Si Yume ay nanatiling nakatulala sa kanyang kinatatayuan ng medyo matagal. Gabi na habang nagmumuni-muni si Gerald sa kanyang kama, nakikinig sa simoy ng karagatan habang iniisip ang kanyang mga bagong natuklasan ngayong gabi. Ayon sa sinabi ng survivor, isang makapangyarihan at galit na galit na babae ang lumitaw nang gabing iyon at ito ang dahilan kung bakit namatay ang walong tao na nakabantay sa kabaong kasama niya. Sino ang babaeng ‘yon? At ano ang ibig niyang sabihin nang sabihin niya na nagising siya sa tamang oras? Napagtanto niya na ang babae ay galit na galit sa panahon na iyon. Bukod sa babae, hindi niya madaling makalimutan ang nakakatakot na hiyawan mula sa loob ng lumilipad na bahay. Nandoon kaya ang lahat ng nahuli ng Sun League? Nandoon ba si Mila at ang kanyang tito? Nagulat si Gerald kanina nang banggitin ang lumilipad na bahay. Para naman sa babaeng nakaputi, sa malamang ay sumuko na siya sa misteryosong matandang pulubi sa huli. Kung tutuusin, nakita n
Natulala sina Chester at Yume at nalaglag ang kanilang mga panga nang makita nilang tumalon si Gerald patungo sa kabilang barko! Sa sandaling dumampi ang paa ni Gerald sa ibabaw ng kahoy na barko, gumawa ito ng malaking alon habang ang barko ay umaalon pataas at pababa dahil sa impact ng pagbagsak ni Gerald! Makalipas ang ilang sandali ay bumagal ang mga alon at sinamantala ni Gerald ang pagkakataong iyon para tumingin sa loob ng barko. Sa nakikita niya, tila ito ay isang barko na katamtaman lang ang laki at kaya nitong tumanggap ng halos forty hanggang fifty katao. Mukhang medyo matanda na din ito. Pagpasok sa cabin, may luma at punit na kurtina na nakasabit sa labas ng mga bintana ng cabin. Dahil dito, nanatiling madilim ang loob ng cabin kahit na medyo maaraw sa labas. Pagkaraan ng ilang sandali, sinimulan ni Gerald na pakiramdaman ang kanyang paligid. Ang puwersa na naramdaman niya sa paligid ng barko kanina ay nawala na ngayon... at naramdaman niya na ito ay kakaiba. D
Sumigaw siya sa pagkamangha at agad na tumingin si Gerald sa matandang babae at naghahanda siyang maglunsad ng atake. Gayunpaman, bago pa man siya makalapit, biglang naramdaman ni Gerald na nanghina ang mga paa niya nang makaramdam siya ng pagkahilo. 'Ano? Paano ito nangyari?! Matagal na akong immune sa lahat ng lason!’ naisip ni Gerald habang dahan-dahan siyang lumuhod na ang kanyang isang tuhod ay nasa sahig, lalong tumitindi ang kanyang pagkahilo. Nang makita iyon, masama ang ngiti ng matandang babae habang dahan-dahan itong nagsimulang naglakad palapit sa kanya habang sinasabi, "Iba ang pangangatawan mo kumpara sa mga ordinaryong tao... pero dapat alam mong iba ang mga Dead Annies na ito! Sabihin na lang natin na kaya nilang labanan ang tulad mo!" Nararamdaman ni Gerald na malapit na siyang mawalan ng malay kung hindi siya makakalaban ng mabilis, kaya inilagay ni Gerald ang lahat ng kanyang natitirang focus sa paggamit ng kanyang banal na pag-iisip para tawagin ang, 'Dawnbr
Kahit na makitid ang gourd-shaped na entrance, nagpatuloy pa rin sa paglangoy si Gerald at mabilis na sumunod ang dalawa sa likuran niya. Pagkatapos niyang lumangoy, naramdaman ng tatlo na nasa alien na lugar sila. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isa pang pasukan ng kweba, ngunit may isang malaking pagkakaiba sa isang ito. Mayroong Dead Annie pollen na lumulutang sa buong lugar! "Takpan niyo ang mga butas ng inyong mga ilong at maging focused kayo!" utos ni Gerald habang nakatingin sa dashboard ng tracking device. Ang matandang babae ay hindi nila mahanap, ngunit siya ay huli siyang na-track sa kinaroroonan nila ngayon. Walang alinlangan na nasa loob siya. Napakatuso ng babaeng iyon... Kung hindi naging maingat si Gerald, panigurado na nahulog na siya sa kanyang bitag! Sa sandaling iyon, biglang hindi naging komportable sina Yume at Chester. Naisip ni Gerald na ito ay dahil puno ng pollen ang buong paligid. Hindi kinaya ni Gerald na labanan ang malakas na epekto sa pag
