Nang matauhan si Nori, agad naman siyang sumigaw, "G-Gerald...!" Umiiyak si Nori saka siya sumugod at niyakap siya ng mahigpit. Napagtanto ng iba pa na buhay pa si Gerald, kaya si Quest at ang iba pa ay parehong natuwa at nagulat. Habang tumatakbo din sila papunta sa kanya, sinusuri na ni Nori si Gerald mula ulo hanggang paa habang nagtatanong, “O-Okay ka lang ba Gerald? Nasaktan ka ba?" Napangiti lang si Gerald nang makita niya na sobrang nag-alala sa kanya si Nori, bago siya sumagot ng, “Huwag kang mag-alala, okay lang ako!” Nang marinig iyon, napakagaan ng loob ni Nori at maingat niyang hinampas ang kanyang maliliit na kamay sa dibdib nito habang bumubuntong-hininga, "Ikaw... Tinakot mo ako mula nang mawala ka...!" Matinding kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon pagkatapos masaksihan ang mga kaganapan kahapon ay sobra-sobra... Habang tinatapik ni Gerald ang mga balikat nila Patrick at Quest, bigla namang napatanong si Quest, "Anong nangyari pagkatapos mong mahulog?
Sumagot si Dylan nang marinig niya ang tanong ng kanilang anak, “Ah, well, silang dalawa ay pumunta sa Laiross State! Base sa nalaman namin, mukhang nahanap ni Mila ang kanyang biological parents doon! Dahil doon, binisita niya ang pamilyang Smith doon para kumpirmahin ito!" "Ano? Ang Laiross State? Ang kanyang biological parents?” hindi makapaniwalang sinabi ni Gerald. Kasunod nito, nag-iwan si Gerald ng ilang tagubilin para sa kanyang mga magulang bago siya umalis sa Laiross State nang mag-isa... Samantala, parehong nakatayo sina Mila at Jessica sa hall ng Smith family manor. Makapangyarihan ng mga Smith sa Laiross State—dahil sa pagmamay-ari nila ng malaking business chains—at isa sila sa mga prestigious family dito. Ang biglaang pagdating ni Mila ay tiyak na hindi inaasahan sa katunayan. "Sinasabi mo na ang pangalan mo ay Mila Smith?" tanong ng isang babae—na may marangyang damit at may makapal na makeup—habang nakatitig kay Mila. "Tama iyan. Pumunta ako dito para han
Walang masabi si Mila nang marinig niya iyon. Sa halip, hinawakan lang niya ang braso ni Jessica bago niya ito hinila. Hindi sigurado si Zyre kung ano ang gagawin niya habang nakatingin siya sa kanilang dalawa... Nang makitang wala na ang dalawa, agad na hinila ni Hollie at ang kanyang ina si Zyre papasok sa bahay kasama nila. Umupo siya sa isang sopa at siniguro nilang tanungin siya ng maayos. Lumalabas na si Zyre ay nakipag-date sa ibang babae-na nagngangalang Yviene Morish at ang biological na ina ni Mila-bago niya pinakasalan si Chaney. Sa kasamaang palad, ayaw ng pamilya ni Zyre na magkasama sila. Dahil doon, umalis si Yviene pagkatapos niyang ipanganak si Mila. Naalala niya ang mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay, ngunit hindi niya ito binanggit kahit kanino. Naisip niya ang posibilidad na magpakita si Yviene isang araw kasama si Mila, ngunit hindi niya akalain na makikita niya ang kanyang anak ng mag-isa sa ganoong kalagayan. Nang ikwento niya ito, talagang nagal
'Hello, Mila. Si Hollie ito. Gusto ko sanang makipagkita para makausap kita!’ sabi sa text message. Kakaiba at nakakagulat na si Hollie ang kusang nagyaya sa kanya, kaya tumingin si Mila kay Gerald bago niya sinabing, "Nag-text si Hollie... Mukhang gusto niya akong makita!" “Oh? Tingnan natin kung anong kailangan niya! Sasamahan na kita!" sagot ni Gerald, naramdaman niya na may nakatagong motibo si Hollie. Lumakas ang loob ni Mila nang malaman niyang sasamahan siya ni Gerald. Kahit na ayaw pumunta ni Milam sigurado pa rin niya na kakayanin niya ang anumang ibinato sa kanya ni Hollie. Pagkatapos nilang makahanap ng isang lokasyon para makipagkita kay Hollie, umalis na sina Mila at Gerald mula sa hotel… Ang kanilang meeting place ay isang liblib na park, at naisipan ni Gerald na manatili sa kadiliman para mapanood ang eksena. Pagdating nila doon, nasa park na si Hollie. Ayaw nang magpatumpik-tumpik pa ni Hollie kaya sinabi niya, "Ano ang maitutulong ko sayo?" Tumawa ng ma
