Pinisil ni Tiffany ang kanyang ilong. "Loko, para bang meron kang maraming oras sa iyong kamay."Uminom ng beer si Alejandro sa kanyang harapan. “Tulad ng sinasabi ko kanina, kakabili ko lang ng lupa kay Jackson. Mukhang sanay siyang maghawak ng sama ng loob dahil ang trato niya sa akin ay parang isang karibal sa pag-ibig. Ibinenta niya ang lupa na iyon ng tatlong beses ng halaga nito."Inayos ni Tiffany at makikita na malungkot ang kanyang mga mata. “Oh, ano naman? Pwede mo namang hindi tanggapin ang kanyang alok kung sa tingin mo masyadong mahal ito, o marami kang pera na pwede mong sunugin sa kahit anong bagay?"Napangiti si Alejandro nang makita niyang nagkukunwaring walang pakialam si Tiffany. "Hee hee. Halatang-halata na may malasakit ka dito, kaya bakit ka nagkukunwari, hmm? Hindi mo na kailangang magpeke ng kahit ano kapag kasama mo ako, okay? Magpakatotoo ka at hindi ako magsisinungaling. Naisip ko na medyo mahal ito noong una, pero kailangan ko ito kaya pumayag ako," paliw
Tumayo si Jett sa labas ng kwarto ni Tiffany at pumwesto sa tabi ng pinto nang marating ng grupo ang unit ni Tiffany na matatagpuan sa itaas. Naramdaman ni Tiffany na parang kakaiba ito, ngunit itinulak niya pa rin ang wheelchair ni Alejandro sa kanyang unit. Siya ay isang lalaking may kapansanan at ang kanyang mga binti ay hindi gumagana kaya gaano ba kadelikado ang kasama niya?Naisip ni Tiffany na hindi niya kailangang mag-alala tungkol dito.Kamakailan lang siya lumipat, kaya kailangan pa niyang ayusin ang marami sa kanyang mga gamit kaya magulo ang paligid nila. "Wala akong oras para ayusin ang apartment ko, kaya... oo," nahihiyang sinabi ni Tiffany. "Eh, ipagtitimpla na lang kita ng isang tasa ng tsaa ngayon."Pumunta si Tiffany drinking station ngunit malinaw sa kanyang mga galaw na hindi siya masyadong magaling pagdating dito. Nadulas siya at muntik na niyang saktan ang kanyang sarili ng kumukulong tubig, nang biglang may sumulpot na kamay sa tabi niya. “Ako na lang diyan.”
Tahimik na itinulak ni Tiffany ang pinto ng conference room at sinubukan niya ang kanyang makakaya na hindi makakuha ng atensyon sa kanyang sarili. Gayunpaman, mabilis na napunta ang atensyon ni Jackson nang pumasok siya. Tumagal ito ng halos dalawang segundo bago nilayo ni Jackson ang kanyang tingin.Isa lang ang nasa isip ni Tiffany: Iyon lang ba? Iyon lang ba talaga?Hindi niya inaasahan ang tahimik na reaksyon mula sa lalaki. Hinayaan na lang ba talaga siya ni Jackson?Mabilis siyang pinaalalahanan ni Amy, "Miss Lane, late ka ng twenty minutes kahit na ikaw ang Assistant Director."Mararamdaman ang kakaibang mien na bumabalot kay Jackson. Medyo nagulat siya nang makita niya si Tiffany na papasok sa kwarto, ngunit naalala niya na si Summer ang nagpadala sa kanya dito. Pero ngayon, tila nilagay rin ng kanyang mahal na ina si Tiffany bilang Assistant Director.Dapat bang matuwa si Jackson na si Tiffany ay isang "assistant" lamang...?Nagpeke siya ng ubo bago niya sinabi. “Umupo
Inilapag ni Tiffany ang kanyang notebook sa kanyang mesa bago siya nagsalita, "At saan ako uupo?"Sumagot si Jackson nang hindi umaangat ang kanyang mga mata, “Kumuha ka ng upuan mo, duh. Paano ka naging 'assistant director' na may ganyang utak?"Nagalit si Tiffany sa kanyang sagot kaya napangiti ito at ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang. “Ayoko naman talaga maging assistant director. Pumunta ako dito dahil akala ko supervisor lang ako! Alam mo naman na nakuha ko ang trabaho ko sa pamamagitan ng aking koneksyon, kaya bakit mo pa kailangang magtanong, Einstein?"Medyo nag-alala si Amy sa tono ng kanyang pananalita, kaya mabilis siyang sumingit at nagkunwaring umubo. "Eh, Miss Lane? Pwede kang kumuha ng upuan at lumipat sa mesa ko."Hinatak ni Tiffany ang isang upuan kung saan nakaupo si Amy at pagkatapos ay umupo siya at tinitigan si Jackson. "Hindi mo ba kayang hindi mangialam ng mga bagay na hindi sayo? Huwag mong patayin ang cactus ko gamit ang iyong maruruming m
