"Sisimulan natin ang bid sa one hundred thousand gold coins! Gusto ko lang paalalahanan ang lahat na ang bawat pagtaas ng bid ay kailangang lumampas sa fifty thousand gold coins!" paliwanag ng may koronang matanda. Nagkagulo ang mga tao nang magsimula ang bidding! "Two hundred thousand golden coins!" sigaw ng isang mukhang mayaman. Masasabi na ang taong ito ay mayaman dahil malaki kaagad ang itinaas ng kanyang bidding. Gayunpaman, pagkatapos nito, may isang matabang lalaki — na nakaupo sa tapat ng kaninang bidder—ang tumayo bago siya sumigaw, "Three hundred thousand golden coins" Inakala ni Gerald at ng dalawa pa na hindi ganoon kahalaga ang old hand fan. Gayunpaman, sino sila para manghusga ng isang bagay? Ang mga taong ito napakayaman kaya nagagawa nila ang anumang gusto nila sa kanilang pera. Pagkatapos nito, ang hand fan ay naibenta sa negosyante noon na nagsimula ng bid sa tumataginting halaga na six hundred thousand golden coins! Kasunod nito, umabot pa ng humigit-kum
Maya-maya pa, lumingon si Nori kay Gerald bago siya nagtanong, "...Parang masyadong... marami. Paano natin dadalhin ang lahat ng ito, Gerald…?” May tatlong chest na kaya nilang buhatin bawat isa, ngunit ito ay magiging abala sa kanila sa katagalan. Kapag nakita ng mga tao ang lahat ng ginto, paniguradong matutukso sila na nakawin ito… Nakita ng matandang may korona na stressed si Gerald kung paano niya bubuhatin ang perang ito, kaya may nilabas siya at inabot niya ang isang singsing sa kanya. Nagulat si Gerald nang makita niya ito at bigla siyang nagtanong, “…Para saan ang singsing na ito…?” "Ito ay isang storage ring na may malaking storage space! Pwede mong itago dito ang iyong golden coins para hindi ka mag-alala tungkol sa pagdadala nito!" paliwanag ng matanda habang magiliw siyang ngumiti. “Hindi ko ito pwedeng tanggapin ng libre! Bakit hindi na lang ganito? Bibilhin ko ang singsing na ito para sa halagang one million golden coin! Okay ba iyon?" tanong ni Gerald dahil hi
Tumango si Gerald bago siya sumagot, “Tama ka. Galing kami ng mga kasama ko sa Jaellatra, at dahil wala kaming pera, nagpasya akong ibenta ang jade charm!” “…Ikaw… Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang jade charm ng green dragon…?” sabi ng nalilitong Prinsipe Severin. Wala talagang alam si Gerald sa halaga ng item na ito. Kung hindi lang siya nangangailangan ng pera, hindi niya ibebenta ang jade charm na iyon. Wala siyang alam tungkol dito sa katunayan. Gayunpaman, ang tono ng pananalita ni Prinsipe Severin ay sapat na para malaman niya na ang jade charm ay isang pambihirang kayamanan... Lalo siyang naging curious, kaya umiling siya bago nagtanong, “Wala talaga akong alam tungkol diyan, Prince Severin. Sabihin mo sa akin kung gaano kahalaga ito!” “…Ang jade charm na ibinenta mo sa akin ay ang simbolo ng green dragon at ang taong nagmamay-ari nito ay bibigyan ng kapangyarihan ng green dragon! Kung hindi mo alam, sa apat na Divine Beast, ang green dragon ang pinakamalakas sa
Nang malapit na niya itong hawakan, ang batang dragon ay biglang umungol! Pinakita ng dragon ang kanyang maliliit na pangil, ngunit ang mga kilos nito ang nagpatunaw ng puso ni Nori. “Oh…? Pasaway ka sa akin kahit na napakabait ko sayo, bata?" mapaglarong sinabi ni Nori. Para bang naiintindihan ng dragon na siya ay pinapagalitan kaya ito ay pumulupot sa isang bola… Nang makita iyon, hindi napigilan ni Gerald na mapangiti. Nilapit ni Gerald ang kanyang braso at binuhat niya ang baby dragon bago niya ito inilagay sa kanyang palad... Taliwas sa unang reaksyon niya kay Nori, ang dragon ay nagkaroon ng malalim na nagtiwala kay Gerald at makikita ito dahil patuloy niyang hinihimas ang kanyang pisngi sa kanyang palad. . Natuwa si Nori nang makita niyang komportable ang dragon kay Gerald at sinabi niya, “Mukhang malaki ang tiwala sayo ng baby! Hindi siya naging mabagsik sayo kahit pa pagkatapos mo siyang hawakan.” Ganito lang ang naging reaksyon ng dragon dahil pamilyar ito sa amoy
