"Aiden, kilala mo naman ako, ako ang tipo ng tao na hindi mahilig habulin ang mga babae! Ginagawa ko lang ang ginawa ko dahil kailangan kong magpatulong sa babaeng iyon!" sagot ni Gerald habang umiiling na may pilyong ngiti sa kanyang labi. Hindi na ipinaliwanag ni Gerald kay Aiden ang katotohanan na kailangan niya ang dugo ng babaeng iyon dahil ayaw niya itong mag-alala sa kanya. Dahil malaki na ang naitulong sa kanya nina Aiden at Yoel noon, ayaw na ni Gerald na idawit pa siya sa kanyang gulo lalo na’t maayos na ang kanilang buhay. Mas mabuting in general na lang ipaliwanag ni Gerald ng mga bagay. “Hahaha! Sige, sige... Mabuti na lang at nakasalubong mo ako! Kung hindi mo alam, magaling ako pagdating sa mga babae!" sabi ni Aiden sabay tawa. "Sinabi ko na sayo na hindi ko siya sinusubukang ligawan... Gusto ko lang hingiin ang kanyang tulong sa isang bagay!" bulong ni Gerald. "Naiintindihan ko… Pero parang nililligawan mo na rin siya base sa sinabi mo!" “…Oo nga, maswerte a
Ang kanilang layunin ay papuntahin ang magnanakaw sa South Street. Kapag naroon na siya, magsasagawa sila ng entrapment operation para matugis siya doon. Dahil doon, mabilis na nagmaneho si Aiden papunta doon at nakarating na agad sila sa street sa loob lamang ng limang minuto. Pagdating sa pinangyarihan, nakita ni Gerald na lima lang silang naghihintay sa magnanakaw sa South Street. Hindi pala nagbibiro si Aiden nang sabihin niyang kakaunti lang ang manpower nila. "Kumusta na?" tanong ni Aiden sabay lapit sa grupo na nandoon. "Tulad ng sinabi ko kanina, nahanap na namin si Maverick at darating siya sa South Street anumang oras ngayon. Susubukan naming pigilan siya sa mula dito. Speaking of which, bakit kayong tatlo lang ang nandito? Hindi ba sinabi mo na nakahanap ka ng mas maraming tulong?" tanong ng leader ng kabilang team na medyo matangkad na babae. Lumabas si Gerald nang marinig niya iyon. Kanina pa siya nakaupo sa loob dahil abala siya sa pagsuri sa paligid. Kailangan
"Oo!" mayabang na sumagot si Aiden. Nabigla si Aiden dahil ang dati niyang Gerald na kilala noon ay walang kakayahan sa pakikipaglaban. Sa kabila nito, matapos masaksihan ng sarili niyang mga mata ang tunay na lakas ni Gerald, sigurado si Aiden na magiging madali ang paghuli nila sa rapist sa tulong ni Gerald. Kung magiging totoo lang si Aiden sa kanyang sarili, kahit ang legendary warriors sa military district ay hindi karapat-dapat na maging kalaban ni Gerald. “…Siya pala talaga…?” sabi ni Maia habang pareho silang umiiling ni Warren. “Niloloko ba tayo ng team Aiden? Si Gerald ay isang kilalang tao noon sa Mayberry, pero sana maisip ninyo na ang kasalukuyang kinakaharap natin ang napakatuso at skillful na si Maverick! Alam kong may pinagdaanan kayo ni Gerald dahil isa kang mayaman na tagapamana rin, pero sa tingin mo ba ay maniniwala ako na ang katulong na inimbitahan mo ngayon dito ay si Gerald?” dagdag ni Maia na para bang hindi siya kumbinsido. Inakala ni Maia noong una
Sumigaw si Gerald nang makitang niyang may malapit na motorsiklo, “Pahiram ng motorsiklong iyon, Aiden!” Ibinato ni Aiden ang susi ng motorsiklo kay Gerald pagkatapos nito. Mabilis na nakuha ni Gerald ang susi at agad niya itong pinasok sa keyhole ng motorsiklo bago niya pinaandar ang gasolina at sinundan ang kotse nang kasing bilis ng kidlat! Agad namang umiwas si Maia at Warren nang makita niyang walang pag-aalinlangan niyang sinundan ang kotse. Nagsagawa sila ng mabilis na adjustments sa kanilang mga plano at pagkatapos nito ay sinimulan nila ang second step ng plano. Nag-aatubuli sila nang habulin nila sila Gerald at Maverick. Nakita ni Maverick sa pamamagitan ng rear-view mirror ng sasakyan na papalapit ng papalapit sa kanya si Gerald at ang iba pa at hindi niya maiwasang mapamura, “Ang galing niyang magmaneho!" Kahit ang dalawang babae sa kotse ay nanlaki ang mga mata sa gulat nang mapagtanto nila kung sino ang sumusunod sa kidnapper. “S-siya! Noelle, siya ang lalaking
