Mapang-asar ang tono ng pananalita ni Yulia habang sinasabi niya iyon.. “…Isantabi muna natin ang picture taking sa ngayon at mas tumutok tayo sa problema sa camera... Kapag tapos na tayo dito, pwede na tayong kumain sa Dominoes o kung ano pa man…” sabi ng mahabang buhok na babae habang umiiling. "Ano? Hindi natin siya pwedeng pabayaan ng ganun-ganun lang! Kailangan nating siguraduhin na babayaran niya tayo para sa lahat ng mga damages na ginawa niya!” sagot ni Yulisa, makikita na ayaw niyang pakawalan si Gerald nang ganun kadali. “Hayaan mo na!” awkward na sinabi ng babaeng mahaba ang buhok sa medyo habang pinagmamasdan ang parami at parami na nagkukumpulan sa kanila para tingnan kung ano ang dahilan ng kaguluhan. Habang pilit ng babaeng may mahabang buhok na hinihila ang mga kaibigan niya palayo sa kanya, mabilis na tumingin si Gerald sa babaeng ito, “Teka lang! Pwede… pwede ko bang makuha ang contact number mo? Kailangan ko pang ilipat ang pera sayo mamaya, hindi ba?" Nang
“Wah! Si Preston!" Tumili ang ilan sa mga babaeng kumakain doon, nabigla sila sa romantic na eksena. Karamihan sa mga babae ay nangangarap lamang na mabigyan sila ng surprise romantic gesture sa kanilang buhay, kaya imposible para sa kanila na manatiling kalmado ngayong nangyayari ang ganoong sitwasyon sa harapan mismo ng kanilang mga mata. Nakakabigla na ang lalaking iyon ay nakaluhod pa hawak ang mga rosas sa kanyang kamay. Nakakakilig talaga! Gaano man kalamig ang puso ng isang babae, paniguradong matutunaw sa sobrang tuwa ang kanilang puso pagkatapos ipakita ang romantic confession na ito! Ugali ng mga babae na piliin ang mga lalaking sinusurpresa sila. Makikita ngayon sa mga mata ng ibang babae ang inis at inggit. Naramdaman ito ng mga kaibigan ni Noelle, ngunit mas na-excite sila para sa kanilang kaibigan nang bigyan nila ng space ang dalawa. Habang ginagawa nila ito, kinuha din nila ang kanilang mga cellphone para kunan ng video ang eksena. Mag-isa na ngayong nakaupo s
“Hah! Kung gusto niya akong bugbugin, hahayaan ko siyang suntukin ako ng isang beses!" Ngumisi si Zacky habang tumatayo at nagsimula siyang maglakad papunta kay Gerald. Desidido na si Gerald sa susunod niyang gagawin, kailangan niya pang hanapin muna si Noelle. Pero bago pa man siya makaalis, bigla niyang narinig na may tumawag sa kanya, “Hoy, bata! Saglit lang!” Naramdaman niya na may matigas na kamay na nagtatangkang humawak sa kanyang balikat, ngunit kusang gumalaw ang kanyang katawan bago pa man niya makita kung sino ang taong iyon. Ilang dangkal na lang ang layo ng kamay ni Zacky nang biglang nilihis ni Gerald ang kanyang balikat at tumalsik si Zacky dahil sa flying kick ni Gerald! Tuluyan lang tumigil si Zacky nang matumba siya sa ilang dosenang lamesa at upuan! “P*ta!” sigaw ni Zacky, naramdaman niya na parang nakaranas siya ng matinding pagkatalo habang nakakapit siya sa braso niyang namamanhid. Ang kaninang boss at ang isa pang lalaki ay biglang napatayo sa punto
"Aiden, kilala mo naman ako, ako ang tipo ng tao na hindi mahilig habulin ang mga babae! Ginagawa ko lang ang ginawa ko dahil kailangan kong magpatulong sa babaeng iyon!" sagot ni Gerald habang umiiling na may pilyong ngiti sa kanyang labi. Hindi na ipinaliwanag ni Gerald kay Aiden ang katotohanan na kailangan niya ang dugo ng babaeng iyon dahil ayaw niya itong mag-alala sa kanya. Dahil malaki na ang naitulong sa kanya nina Aiden at Yoel noon, ayaw na ni Gerald na idawit pa siya sa kanyang gulo lalo na’t maayos na ang kanilang buhay. Mas mabuting in general na lang ipaliwanag ni Gerald ng mga bagay. “Hahaha! Sige, sige... Mabuti na lang at nakasalubong mo ako! Kung hindi mo alam, magaling ako pagdating sa mga babae!" sabi ni Aiden sabay tawa. "Sinabi ko na sayo na hindi ko siya sinusubukang ligawan... Gusto ko lang hingiin ang kanyang tulong sa isang bagay!" bulong ni Gerald. "Naiintindihan ko… Pero parang nililligawan mo na rin siya base sa sinabi mo!" “…Oo nga, maswerte a
