Kahit na makitid ang gourd-shaped na entrance, nagpatuloy pa rin sa paglangoy si Gerald at mabilis na sumunod ang dalawa sa likuran niya. Pagkatapos niyang lumangoy, naramdaman ng tatlo na nasa alien na lugar sila. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isa pang pasukan ng kweba, ngunit may isang malaking pagkakaiba sa isang ito. Mayroong Dead Annie pollen na lumulutang sa buong lugar! "Takpan niyo ang mga butas ng inyong mga ilong at maging focused kayo!" utos ni Gerald habang nakatingin sa dashboard ng tracking device. Ang matandang babae ay hindi nila mahanap, ngunit siya ay huli siyang na-track sa kinaroroonan nila ngayon. Walang alinlangan na nasa loob siya. Napakatuso ng babaeng iyon... Kung hindi naging maingat si Gerald, panigurado na nahulog na siya sa kanyang bitag! Sa sandaling iyon, biglang hindi naging komportable sina Yume at Chester. Naisip ni Gerald na ito ay dahil puno ng pollen ang buong paligid. Hindi kinaya ni Gerald na labanan ang malakas na epekto sa pag
Tiningnan ni Gerald ang mahinang paghingi ng tawad ni Chester at maingat niya itong tinapik sa balikat bago sinabing, "Okay lang... Tutal… Mukhang nakarating na tayo sa palasyo ng hari ng karagatan..." Pagkasabi noon, biglang natahimik si Gerald ng panandalian at natulala sa nakita niya ngayon. Napatingin si Chester sa kanya nang mapagtanto niyang biglang nanahimik si Gerald. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sandaling iyon at napanganga siya habang nakatitig sa napakagandang palasyo na nasa harapan nila. Ang palasyo ay kamukha ng isang dragon at makikita sa gitna ng structure ang isang napakalaki at mataas na plataporma. Gayunpaman, ang higit na ikinagulat ni Gerald ay may lumulutang sa gitna ng platform na halos twenty feet ang taas at ito ay isang kristal na kabaong! ‘Isa na namang eternal coffin!’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili sa kanyang pagkataranta. Totoo pala talaga... Ang babaeng nakaputi ay inilibing sa loob ng eternal coffin dito pagkatapos niyang mahiwalay sa de
"Ano yan…?" curious na tinanong ni Chester habang pinagmamasdan si Gerald na maingat na naglabas ng isang square wooden box mula sa kanyang bulsa. Ibinigay ni Wagner ang box kay Gerald matapos itong ibigay ng matandang pulubi sa kanyang mga ninuno eight hundred years ago. Sinabi ni Wagner kay Gerald na hindi lamang inaasahan ng matandang pulubi na pupunta si Gerald sa hari ng palasyo ng karagatan pagkaraan ng ilang century, pero tama rin ang kanyang hula na darating ang panahon na magpapakita si Gerald kaya naman sinabihan niya ang mga descendant ni Wagner na panghawakan ang kahon hanggang sa tuluyang magpakita si Gerald! Posible kaya na alam ng matandang lalaki ang mangyayari sa loob ng sampung libong taon? Nahulaan ba talaga ng matanda na mahahanap ni Gerald ang eternal coffin at ihahatid ang babaeng nakaputi para sa wakas ay makasama niya ang diyos? Hindi kaya... ang matandang pulubi na iyon mula sa ten thousand years ago na ang nakalipas ay ang parehong tao mula sa nakalipas
Ang buong palasyo ay nanginginig ng malakas at parang guguho ang langit at ang lupa ay handa nang bumukas! Habang nangyayari ang lahat ng ito, dahan-dahang bumaba ang kristal na kabaong habang inalalayan ito ni Gerald. Inasahan ni Gerald na mangyayari ang lahat ng ito… Ngunit hindi niya inaasahan na hindi magbubukas ang life gate! Sa halip, tila nanginginig ito ng sobra! Sa gitna ng kaguluhan, bigla ring nanginig ang iron chains na nakabalot sa higanteng itim na kabaong... Sa sandaling iyon ay may kakaibang nangyari. Nakita nila ang mga iron chains na unti-unting bumukas habang nangyayari ang lahat ng ito. Kasabay nito, ang kristal na kabaong ay parang naghahandang lumipad palabas sa lugar na ito! Habang nangyayari ang lahat ng ito, biglang nagsimulang tumubo ang Dead Annie sa lahat ng nakapalibot na pader! "Nandito na naman ang mga… Dead Annies!" takot na takot na sumigaw si Chester. Hindi nagtagal ay napuno ng mga bulaklak ang buong lugar at nagsimulang lumitaw ang mara
