Ang buong palasyo ay nanginginig ng malakas at parang guguho ang langit at ang lupa ay handa nang bumukas! Habang nangyayari ang lahat ng ito, dahan-dahang bumaba ang kristal na kabaong habang inalalayan ito ni Gerald. Inasahan ni Gerald na mangyayari ang lahat ng ito… Ngunit hindi niya inaasahan na hindi magbubukas ang life gate! Sa halip, tila nanginginig ito ng sobra! Sa gitna ng kaguluhan, bigla ring nanginig ang iron chains na nakabalot sa higanteng itim na kabaong... Sa sandaling iyon ay may kakaibang nangyari. Nakita nila ang mga iron chains na unti-unting bumukas habang nangyayari ang lahat ng ito. Kasabay nito, ang kristal na kabaong ay parang naghahandang lumipad palabas sa lugar na ito! Habang nangyayari ang lahat ng ito, biglang nagsimulang tumubo ang Dead Annie sa lahat ng nakapalibot na pader! "Nandito na naman ang mga… Dead Annies!" takot na takot na sumigaw si Chester. Hindi nagtagal ay napuno ng mga bulaklak ang buong lugar at nagsimulang lumitaw ang mara
Habang nakikinig si Gerald sa mga sinasabi ng kanyang mga bodyguard, maraming mga bagay rin ang gumugulo sa kanyang isip. Lumalabas na ang Dead Annies ay mas makapangyarihan kaysa sa una niyang inaasahan lalo na't isa't kalahating buwan na siyang nawalan ng malay. Malaki ang pinagkaiba nito sa atake ng mga makapangyarihang taong tulad ni Christopher, dahil ang Dead Annies ay ginagamit bilang isang medium upang magdala ng malaking pinsala sa kaisipan ng taong inaatake nila. Napagtanto niya na kahit na pinalakas niya ang kanyang pangangatawan, ang kanyang mental power ay malayo sa kakayahan ng kanyang katawan. Muntikan na siyang mamatay dahil sa lahat ng pinsalang natamo niya mula sa Dead Annies.... Malinaw na naalala ni Gerald ang nasaksihan niya ilang segundo bago siya nawalan ng malay noong siya ay nasa palasyo ng hari ng karagatan. Habang nakakapit siya sa eternal coffin noon, bumukas ang takip ng malaki at itim na kabaong na iyon at kasunod nito ay may isang itim na liwan
Kung tutuusin, tinanong niya si Welson tungkol sa bulaklak noong nasa isla pa siya at sinabi ni Welson kay Gerald na pumunta ang kanyang lolo sa Western Regions pagkatapos itatag ng kanyang lolo ang Soul Palace. Habang naglalakbay siya papuntang north-west, natagpuan niya ang mga buto ng bulaklak na iyon nang hindi sinasadya. Gumawa siya ng isang buong garden para dito, ngunit itinanim niya lamang ang mga ito para sa kagandahan ng mga ito. Sa madaling salita, sinabihan si Gerald na hindi alam ng kanyang lolo ang mga misteryosong katangian ng bulaklak. Sinabi lang ni Lord Fenderson kay Gerald na mukhang nahanap ng lolo niya ang bulaklak ng mas maaga pa kaysa sa sinabi ni Welson sa kanya! Sinabi pa ng lolo niya kay Lord Fenderson na ang bulaklak ay pagmamay-ari lamang ng pamilyang Crawford! Magkaiba ang kanilang mga pahayag! “Totoo ang sinabi ko. Ito ay isang bulaklak na walang pangalan, kung tutuusin, ‘Mayroon lamang dalawang petal na namumulaklak dito at ang bawat petal ay kum
Hindi na masyadong pinag-isipan pa ni Gerald ang madilim na liwanag na lumabas mula sa itim na kabaong sa oras na ito, kahit papaano ay hindi muna sa sandaling ito. Naramdaman niya na parang ticking time bomb ang lahat ng ito na tumitimbang sa kanyang isipan. "...Nasaan na nga pala si Chester?" tanong ni Gerald nang bigla niya itong naalala. “Ah, medyo matagal na rin na comatose ang young lord, pero nagkamalay siya mga kalahating buwan na ang nakalipas. Pero marami siyang natamo na physical injuries, lalo na ang kanyang mga binti. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabangon sa kama,” sagot ng isa sa mga bodyguard. "Ganoon ba… Kampante na ako kahit papaano na nakaligtas siya!" Hindi masyadong naging maganda ang [pagkakakilala nila Gerald at Chester, ngunit naalala ni Gerald kung paano itinaya ni Chester ang kanyang buhay para protektahan siya noong malapit na siyang mamatay. Sobrang naantig si Gerald sa kanyang sakripisyo. “… Maliban sa mga signal namin sa radar, mayro
