Lumingon ang mga estudyante nang marinig nila ang tunog ng makina habang ang Lamborghini ay lumihis ng bahagya bago ito huminto sa harapan nila, nagkalat tuloy sa buong lugar ang mga nahulog na dahon. Napahinto sa sobrang gulat ang mga tao sa biglang pagdating ng kotse. “…Lamborghini Reventon ba yan…?” Hindi maitago ng mga tao ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Hindi man lang kumurap ng saglit ang mga tao sa takot na mawala na lang ang paningin nila ang marangyang sasakyan sa pangalawang pagkakataon. Hindi lang isang limited edition Lamborghini Reventon ang kotse na ito na nagkakahalaga ng hindi bababa sa two million six hundred thousand dollars, ngunit ayon sa legend, ang misteryosong mayaman na binata ay nagmamay-ari ng ganoong kotse! Naramdaman ng lahat na parang isinabuhay ang inakala nilang sabi-sabi lamang, kaya hindi talaga sila makapaniwala. Hindi nila inasahan na sila na masasaksihan nila ang pagdating nito, kaya naman nabigla silang lahat nang makita ito. Si Mr
Matapos iwagayway ang kanyang kamay para paalisin ang lahat, siniguro ni Gerald na maayos niyang naiparada ang kanyang sasakyan habang iniisip sa kanyang sarili kung ano ang problema sa kasalukuyang lipunan. Ano naman kung mayaman ang isang tao? Kung mareresolba ng pera ang lahat, hindi na sana magpapatuloy si Gerald sa paghahanap, tulad ng ginagawa niya ngayon. Napailing lang siya saka tumingin sa campus building bago siya dumiretso dito para ipagpatuloy ang paghahanap ng babaeng may malakas na yin physique. Ang nangyari kanina ay isang maliit na bagay lamang at biglang nakaramdam ng nostalgia si Gerald nang siya ay muling tumuntong sa campus pagkatapos ng kanyang graduation dalawang taon na ang nakalipas. Gaya nga ng kasabihan, ang buhay ay isang bilog na patuloy ang pag-ikot. Hindi importante kung ang isang tao ay mayaman o mahirap, palagi silang babalik sa kanilang pinanggalingan. Totoo ang kasabihang iyon, ang lahat ng ito ay nagsimula sa university na ito. Kung tutuusin
Nang marinig iyon, siniguro ng mga babae na magpasalamat muna kay Gerald sa sandaling makalapit ito sa kanila. Medyo magulo pa ang isip ni Gerald habang ginagawa nila ito. Mula nang makarating siya, parating pumapasok sa isip niya ang nostalgic na mga pangyayari na naganap dito noong nag-aaral pa siya. Maya-maya, napahinto si Gerald at pumwesto sa isang lugar bago niya sinabing, “Kukunan ko na kayo ng litrato kung ready na kayo!” "Tara na!" sabi ng mga babae matapos silang gumawa ng iba't ibang pose habang nagtatawanan sila. Pagkatapos makuha ni Gerald ang kumpirmasyon, dahan-dahang itinaas ni Gerald ang camera. Siniguro niya na nakita ang lahat sa picture bago niya sinabing, “Okay ready… one, two, three! - f*ck!” Bigla na lang nataranta si Gerald kaya nahagis niya sa ere ang camera! Bumagsak na lang sa lupa ang camera bago pa ito namalayan ng lahat! Narinig nila pagkabasag ng lense nito, kaya sigurado ang lahat na nabasag ang looban nito!. Ngunit nangyari lang iyon dahil b
Mapang-asar ang tono ng pananalita ni Yulia habang sinasabi niya iyon.. “…Isantabi muna natin ang picture taking sa ngayon at mas tumutok tayo sa problema sa camera... Kapag tapos na tayo dito, pwede na tayong kumain sa Dominoes o kung ano pa man…” sabi ng mahabang buhok na babae habang umiiling. "Ano? Hindi natin siya pwedeng pabayaan ng ganun-ganun lang! Kailangan nating siguraduhin na babayaran niya tayo para sa lahat ng mga damages na ginawa niya!” sagot ni Yulisa, makikita na ayaw niyang pakawalan si Gerald nang ganun kadali. “Hayaan mo na!” awkward na sinabi ng babaeng mahaba ang buhok sa medyo habang pinagmamasdan ang parami at parami na nagkukumpulan sa kanila para tingnan kung ano ang dahilan ng kaguluhan. Habang pilit ng babaeng may mahabang buhok na hinihila ang mga kaibigan niya palayo sa kanya, mabilis na tumingin si Gerald sa babaeng ito, “Teka lang! Pwede… pwede ko bang makuha ang contact number mo? Kailangan ko pang ilipat ang pera sayo mamaya, hindi ba?" Nang
