayo sa iba,” sabi ni Gerald habang nagtataka siya sa buong sitwasyon. Pagkatapos ng kanyang pangungusap, isang bugso ng tubig ang biglang bumuhos mula sa ilog... at biglang lumaki ang mga mata nilang dalawa sa berdeng dragon na kakalabas lang ng tubig! Habang umaaligid sa ere, tiningnan ng masama ng dragon sina Nori at Gerald bago nagpakawala ng malakas na dagundong na umalingawngaw sa buong lugar! Hindi nila inasahan na may ganoong nilalang pala na nakatira sa ilog na iyon! Gayunpaman, hindi ngayon ang oras para pag-isipan ang bagay na iyon sa kadahilanan na ang berdeng dragon ay biglang nagsimulang sumisid patungo kina Gerald at Nori nang walang pasabi! “Umiwas ka!” sigaw ni Gerald bago siya tumalon sa gilid nila ni Nori para maiwasan
Pagkatapos nito ay mabilis silang nag-impake at umalis sa tabing ilog… Makalipas ang halos sampung minuto nang marinig nilang dalawa ang isang matinding labanan... Lumingon si Nori para tingnan si Gerald bago niya sinabi, “Mukhang may matinding labanan na nagaganap! Bilisan natin at panoorin natin sila!" Sumang-ayon si Gerald sa suggestion ni Nori. Kung tutuusin, may makukuha silang isang bagay na kailangan nila nang walang paghihirap. Kung naglalaban man sa isang mapanganib na lugar ang magkalaban, pwedeng pumasok sila Nori at Gerald kapag sila ay mga talunan na lamang. Dahil dito, sumugod silang dalawa bago mahusay na nagtago sa likod ng isang malaking bato. Nakatitig sila sa maliit na kagubatan sa harapan nila at pareho silang sinalubong ng lalaking nakaitim na damit na umaatake sa isang lalaking nakasuot ng puting damit. Masasabi na marami ang kanyang mga sugat base sa mga dugo sa kanyang katawan. Sa kabila ng kanyang mga pinsala at sa dami ng kanyang mga kalaban, ang l
Kinuha ni Gerald ang mga divine stones nila bago niya pinasok ang mga ito sa kanyang bulsa. May limang divine stones na ngayon si Gerald. Pagkatapos nito ay lumingon siya kay Zelig bago siya nagtanong, "Okay ka lang ba?" Umiling-iling si Zelig at nanghihina siyang sumagot, “Okay lang ako, salamat sa pagligtas mo sa akin! Nasaan ang manners ko! Ang pangalan ko ay Zelig Lear!" Napahinto si Nori nang marinig niya iyon. “Teka, ikaw si... Zelig Lear? Ang second young master ng pamilyang Lear sa Jaellatra?" tanong ni Nori. Lumingon sa kanya si Zelig at malinaw na hindi inaasahan na malalaman niya kung sino siya, kaya tumaas ang kilay niya at curious na sinabi, "...Ako nga, at ikaw si…?" “Ah, ako si Nori mula sa pamilyang Zahn! Hindi ko akalaing makakasalubong ko ang second young master ng pamilyang Lear dito! Isang karangalan ito para sa akin!” sabi ni Nori habang pilit siyang ngumiti. Ang pamilyang Lear ay isang napakalakas na pamilya sa Jaellatra at marami sa mga miyembro nil
"Tama ka, Mr. Crawford!" sagot ni Zelig habang sinisimulan niyang gamutin ang mga sugat niya. Nang matapos siya, saka siya umalis kasama sina Gerald at Nori. Sa kabutihang palad, ang mga sumunod na taong nakasalubong nila ay mga mahihina, kaya hindi nagtagal ay nakuha ng tatlo ang natitirang walong bato... Nang matapos iyon, mabilis silang bumalik sa exit para ipakita ang kanilang mga divine stone. Kapag matagumpay na nagawa iyon, umalis sila sa illusion space. Nang makabalik sila sa mundong ibabaw, binigyan sila ng tig-isang wooden token. Ang mga token ay patunay na nalampasan nila ang hamon at nagsilbi itong 'passes' para makapasok sila sa Leicom Continent. Nangangahulugan ito na ang mga taong walang mga wooden token hindi papayagang makapasok sa kabilang mundo. Dahil matagal na silang naghihintay na makapasok sa Leicom Continent, silang tatlo ay naiinip na pumasok sa Leicom Continent portal. Tinakpan nila ang kanilang mga mata mula sa puting liwanag, sa kalaunan ay nakar
Pagkatapos nilang maghintay ng ilang sandali, si Gerald at ang dalawa pa ay nakakuha ng pagkakataong ipakita ang kanilang auction item sa appraiser. Nang ipakita sa kanya ang jade charm, nakita ng tatlo na panandaliang nanlaki sa pagkagulat ang mga mata ng appraiser. Sumagot lamang ito pagkatapos itong maingat na sinuri ng appraiser, “…Sumama ka sa akin! Kayong tatlo!" Nang marinig iyon, sinundan siya ng tatlo papasok sa Aurum Auction House... Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang lalaki na may golden crown sa kanyang ulo. Matapos ibigay ng appraiser ang jade charm sa matanda, bumulong ito sa tenga ng matanda, dahilan para magulat ito.Tinitigan ng matanda si Gerald bago niya sinabi, "Paano mo nakuha ang jade charm ng green dragon?" Nag-aalangan si Gerald na ihayag ang impormasyon, ngunit nakasagot pa rin siya, "Nakuha ko ito pagkatapos kong patayin ang isang green dragon na nakita ko noong Challenge of the Fairyland!" Ang kaninang pagkagulat n