Naalala niya kung paano siya tinulungan nitong makapasok sa mansyon ng pamilyang Yonwick noong nakaraang buwan matapos siyang hindi papasukin sa mansyon ng isa sa mga apprentice ng Yonwick. Noong panahong iyon, naisip ni Gerald na siya ay sobrang sweet at mainit ang ulo ni Queena. Kung tutuusin, sa personal na karanasan ni Gerald, ang magagandang babae na tulad niya ay kakaunti na lang sa mundo ngayon. Iyon ang una niyang impresyon kay Queena, ngunit ang kasalukuyang ugali ni Queena ay ibang-iba sa nakilala niya noon. Sa halip na ang kagandahang loob, siya ngayon ay nagpapakita ng pagmamataas at kasamaan. Naisip rin ni Gerald na siya ay isang ordinaryong babae bago ang pangyayari na ito, ngunit naramdaman niya ngayon ang napakalaking lakas ng loob na nagmumula sa kanya. Masyado itong malakas na kahit si Gerald ay umamin na marahil ay mas mahina siya kumpara sa kanya sa mga sandaling iyon. Nakakapagtaka ito sa katunayan. “…Anong ginagawa mo, Queena?” medyo nag-aalangan na tina
‘Ang lakas niya…!’ naisip si Gerald sa kanyang sarili. Naranasan niya ang kanyang inner strength at malaman niya na ang kanyang puwersa ay ibang-iba kung ikukumpara sa iba pang pwersa na dati niyang naranasan. Kung ipaghahambing niya ang kanyang puwersa at ang pwersa ni Queena, ito ay tulad ng paghahambing ng maruming tubig sa isang napaglipasan na pool sa dalisay at distilled na tubig. Malaki ang pinagkaiba ng dalawa at walang duda kung sino ang may higit na kapangyarihan dito. Pinagmasdan ni Gerald ang pamumula ng mukha ni Jasmine habang dahan-dahang nilakasan ni Queena ang kanyang pwersa. Mamamatay na si Jasmine anumang segundo ngayon kung talagang nag-desisyon si Queena na tapusin siya! “Tumigil ka!” sigaw ni Gerald habang mabilis na tumakbo palapit sa kanya. “Huwag kang mag-alala, hindi ko siya papatayin... Kung tutuusin, nakikita kong nagmamalasakit ka sa kanya! Anyway, isasama ko siya hanggang sa makuha ko ang sagot mo!" sagot ni Queena habang maingat niyang hinawak
Hindi ganoon ang ugali ni Queena. Gayunpaman, sinunod amang nila ang kanyang kautusan dahil sa kanyang commanding na pananalita. Ang kanyang lakas ay kahanga-hanga! Pagkatapos nilang nakarating sa destinasyon nila, si Queena ay lumabas lamang ng kotse at nagsimulang maglakad papunta sa manor. Sa loob ng manor, tila nagaganap ang isang maliit na kaguluhan ng pamilya... Kasalukuyang magkakasamang nakatayo ang mga miyembro ng pamilyang Yonwick habang si Freya ay kasalukuyang naglalakad ng pabalik-balik habang nababalisa. Nangyari ang isyu na ito dahil plano niyang magmadali sa airport para sunduin ang isang kaibigan. Gayunpaman, hindi nagtagal ay napagtanto niya na inilabas ni Queena ang lahat ng sasakyan ng pamilya para isama ito sa pupuntahan niya! ‘“P*tang ina!” nagmura si Freya sa kanyang isipan. Si Queena ay anak lamang ng kanyang third uncle at ang ibig sabihin nito ay hindi mataas ang kanyang katayuan! Hindi niya inasahan na magiging malakas ang loob niya na kunin ang l
“…Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig…? …Kaya pala napaka-brutal mo! … Sinasabi ko sayo ngayon na hindi totoong kaligayahan ang binibigay ng kayamanan o katanyagan... Gaano man kalaki ang makuha mo, hindi ka talaga magiging masaya nang hindi nalalaman kung ano ang ibig sabihin ng totoong pag-ibig! Kahit pa maraming bagay sa mundong ito ang makuha mo, hindi ka magiging masaya kung hindi mo mararanasan ang tunay na pag-ibig... Walang kahit anong katanyagan o kayamanan ang mapupunan ang emptiness na iyon at patuloy kang magdurusa hanggang sa araw na ikaw ay mamatay, maliban na lang kung maintindihan mo iyon!” paliwanag ni Jasmine. Hindi niya alam kung sino ang babaeng nasa harapan niya, ngunit hindi naman iyon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay may nakamamatay na weakness ang napakalakas na babaeng ito. Lumalabas na sobra siyang nasaktan sa pag-ibig.Hindi maiwasan ni Queena na mapatitig na may pagtataka matapos marinig ang lahat ng iyon. Binalak ni Queena noong una