Pagkatapos nito ay tumingin sa taas... at sa kanilang pagkamangha, nakita nila ang hindi mabilang na mga prutas na kakulay ng matingkad na kulay rosas ang tumutubo sa puno! "Jusko! Ang mga prutas na iyon ay napakaganda at mukhang juicy ito! Anong klaseng prutas yan?" sigaw ni Nori sa kanyang pagkamangha. Hindi siya nag-exaggerate sa paglalarawan niya sa prutas. Mapapansin sa itsura nito na ang prutas ay makikita lamang sa Leicom Continent… Kumuha si Gerald ng isang prutas at agad niyang naramdaman ang kakaibang enerhiya na mula rito. Napakahiwaga… Makalipas ang ilang segundo, nagulat ang tatlo nang biglang bumaba mula sa langit ang dalawang babae na nakasuot ng mahabang puting damit at may mga puting pakpak na tumutubo sa kanilang likuran! “Sino kayo? Ang lakas ng loob niyong pumasok dito at nakawin ang aming holy fruits!" sigaw ng isa sa mga babae habang galit siyang nakaturo kay Gerald. “Malakas ang mga babaeng ito, brother Gerald!” babala ni Zelig nang makita niya na kak
"Ang partikular na prutas na ito ay isang holy fruit na kilala bilang Heaven’s apple!" paliwanag ng babaeng may korona. Habang patuloy siyang nagpapaliwanag, nalaman ni Gerald na ang Heaven’s apple na ito ay tumutubo lamang isang beses bawat ilang daang taon. Kayang makapagbigay ng energy at magpagaling ng mga sugat ang prutas na ito, kaya ito ang main ingredient sa pharmaceutical sa Leicom Continent. “… Sige, pero… Hindi nito ipinapaliwanag kung bakit interesado ang dragon sa Heaven’s apple. Pinakain ko ito ng karne kanina pero hindi ito interesado dito!” natatarantang sinabi ni Gerald. Ngumiti naman ang may koronang babae bago siya sumagot, "Dahil sa sinabi mo, sigurado na ako ngayon na ang berdeng dragon ay isa sa mga Divine Beast ng Leicom Continent. Sa tingin ko nahanap mo ito habang nasa Challenge of the Fairyland ka, tama ba? Dapat mong malaman na kumakain lamang ng Heaven’s apple ang dragon na tinutuukoy ko!" Nakita ng babaeng may korona na naintindihan ni Gerald ang ka
"Nandito kami para mag-enroll sa Leicom Academy para magsanay at maging malalakas na cultivators!" sagot ni Nori. “Leicom Academy…?” nalilitong tinanong ni Gerald. Kasunod nito, nagsimulang idetalye nina Nori at Zelig ang academy na ito kay Gerald. Ang Leicom Academy ay ang pinakamalaking academy para sa mga cultivators ng Leicom Academy. Minsan bawat dekada, ang academy ay pipili ng mga talento mula sa iba't ibang kontinente upang mag-enroll doon at ang mga napili ay kadalasang nagiging pinakamakapangyarihan na mga cultivators. Nagkaroon din ng academic system kung saan ang mag-aaral na may outstanding performance ay hihirangin bilang head scholar. Ang pagkuha ng title na iyon ay isang malaking karangalan sa loob ng academy... Iyon ang dahilan kung bakit dumating ang mga taong iyon mula sa Jaellatra. Hindi alam ni Gerald ang tungkol dito dahil ang mga taga-Jaellatra lamang ang nakakaalam tungkol sa Leicom Continent. Ngayong naiintindihan na ni Gerald ang nangyayari, hindi ni
Kasunod nito, pinanood ng lahat ang isang lalaking nakasuot ng kulay blue na damit na bumaba mula sa langit... Nang lumapag siya sa harap ng mga tao, ang kanyang presensya ang nagpatahimik sa lahat. “…Maligayang pagdating sa academy. Ang pangalan ko ay Karsten Ykink, at ako ang examination proctor ng Leicom Academy. Ako ang chief examiner ng inyong exam ngayon. Kung hindi pa ito alam ng ibang tao, makakapag-enroll lang kayo dito kung makakapasa kayo sa examination!" paliwanag ni Karston. Pagkasabi nito, iwinagayway ni Karsten ang kanyang kamay at lumabas ang isang napakalaking bugso ng hangin na umihip... Nagulat ang lahat nang makita nila ang dalawang malalaking plataporma sa kanilang harapan! “Wag na tayong magpatalo pa. Ang mga lalaki ay pipila sa kaliwang plataporma at ang mga babae sa kanan. Ang mga kakalabanin niya ay mga representatives ng Leicom Academy, at para makapasa kayo sa examination, lahat ng kandidato ay kailangang makayanan ang mga atake mula sa kanila! Para s