Nawala ang ngiti ni Brian. "Opo, sir. May dahilan kung bakit hindi ako nagka-girlfriend. Wala akong oras para sa ganoong bagay dahil sa trabaho ko…”"Gusto mo ba ng mahabang bakasyon?" tanong ni Mark ng malambing ang kanyang boses. "O baka gusto mong mag-retire in twenty to thirty years?"Umiling si Brian. “No no no, masaya ako na pagsilbihan ka. Kaya pa kitang ipag-drive ng ten years kahit after ng retirement ko kung kakayanin ko."…Kasalukuyan sa West residence.Si Summer ay nanatili sa kanyang kama mula nang masakal si Tanya at madalas siyang nilalagnat. Sinabi ng doktor na ito ay resulta ng schock at magiging maayos ang kanyang kalagayan pagkatapos niyang magkaroon ng magandang pahinga.Si Jackson ay madalas na bumisita sa West family residence dahil dito, karamihan dahil sa guilt at dahil naawa siya sa kanyang nanay. Medyo nagbago ang kanyang impresyon kay Atticus matapos makita ang pangangalaga at pagmamalasakit na ibinigay niya kay Summer. Hindi niya pa rin ito binabati p
Wala pang kalahating buwan ang lumipas, ang lagay ng panahon sa Capital ay masyadong mainit. Napakainit kaya gusto lang ng mga tao na manatili sa loob ng bahay. Walang sinuman ang gustong gumalaw.Malapit nang magkasakit sina Arianne at Aristotle dahil sa humidity. Napakababa ng resistensya ni Aristotle dahil sa init at natakot si Arianne na baka ma-heatstroke siya kapag inilabas siya ng bahay. Bihira niya itong dinala sa garden nitong mga nakaraang araw at naglalakad lamang siya sa lugar na iyon sa paglubog ng araw. Gaano man kalaki ang Tremont Estate, para bang mas maliit ito sa ganitong panahon. Medyo boring na manatili sa loob ng bahay buong araw.Kamakailan lamang, naging abala si Mark na halos hindi na nila ito nakikita. Umalis na siya bago pa man magising si Arianne at nakakauwi siya kapag tulog na sila sa gabi. Iniisip tuloy ni Arianne kung makakalimutan na ni Aristotle ang kanyang daddy kung magpapatuloy ito. Nanatili sila sa isang bahay pero hindi sila nagkikita. Hindi masy
Inilapag ni Jackson ang cellphone sa mesa habang nakakonekta pa rin ang tawag. “Isang beses lang tayo nagkita. Anong magagawa ko para sayo?" Sinadya niyang bigyang-diin ang dati nilang pagkikita. Ang dalawang lalaki ay pumunta para makita si Tiffany at naaalala niya ang galit sa pagitan nilang dalawa.Itinulak ni Jett si Alejandro na nakaupo sa wheelchair palapit sa kanya. "Nagmamay-ari ka ng isang magandang lupa. Gusto kong bilhin ito sayo, kaya sabihin mo sa akin ang presyo mo."Pinikit ni Jackson ang kanyang mga mata. “Oh? Magaling ang network of information mo. Hindi pa ako nakapagpasya kung ano ang gagawin sa lupa na iyon at hindi ko pa ito isinasantabi lalo na’t mahalaga ito sa akin. Mayroon kang maraming lupa sayo ngayon, kaya bakit ka bibili ka pa ng mas marami? Balak mo bang i-monopolize ang market sa Capital? Sa kasamaang palad, tinawagan ako ng kaibigan at pumayag na akong ibigay sa kanya ang lupa."“Bibigyan kita ng doble ng kung ano man ang inaalok niya. Ano sa tingin m
Napahinto si Mark sa kanyang paglalakad. “Oh, ginising ba kita? Maliligo ako sa ibaba."Pinunasan ni Arianne ang inaantok niyang mga mata. "Okay lang, mag shower ka na dito. Inaantok na ako ngayon at hindi na ako mahihirapang matulog ulit. Maligo ka lang diyan at matulog ka pagkatapos. Wag mong pagurin ang sarili mo."Kahit pa walang problema si Arianne dito, naging maingat pa rin si Mark sa kanyang shower para manatili siyang tahimik. Pagkalabas niya sa bathroom, humiga siya sa tabi ni Arianne.Ginilid ng mag-asawa si Smore at nakakaawa siyang tumabi sa isang comforter.Hindi pa mahimbing ang tulog ni Arianne nang pinulupot niya ang braso sa leeg ni Mark at nilapit ang kanyang sarili para yakapin ito bago niya inayos ang kanyang posisyon. "Kung patuloy kang uuwi ng late sa trabaho mo, makakalimutan ni Smore ang hitsura mo," mapanuksong sinabi ni Arianne. "Alam mo namang hindi maganda ang memory ng mga bata. Natutulog siya sa kama natin, pero hindi ka niya nakikita... Nakakatawa ku