“Wah! Si Preston!" Tumili ang ilan sa mga babaeng kumakain doon, nabigla sila sa romantic na eksena. Karamihan sa mga babae ay nangangarap lamang na mabigyan sila ng surprise romantic gesture sa kanilang buhay, kaya imposible para sa kanila na manatiling kalmado ngayong nangyayari ang ganoong sitwasyon sa harapan mismo ng kanilang mga mata. Nakakabigla na ang lalaking iyon ay nakaluhod pa hawak ang mga rosas sa kanyang kamay. Nakakakilig talaga! Gaano man kalamig ang puso ng isang babae, paniguradong matutunaw sa sobrang tuwa ang kanilang puso pagkatapos ipakita ang romantic confession na ito! Ugali ng mga babae na piliin ang mga lalaking sinusurpresa sila. Makikita ngayon sa mga mata ng ibang babae ang inis at inggit. Naramdaman ito ng mga kaibigan ni Noelle, ngunit mas na-excite sila para sa kanilang kaibigan nang bigyan nila ng space ang dalawa. Habang ginagawa nila ito, kinuha din nila ang kanilang mga cellphone para kunan ng video ang eksena. Mag-isa na ngayong nakaupo s
“Hah! Kung gusto niya akong bugbugin, hahayaan ko siyang suntukin ako ng isang beses!" Ngumisi si Zacky habang tumatayo at nagsimula siyang maglakad papunta kay Gerald. Desidido na si Gerald sa susunod niyang gagawin, kailangan niya pang hanapin muna si Noelle. Pero bago pa man siya makaalis, bigla niyang narinig na may tumawag sa kanya, “Hoy, bata! Saglit lang!” Naramdaman niya na may matigas na kamay na nagtatangkang humawak sa kanyang balikat, ngunit kusang gumalaw ang kanyang katawan bago pa man niya makita kung sino ang taong iyon. Ilang dangkal na lang ang layo ng kamay ni Zacky nang biglang nilihis ni Gerald ang kanyang balikat at tumalsik si Zacky dahil sa flying kick ni Gerald! Tuluyan lang tumigil si Zacky nang matumba siya sa ilang dosenang lamesa at upuan! “P*ta!” sigaw ni Zacky, naramdaman niya na parang nakaranas siya ng matinding pagkatalo habang nakakapit siya sa braso niyang namamanhid. Ang kaninang boss at ang isa pang lalaki ay biglang napatayo sa punto
"Aiden, kilala mo naman ako, ako ang tipo ng tao na hindi mahilig habulin ang mga babae! Ginagawa ko lang ang ginawa ko dahil kailangan kong magpatulong sa babaeng iyon!" sagot ni Gerald habang umiiling na may pilyong ngiti sa kanyang labi. Hindi na ipinaliwanag ni Gerald kay Aiden ang katotohanan na kailangan niya ang dugo ng babaeng iyon dahil ayaw niya itong mag-alala sa kanya. Dahil malaki na ang naitulong sa kanya nina Aiden at Yoel noon, ayaw na ni Gerald na idawit pa siya sa kanyang gulo lalo na’t maayos na ang kanilang buhay. Mas mabuting in general na lang ipaliwanag ni Gerald ng mga bagay. “Hahaha! Sige, sige... Mabuti na lang at nakasalubong mo ako! Kung hindi mo alam, magaling ako pagdating sa mga babae!" sabi ni Aiden sabay tawa. "Sinabi ko na sayo na hindi ko siya sinusubukang ligawan... Gusto ko lang hingiin ang kanyang tulong sa isang bagay!" bulong ni Gerald. "Naiintindihan ko… Pero parang nililligawan mo na rin siya base sa sinabi mo!" “…Oo nga, maswerte a
Ang kanilang layunin ay papuntahin ang magnanakaw sa South Street. Kapag naroon na siya, magsasagawa sila ng entrapment operation para matugis siya doon. Dahil doon, mabilis na nagmaneho si Aiden papunta doon at nakarating na agad sila sa street sa loob lamang ng limang minuto. Pagdating sa pinangyarihan, nakita ni Gerald na lima lang silang naghihintay sa magnanakaw sa South Street. Hindi pala nagbibiro si Aiden nang sabihin niyang kakaunti lang ang manpower nila. "Kumusta na?" tanong ni Aiden sabay lapit sa grupo na nandoon. "Tulad ng sinabi ko kanina, nahanap na namin si Maverick at darating siya sa South Street anumang oras ngayon. Susubukan naming pigilan siya sa mula dito. Speaking of which, bakit kayong tatlo lang ang nandito? Hindi ba sinabi mo na nakahanap ka ng mas maraming tulong?" tanong ng leader ng kabilang team na medyo matangkad na babae. Lumabas si Gerald nang marinig niya iyon. Kanina pa siya nakaupo sa loob dahil abala siya sa pagsuri sa paligid. Kailangan