Habang nakikinig si Gerald sa mga sinasabi ng kanyang mga bodyguard, maraming mga bagay rin ang gumugulo sa kanyang isip. Lumalabas na ang Dead Annies ay mas makapangyarihan kaysa sa una niyang inaasahan lalo na't isa't kalahating buwan na siyang nawalan ng malay. Malaki ang pinagkaiba nito sa atake ng mga makapangyarihang taong tulad ni Christopher, dahil ang Dead Annies ay ginagamit bilang isang medium upang magdala ng malaking pinsala sa kaisipan ng taong inaatake nila. Napagtanto niya na kahit na pinalakas niya ang kanyang pangangatawan, ang kanyang mental power ay malayo sa kakayahan ng kanyang katawan. Muntikan na siyang mamatay dahil sa lahat ng pinsalang natamo niya mula sa Dead Annies.... Malinaw na naalala ni Gerald ang nasaksihan niya ilang segundo bago siya nawalan ng malay noong siya ay nasa palasyo ng hari ng karagatan. Habang nakakapit siya sa eternal coffin noon, bumukas ang takip ng malaki at itim na kabaong na iyon at kasunod nito ay may isang itim na liwan
Kung tutuusin, tinanong niya si Welson tungkol sa bulaklak noong nasa isla pa siya at sinabi ni Welson kay Gerald na pumunta ang kanyang lolo sa Western Regions pagkatapos itatag ng kanyang lolo ang Soul Palace. Habang naglalakbay siya papuntang north-west, natagpuan niya ang mga buto ng bulaklak na iyon nang hindi sinasadya. Gumawa siya ng isang buong garden para dito, ngunit itinanim niya lamang ang mga ito para sa kagandahan ng mga ito. Sa madaling salita, sinabihan si Gerald na hindi alam ng kanyang lolo ang mga misteryosong katangian ng bulaklak. Sinabi lang ni Lord Fenderson kay Gerald na mukhang nahanap ng lolo niya ang bulaklak ng mas maaga pa kaysa sa sinabi ni Welson sa kanya! Sinabi pa ng lolo niya kay Lord Fenderson na ang bulaklak ay pagmamay-ari lamang ng pamilyang Crawford! Magkaiba ang kanilang mga pahayag! “Totoo ang sinabi ko. Ito ay isang bulaklak na walang pangalan, kung tutuusin, ‘Mayroon lamang dalawang petal na namumulaklak dito at ang bawat petal ay kum
Hindi na masyadong pinag-isipan pa ni Gerald ang madilim na liwanag na lumabas mula sa itim na kabaong sa oras na ito, kahit papaano ay hindi muna sa sandaling ito. Naramdaman niya na parang ticking time bomb ang lahat ng ito na tumitimbang sa kanyang isipan. "...Nasaan na nga pala si Chester?" tanong ni Gerald nang bigla niya itong naalala. “Ah, medyo matagal na rin na comatose ang young lord, pero nagkamalay siya mga kalahating buwan na ang nakalipas. Pero marami siyang natamo na physical injuries, lalo na ang kanyang mga binti. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabangon sa kama,” sagot ng isa sa mga bodyguard. "Ganoon ba… Kampante na ako kahit papaano na nakaligtas siya!" Hindi masyadong naging maganda ang [pagkakakilala nila Gerald at Chester, ngunit naalala ni Gerald kung paano itinaya ni Chester ang kanyang buhay para protektahan siya noong malapit na siyang mamatay. Sobrang naantig si Gerald sa kanyang sakripisyo. “… Maliban sa mga signal namin sa radar, mayro
Naalala niya kung paano siya tinulungan nitong makapasok sa mansyon ng pamilyang Yonwick noong nakaraang buwan matapos siyang hindi papasukin sa mansyon ng isa sa mga apprentice ng Yonwick. Noong panahong iyon, naisip ni Gerald na siya ay sobrang sweet at mainit ang ulo ni Queena. Kung tutuusin, sa personal na karanasan ni Gerald, ang magagandang babae na tulad niya ay kakaunti na lang sa mundo ngayon. Iyon ang una niyang impresyon kay Queena, ngunit ang kasalukuyang ugali ni Queena ay ibang-iba sa nakilala niya noon. Sa halip na ang kagandahang loob, siya ngayon ay nagpapakita ng pagmamataas at kasamaan. Naisip rin ni Gerald na siya ay isang ordinaryong babae bago ang pangyayari na ito, ngunit naramdaman niya ngayon ang napakalaking lakas ng loob na nagmumula sa kanya. Masyado itong malakas na kahit si Gerald ay umamin na marahil ay mas mahina siya kumpara sa kanya sa mga sandaling iyon. Nakakapagtaka ito sa katunayan. “…Anong ginagawa mo, Queena?” medyo nag-aalangan na tina