Nang mawala na ang mga taong iyon, lumingon si Gerald para tingnan ang natulala na si Hollie na takot na takot hanggang sa punto na hindi na siya makagalaw… Biglang nautal si Hollie nang makita niyang dahan-dahang naglakad si Gerald papunta sa kanya, “I-Ikaw…! Wag kang pumunta dito...! A-Ako ay mula sa pamilyang Smith…!” Akala niya magagamit niya ang kanyang pamilya bilang banta, kaya masasabi na isang tunay na tanga lamang ang babaeng ito... Bago pa man mangyari ang kahit anong bagay, mabilis na tumakbo si Mila papunta kay Gerald bago niya hinila ang manggas nito habang sinasabing, "Kalimutan na lang natin siya, Gerald..." Kapatid niya pa rin si Hollie at siya rin ang biological na anak ng ama ni Mila. Ito ang dahilan kung bakit nag-atubili si Mila na baka may masamang mangyari kay Hollie kapag ginawa nila ito. Nang marinig iyon, tumango lamang si Gerald bago siya sumagot, “...Okay.” Gayunpaman, gusto pa rin niyang bigyan ng matinding babala si Hollie, ngunit naisip niya n
Nang marinig iyon, tumango lang si Gerald kay Master Ghost.. Kinabukasan, nagpaalam si Gerald kay Mila at sa kanyang pamilya bago siya pumunta sa Skyreach Stone Tablet ng Jaellatra. Sa puntong iyon, ang balita na ang Skyreach Stone Tablet ay nabuksan at kumalat na sa buong Jaellatra. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa adventure na nagpapakita lamang ng isang beses bawat ilang dekada, kaya maraming tao ang nagpaplanong tumawid din sa portal! Nang pumunta siya sa Jaellatra, ginamit ni Gerald ang isang sound talisman upang sabihin Nori tungkol sa kanyang plano. Natuwa si Nori nang malaman niya na papunta siya sa Skyreach Stone Tablet. Kung tutuusin, siya mismo ang nagpaplanong pumunta doon. Dahil doon, agad siyang umalis para hintayin siya. Bandang tanghali na nang magkita silang dalawa. Kahit ilang araw pa lang mula nang huli silang magkita, sobra nang namiss ni Nori si Gerald. Ito ang rason kung bakit bigla siyang tumalon para yakapin si Gerald sa pangalawang pagkakata
“Bilisan na natin, Gerald! Baka makuha ng iba ang maggaandang spots kung hindi tayo magmamadali!" sigaw ni Nori. Tumango si Gerald at pareho silang nag-transform sa kanilang mga divine sense form bago siya pumunta din sa portal. Pagpasok nila ay agad silang sinalubong ng isang makapal na kagubatan na sobrang refreshing at komportable na parang pumasok sila sa isang fairyland. Gayunpaman, alam nila Gerald at Nori na isa lang talaga itong illusory space. Alam din nila na may mga panganib na maaaring nakatago sa bawat sulok. Hindi nila alam kung hanggang saan ang illusion, pero malakas ang kutob nila na hindi lamang ang kagubatan na ito ang lugar na makikita dito... At tama ang hula nila. Kasama ang kagubatan, mayroong ilang iba pang mga terrain sa Challenge of the Fairyland tulad ng desert, ancient city, at snowfield. Ang mga divine senses ay napunta sa iba’t ibang lugar pagkatapos nilang pumasok sa portal, kaya isang malaking pagpapala na sina Nori at Gerald ay magkasama pa
Nababalisa si Nori habang nakatitig kay Gerald at naramdaman niya na kailangan niyang ipaalala sa lalaking ito na pareho silang nakapasok sa Sage Realm. Nang marinig iyon, naramdaman ni Gerald na may punto siya at pagkatapos nito ay sumagot siya, “…Okay, sige! Umatake na tayo! Kapag maaga nating nakuha ang divine stones, mas maaga nating matatapos ang mga hamon!" Pagkasabi nito ay sabay silang tumalon sa puno... Nang lumapag ang dalawa, may ilang mga arrow ang biglang tumalsik papunta sa kanila mula sa loob ng mga bushes! Sa kabutihang palad, pareho silang mabilis na nag-react at madali nilang naiwasan ang mga arrow. Ang mga arrow na ito ay tumusok sa ilang mga puno na nasa likuran nila... Kasunod nito, tatlong tao na may hawak na crossbows ang sumugod mula sa mga bushes at mabilis nitong pinalibutan sila Gerald at Nori! "Hindi ko inasahan na may makakasalubong tayong mga mahihina! Ang swerte mo boss!" sabi ng isang kalbong lalaki habang nakakalokong ngumiti at siya ay naka