Ang kanilang layunin ay papuntahin ang magnanakaw sa South Street. Kapag naroon na siya, magsasagawa sila ng entrapment operation para matugis siya doon. Dahil doon, mabilis na nagmaneho si Aiden papunta doon at nakarating na agad sila sa street sa loob lamang ng limang minuto. Pagdating sa pinangyarihan, nakita ni Gerald na lima lang silang naghihintay sa magnanakaw sa South Street. Hindi pala nagbibiro si Aiden nang sabihin niyang kakaunti lang ang manpower nila. "Kumusta na?" tanong ni Aiden sabay lapit sa grupo na nandoon. "Tulad ng sinabi ko kanina, nahanap na namin si Maverick at darating siya sa South Street anumang oras ngayon. Susubukan naming pigilan siya sa mula dito. Speaking of which, bakit kayong tatlo lang ang nandito? Hindi ba sinabi mo na nakahanap ka ng mas maraming tulong?" tanong ng leader ng kabilang team na medyo matangkad na babae. Lumabas si Gerald nang marinig niya iyon. Kanina pa siya nakaupo sa loob dahil abala siya sa pagsuri sa paligid. Kailangan
"Oo!" mayabang na sumagot si Aiden. Nabigla si Aiden dahil ang dati niyang Gerald na kilala noon ay walang kakayahan sa pakikipaglaban. Sa kabila nito, matapos masaksihan ng sarili niyang mga mata ang tunay na lakas ni Gerald, sigurado si Aiden na magiging madali ang paghuli nila sa rapist sa tulong ni Gerald. Kung magiging totoo lang si Aiden sa kanyang sarili, kahit ang legendary warriors sa military district ay hindi karapat-dapat na maging kalaban ni Gerald. “…Siya pala talaga…?” sabi ni Maia habang pareho silang umiiling ni Warren. “Niloloko ba tayo ng team Aiden? Si Gerald ay isang kilalang tao noon sa Mayberry, pero sana maisip ninyo na ang kasalukuyang kinakaharap natin ang napakatuso at skillful na si Maverick! Alam kong may pinagdaanan kayo ni Gerald dahil isa kang mayaman na tagapamana rin, pero sa tingin mo ba ay maniniwala ako na ang katulong na inimbitahan mo ngayon dito ay si Gerald?” dagdag ni Maia na para bang hindi siya kumbinsido. Inakala ni Maia noong una
Sumigaw si Gerald nang makitang niyang may malapit na motorsiklo, “Pahiram ng motorsiklong iyon, Aiden!” Ibinato ni Aiden ang susi ng motorsiklo kay Gerald pagkatapos nito. Mabilis na nakuha ni Gerald ang susi at agad niya itong pinasok sa keyhole ng motorsiklo bago niya pinaandar ang gasolina at sinundan ang kotse nang kasing bilis ng kidlat! Agad namang umiwas si Maia at Warren nang makita niyang walang pag-aalinlangan niyang sinundan ang kotse. Nagsagawa sila ng mabilis na adjustments sa kanilang mga plano at pagkatapos nito ay sinimulan nila ang second step ng plano. Nag-aatubuli sila nang habulin nila sila Gerald at Maverick. Nakita ni Maverick sa pamamagitan ng rear-view mirror ng sasakyan na papalapit ng papalapit sa kanya si Gerald at ang iba pa at hindi niya maiwasang mapamura, “Ang galing niyang magmaneho!" Kahit ang dalawang babae sa kotse ay nanlaki ang mga mata sa gulat nang mapagtanto nila kung sino ang sumusunod sa kidnapper. “S-siya! Noelle, siya ang lalaking
Kung hindi nila ito nakita sa kanilang sariling mga mata, walang sinuman ang maniniwala na ang lahat ng ito ay nangyari talaga. Imposible para sa isang normal na tao na maging napakalakas para basta-bastang punitin ang pinto ng kotse nang ganoon kadali habang mabillis itong tumatakbo! Posible ito kung mabilis, malakas at may matinding balance ang taong iyon ngunit... parang makikita mo lang ang mga ganoong tao sa pelikula! Hindi akalain ni Maia na ang kanyang high school classmate na dating patpatin at mahina, ang taong palaging nag-aalala kung paano siya kikita ng mas maraming pera para mapakain nang maayos ang kanyang sarili araw-araw ay naging napakalakas na ngayon! Natanggap na niya noon na si Gerald ay isang mayamang young master, ngunit lumalabas na isa rin siyang napakahusay na tao na ang kapangyarihan ay katumbas ng isang mala-diyos na top master! Takot na takot si Warren ng mga sandaling iyon. Kanina pa siya nakaupo sa tabi ni Maia sa sasakyan, kaya ibig sabihin nito a