Uminit ang pakiramdam ni Arianne ngunit nanatili siyang hindi apektado sa kanyang mukha. “Okay lang. Mas marami kang gulo na dinudulot sa buhay ko kaysa kay Smore,” sabi niya. "Bumalik ka kaagad, okay?"Sa kasamaang palad, iba ang interpretasyon ng mga salita ni Arianne para kay Mark. Parang sinasabi ng kanyang asawa na nagagalit siya sa kanyang pagpapabaya sa kanya sa loob ng kalahating buwan. Kaya nang makita niyang walang tao, lumapit siya sa tenga ni Arianne at bumuntong-hininga, “Hmm. Baka nga umuwi ako ng maaga ngayong gabi, kaya dadalhin natin si Smore sa kwarto niya para magkaroon ng privacy si Mommy at Daddy niya. Hintayin mo ako."Ang mukha ni Arianne ay naging kakulay ng kamatis. “Teka! H-Hindi iyon ang sinasabi ko!"Ngumisi si Mark. “Oh, iyon talaga ang gusto mong sabihin. Huwag ka nang mahiya."Pinanood ni Arianne na nagmamadaling umalis si Mark at nanginginig ang gilid ng labi niya.Ganito ba ang pakiramdam ng magkaroon ng isang masaya at normal na pamilya? Silang ta
Ang tanging dahilan kung bakit gusto ni Arianne na ayusin ang Wynn Mansion ay dahil ito ang tahanan ng kanyang ama noong bata pa siya. Kaya ayaw niyang manood lang habang unti-unting nabubulok ang magandang bahay hanggang sa unt-unti na itong mawasak. Gayunpaman, nag-aalangan din siya dahil nag-aalala siya sa gastusin nito at baka magmukha siyang immature dahil dito. Ang pera ng pamilyang Tremont ay hindi tumutubo sa puno.Ayaw nga rin niyang ibenta ito. Mula sa kung paano ito inilarawan ni Henry, ang presyo ng antique mansyon na ito ay maaaring umabot ng halos ilang daang milyon. Hindi kailanman kakailanganin ni Arianne ang ganoong pera sa buong buhay niya, ngunit ang gastos na ito kaparehong malaking halaga sa pag-repair at pagpapanatili ng bahay na ito. Ang sinumang negosyante ay makikita na ito ay isang investment na walang kita.Ang problema na ito ay nanatili sa isip ni Arianne habang pauwi siya. Sa huli, nagpasya siyang pag-usapan ito kay Mark sa sandaling umuwi ito mula sa tr
Napahinto si Tiffany. “Teka, paano mo—?”Humarap si Amy sa salamin at inayos ang kanyang buhok. "Nag-react si Mr. West nang mahulog ka sa upuan gamit ang kanyang superhuman-like reflex. Ang mga taong tulad niya ay reserved lamang para sa mga mahalagang tao sa kanilang mga puso. Walang sinuman ang magiging handa na iligtas ang isang babae na parang kusa niya itong ginagawa! Sa oras na iyon, ang likod niya ang nakaharap sayo! Isa pa, ikaw lang ang nag-iisang tao sa buong kumpanyang ito na naglalakas-loob na makipag-usap sa kanya sa ganitong paraan."Naramdaman ni Tiffany ang kalungkutan sa kanyang puso. "Kung ano man ang relasyon namin, ang lahat ng iyon ay nasa past na. Sa totoo lang, hindi ko talaga ginustong makuha ang posisyon na ito sa pamamagitan ng koneksyong ito. Jusko, sobrang nakakahiya. Anyway, medyo matagal na yata akong nagtatago dito. Hindi ako pwedeng manatili dito ng mas matagal pa dahil medyo nakakasuka."Tinapik-tapik ni Amy ang kanyang balikat na parang ate na nag-e
Nagkatinginan silang dalawa at umiling. Makikitang nag-aalala sila, kaya walang nangahas na pumasok sa opisina.Pagkatapos ng meeting, lumabas na parang mga talunan ang finance department at namutla ang dalawa sa takot nang pumasok ang dalawa sa opisina. Nagkunwari silang walang narinig bago sila pumasok at ginawa ang kanilang trabaho, hindi nila pinansin si Jackson dahil sa takot.Sa kasamaang palad, ang isang minahan ay nangangailangan ng anumang bagay upang paputukin ito. Dahil dito ay inilabas ni Jackson ang natitirang galit niya kay Amy.“Nalaman ko ngayon lang na nagtatrabaho ka para sa amin sa loob ng matagal na panahon, hindi ba, Miss Velasquez? Hmm? Alam mo ba na, bago ang aming compartmentalization at ang lugar na ito ay dating headquarter ng aming kumpanya. Alam mo ba na ang nanay ko ang nag-manage nito bago niya ito ipinasa sa akin? Sa madaling salita, ito ay tulad ng aming pangalawang HQ! Kaya sabihin mo sa akin, bakit sobrang ang pagkabagsak ng akinh ‘pangalawang HQ’ n