Pinisil ni Tiffany ang kanyang ilong. "Loko, para bang meron kang maraming oras sa iyong kamay."Uminom ng beer si Alejandro sa kanyang harapan. “Tulad ng sinasabi ko kanina, kakabili ko lang ng lupa kay Jackson. Mukhang sanay siyang maghawak ng sama ng loob dahil ang trato niya sa akin ay parang isang karibal sa pag-ibig. Ibinenta niya ang lupa na iyon ng tatlong beses ng halaga nito."Inayos ni Tiffany at makikita na malungkot ang kanyang mga mata. “Oh, ano naman? Pwede mo namang hindi tanggapin ang kanyang alok kung sa tingin mo masyadong mahal ito, o marami kang pera na pwede mong sunugin sa kahit anong bagay?"Napangiti si Alejandro nang makita niyang nagkukunwaring walang pakialam si Tiffany. "Hee hee. Halatang-halata na may malasakit ka dito, kaya bakit ka nagkukunwari, hmm? Hindi mo na kailangang magpeke ng kahit ano kapag kasama mo ako, okay? Magpakatotoo ka at hindi ako magsisinungaling. Naisip ko na medyo mahal ito noong una, pero kailangan ko ito kaya pumayag ako," paliw
Tumayo si Jett sa labas ng kwarto ni Tiffany at pumwesto sa tabi ng pinto nang marating ng grupo ang unit ni Tiffany na matatagpuan sa itaas. Naramdaman ni Tiffany na parang kakaiba ito, ngunit itinulak niya pa rin ang wheelchair ni Alejandro sa kanyang unit. Siya ay isang lalaking may kapansanan at ang kanyang mga binti ay hindi gumagana kaya gaano ba kadelikado ang kasama niya?Naisip ni Tiffany na hindi niya kailangang mag-alala tungkol dito.Kamakailan lang siya lumipat, kaya kailangan pa niyang ayusin ang marami sa kanyang mga gamit kaya magulo ang paligid nila. "Wala akong oras para ayusin ang apartment ko, kaya... oo," nahihiyang sinabi ni Tiffany. "Eh, ipagtitimpla na lang kita ng isang tasa ng tsaa ngayon."Pumunta si Tiffany drinking station ngunit malinaw sa kanyang mga galaw na hindi siya masyadong magaling pagdating dito. Nadulas siya at muntik na niyang saktan ang kanyang sarili ng kumukulong tubig, nang biglang may sumulpot na kamay sa tabi niya. “Ako na lang diyan.”
Tahimik na itinulak ni Tiffany ang pinto ng conference room at sinubukan niya ang kanyang makakaya na hindi makakuha ng atensyon sa kanyang sarili. Gayunpaman, mabilis na napunta ang atensyon ni Jackson nang pumasok siya. Tumagal ito ng halos dalawang segundo bago nilayo ni Jackson ang kanyang tingin.Isa lang ang nasa isip ni Tiffany: Iyon lang ba? Iyon lang ba talaga?Hindi niya inaasahan ang tahimik na reaksyon mula sa lalaki. Hinayaan na lang ba talaga siya ni Jackson?Mabilis siyang pinaalalahanan ni Amy, "Miss Lane, late ka ng twenty minutes kahit na ikaw ang Assistant Director."Mararamdaman ang kakaibang mien na bumabalot kay Jackson. Medyo nagulat siya nang makita niya si Tiffany na papasok sa kwarto, ngunit naalala niya na si Summer ang nagpadala sa kanya dito. Pero ngayon, tila nilagay rin ng kanyang mahal na ina si Tiffany bilang Assistant Director.Dapat bang matuwa si Jackson na si Tiffany ay isang "assistant" lamang...?Nagpeke siya ng ubo bago niya sinabi. “Umupo
Inilapag ni Tiffany ang kanyang notebook sa kanyang mesa bago siya nagsalita, "At saan ako uupo?"Sumagot si Jackson nang hindi umaangat ang kanyang mga mata, “Kumuha ka ng upuan mo, duh. Paano ka naging 'assistant director' na may ganyang utak?"Nagalit si Tiffany sa kanyang sagot kaya napangiti ito at ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang. “Ayoko naman talaga maging assistant director. Pumunta ako dito dahil akala ko supervisor lang ako! Alam mo naman na nakuha ko ang trabaho ko sa pamamagitan ng aking koneksyon, kaya bakit mo pa kailangang magtanong, Einstein?"Medyo nag-alala si Amy sa tono ng kanyang pananalita, kaya mabilis siyang sumingit at nagkunwaring umubo. "Eh, Miss Lane? Pwede kang kumuha ng upuan at lumipat sa mesa ko."Hinatak ni Tiffany ang isang upuan kung saan nakaupo si Amy at pagkatapos ay umupo siya at tinitigan si Jackson. "Hindi mo ba kayang hindi mangialam ng mga bagay na hindi sayo? Huwag mong patayin ang cactus ko gamit ang iyong maruruming m