Kung hindi nila ito nakita sa kanilang sariling mga mata, walang sinuman ang maniniwala na ang lahat ng ito ay nangyari talaga. Imposible para sa isang normal na tao na maging napakalakas para basta-bastang punitin ang pinto ng kotse nang ganoon kadali habang mabillis itong tumatakbo! Posible ito kung mabilis, malakas at may matinding balance ang taong iyon ngunit... parang makikita mo lang ang mga ganoong tao sa pelikula! Hindi akalain ni Maia na ang kanyang high school classmate na dating patpatin at mahina, ang taong palaging nag-aalala kung paano siya kikita ng mas maraming pera para mapakain nang maayos ang kanyang sarili araw-araw ay naging napakalakas na ngayon! Natanggap na niya noon na si Gerald ay isang mayamang young master, ngunit lumalabas na isa rin siyang napakahusay na tao na ang kapangyarihan ay katumbas ng isang mala-diyos na top master! Takot na takot si Warren ng mga sandaling iyon. Kanina pa siya nakaupo sa tabi ni Maia sa sasakyan, kaya ibig sabihin nito a
“Hindi naman,” kaswal na sinabi ni Gerald. Gusto pa sanang sabihin ni Maia ang kanyang pag-aalala kay Gerald, ngunit hindi niya alam kung bakit walang lumalabas sa bibig niya. Kung tutuusin, matagal na niyang minamaliit si Gerald at sinabi niya pang magdudulot lang siya ng gulo kaysa makatulong! Sa madaling salita, hindi niya ito masyadong sineryoso mula noong una silang magkita hanggang sa tumapak sila sa high school. Hindi niya sineryoso si Gerald kahit pa noong una silang nagkita sa bar pagkaraan ng ilang taon at nang malaman ni Maia na napakayaman niya noon sa Salford Province. Sa oras na iyon, hindi mapigilan ni Maia na maramdaman ang mabilis na tibok ng kanyang puso ngayong nakatayo siya sa harapan ng kakaiba at bagong Gerald. Sa katunayan, humahanga at lumalalim ang paggalang niya sa lalaking ito sa kaibuturan ng kanyang puso. Ngunit hindi sumagi sa isip ni Gerald na kailangan niyang magpakitang gilas sa harap ni Maia. Kung tutuusin, hindi niya kailangan ang paghanga o p
Hindi talaga inaasahan ni Gerald na sasabihin ni Noelle ang eksaktong mga salita tulad ng hula ni Aiden. Kung tutuusin, sinabi ni Aiden kay Gerald na ang mga dyosang tulad niya ay mahilig makipaglaro. Sa madaling salita, gusto nila ang proseso na hinahabol sila ng lalaki. Lalo nilang nagustuhan ito kapag ang mga taong gusto nila ay nagmamalasakit sa kanila. Dahil doon, hindi pa rin siya magkukusa na ibigay kay Gerald ang kanyang contact number kahit na siya ang nagligtas sa kanya. Ang gagawin lang ni Noelle ay ang makipag-usap sa kanya ng sandali bago siya tatalikod para umalis. Siyempre, hindi talaga siya aalis kaagad. Sa halip, maghihintay siya nang kaunti para hintayin na sabihin ni Gerald na manatili siya. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga tao na ligawan ang dyosa. Kung tutuusin, ang ikinakatuwa ng mga babae ay ang proseso ng panliligaw at paghahanap sa kanila. Eksakto sa hula ni Aiden ang bawat kilos na ipinakita ni Noelle. Nang makita iyon, ipinagpatuloy ni G
Syempre ang alam ni Gerald na siya lang ang nasa puso ni Mila at hinding-hindi niya ita-trato ang ibang lalaki tulad ng trato niya kay Gerald... Nagising si Gerald sa katotohanan at pinaalalahanan niya ang kanyang sarili na tatlong araw na lang bago sumapit ang kalagitnaan ng buwan. Nababalisa siya dahil doon. Kailangan niyang pag-usapan ang bagay na iyon kay Aiden ngayong gabi. Kahit papaano ay maayos na siyang simula ngayon. Kailangan lang nilang magkita mamaya para pag-usapan ang mga susunod na hakbang... “Alam mo, may pakiramdam ako na hindi talaga interesado si Gerald sayo, Noelle... Kung tutuusin, kahit na sinabi mo sa kanya na gusto mong matuto ng ilang self-defense technique, ang ibinigay lang niya ay ang kanyang public contact number!" sabi ni Yulisa. "Anong mali doon? Interesado talaga akong matuto. Nakita mo ba kung gaano siya katapang noong iniligtas niya tayo kanina? Naiisip ko tuloy na parang may kakaiba siyang ugali na hindi natin alam... Napaka-misteryoso niya