Tiningnan ni Gerald ang mahinang paghingi ng tawad ni Chester at maingat niya itong tinapik sa balikat bago sinabing, "Okay lang... Tutal… Mukhang nakarating na tayo sa palasyo ng hari ng karagatan..." Pagkasabi noon, biglang natahimik si Gerald ng panandalian at natulala sa nakita niya ngayon. Napatingin si Chester sa kanya nang mapagtanto niyang biglang nanahimik si Gerald. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sandaling iyon at napanganga siya habang nakatitig sa napakagandang palasyo na nasa harapan nila. Ang palasyo ay kamukha ng isang dragon at makikita sa gitna ng structure ang isang napakalaki at mataas na plataporma. Gayunpaman, ang higit na ikinagulat ni Gerald ay may lumulutang sa gitna ng platform na halos twenty feet ang taas at ito ay isang kristal na kabaong! ‘Isa na namang eternal coffin!’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili sa kanyang pagkataranta. Totoo pala talaga... Ang babaeng nakaputi ay inilibing sa loob ng eternal coffin dito pagkatapos niyang mahiwalay sa de
"Ano yan…?" curious na tinanong ni Chester habang pinagmamasdan si Gerald na maingat na naglabas ng isang square wooden box mula sa kanyang bulsa. Ibinigay ni Wagner ang box kay Gerald matapos itong ibigay ng matandang pulubi sa kanyang mga ninuno eight hundred years ago. Sinabi ni Wagner kay Gerald na hindi lamang inaasahan ng matandang pulubi na pupunta si Gerald sa hari ng palasyo ng karagatan pagkaraan ng ilang century, pero tama rin ang kanyang hula na darating ang panahon na magpapakita si Gerald kaya naman sinabihan niya ang mga descendant ni Wagner na panghawakan ang kahon hanggang sa tuluyang magpakita si Gerald! Posible kaya na alam ng matandang lalaki ang mangyayari sa loob ng sampung libong taon? Nahulaan ba talaga ng matanda na mahahanap ni Gerald ang eternal coffin at ihahatid ang babaeng nakaputi para sa wakas ay makasama niya ang diyos? Hindi kaya... ang matandang pulubi na iyon mula sa ten thousand years ago na ang nakalipas ay ang parehong tao mula sa nakalipas
Ang buong palasyo ay nanginginig ng malakas at parang guguho ang langit at ang lupa ay handa nang bumukas! Habang nangyayari ang lahat ng ito, dahan-dahang bumaba ang kristal na kabaong habang inalalayan ito ni Gerald. Inasahan ni Gerald na mangyayari ang lahat ng ito… Ngunit hindi niya inaasahan na hindi magbubukas ang life gate! Sa halip, tila nanginginig ito ng sobra! Sa gitna ng kaguluhan, bigla ring nanginig ang iron chains na nakabalot sa higanteng itim na kabaong... Sa sandaling iyon ay may kakaibang nangyari. Nakita nila ang mga iron chains na unti-unting bumukas habang nangyayari ang lahat ng ito. Kasabay nito, ang kristal na kabaong ay parang naghahandang lumipad palabas sa lugar na ito! Habang nangyayari ang lahat ng ito, biglang nagsimulang tumubo ang Dead Annie sa lahat ng nakapalibot na pader! "Nandito na naman ang mga… Dead Annies!" takot na takot na sumigaw si Chester. Hindi nagtagal ay napuno ng mga bulaklak ang buong lugar at nagsimulang lumitaw ang mara
Habang nakikinig si Gerald sa mga sinasabi ng kanyang mga bodyguard, maraming mga bagay rin ang gumugulo sa kanyang isip. Lumalabas na ang Dead Annies ay mas makapangyarihan kaysa sa una niyang inaasahan lalo na't isa't kalahating buwan na siyang nawalan ng malay. Malaki ang pinagkaiba nito sa atake ng mga makapangyarihang taong tulad ni Christopher, dahil ang Dead Annies ay ginagamit bilang isang medium upang magdala ng malaking pinsala sa kaisipan ng taong inaatake nila. Napagtanto niya na kahit na pinalakas niya ang kanyang pangangatawan, ang kanyang mental power ay malayo sa kakayahan ng kanyang katawan. Muntikan na siyang mamatay dahil sa lahat ng pinsalang natamo niya mula sa Dead Annies.... Malinaw na naalala ni Gerald ang nasaksihan niya ilang segundo bago siya nawalan ng malay noong siya ay nasa palasyo ng hari ng karagatan. Habang nakakapit siya sa eternal coffin noon, bumukas ang takip ng malaki at itim na kabaong na iyon at kasunod nito ay may isang itim na liwan