Inicio / Todos / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 9 Bumalik na si Mark Tremont!
Kabanata 9 Bumalik na si Mark Tremont!
Pinasa na nila ang kanilang mga assignment, napangiti ang instructor habang tinitingnan ang drawing ni Arianne.

"Si Mark Tremont ang drawing mo, huh? Mahinhin ka pero pareho ka rin pala sa ibang mga babae. May mga kaklase ka na si Mark Tremont rin ang drawing nila, pero sa'yo ang pinakamaganda. May reference photo ka? Gusto kong makita."

Papunta na sa 30's ang edad ng babaeng instructor. Walang siyang asawa at mainitin ang ulo nito, may gusto rin ito kay Mark Tremont, araw-araw niyang pinag-uusapan si Mark Tremont sa ibang mga estudyante.

Umiling si Arianne Wynn. "Wala akong reference photo…"

Nagulat ang instructor.

"Ang linis pagkaka-drawing mo sa kanya. Base ito sa imagination mo? Nakita mo na ba siya ng personal? Dali na, ibigay mo sa akin ang photo. Yung drawing mo… nakaupo lang siya sa bahay niya? Wala akong nakita na litrato na ganito sa internet. Saan mo 'to nakuha?"

Hindi na kaya ni Tiffany na pigilan ang sarili niya. "Anong kaguluhan 'to? Sinabi niya na nga na walang siyang photo, 'di ba? Magaling talaga mag-drawing si Arianne, hindi mo ba kilala ang mga estudyante mo?"

Kaharap ng instructor ngayon ang mga estudyante na mula sa mga importanteng pamilya sa kanilang lugar, kaya kailangang isipin ng instructor ang gagawin niya, lalo na't kaharap niya ang tulad ni Tiffany Lane na mula sa makapangyarihang pamilya.

"Okay, okay. Alam kong kaibigan mo siya. Hindi ko na kailangang makita ang photo, okay?"

"Paano mo nagawa 'yan? Nakita mo na ba ng personal ni Mark Tremont? Isang beses ko palang siya nakita, sa isang party. Mukhang pinapantasya mo rin ang ideal man ng bansa, hehe…" tinanong ni Tiffany si Arianne pagkatapos ng klase.

Nanatiling tahimik si Arianne, hindi niya pinapantasya si Mark Tremont.

Bakit pa siya mag papantasya kung araw-araw niyang nakikita ang lalaking ito at nasa isang bubong pa silang dalawa?

Nagawa niyang iguhit si Mark Tremont dahil nakatatak siya sa isip ni Arianne.

Hindi na siguro makakatakas si Arianne sa sakit na dinulot ni Mark Tremont sa buhay niya.

"Ari, nabalitaan ko na pupunta si Mark Tremont sa campus event natin ngayong taon. Hindi na nakakapagtaka, malaki ang naiambag niya sa school. Tama lang na inimbitahan siya ng school." Sabi ni Tiffany kahit na sanay na siya sa katahimikan ni Arianne.

Nangyayari ang campus event kada semester, bago maganap ang winter at summer break.

Matumal na programs at mga usapan na hinanda ng school ang nangyayari kapag campus events.

Twenty-one days na lang ang at campus event na. Sa araw na iyon, nakabalik na si Mark Tremont mula sa kanyang business trip.

"Ari, wala tayong klase mamayang hapon. Gala tayo. Mag ice-skating tayo. May alam akong bagong ice-skating rink. Masyadong malayo ang ski field, dalhin na lang kita doon sa holiday," nag-suggest si Tiffany kay Arianne nang makita niyang naghahanda nang umalis ang kanyang kaibigan.

Napakunot si Arianne. Nag-alala siya na baka bigla na namang umuwi si Mark Tremont.

Hindi na siya mapapatawad kaagad ni Mark Tremont kapag nahuli siyang umuwi siya ng late.

"Ano? Tara na, punta tayo doon." Iwinagayway ni Tiffany ang kanyang kamay.

Umiling si Arianne sa kanyang kaibigan, "Hindi pwede, kailangan ko nang umuwi."

Kumapit si Tiffany sa braso ni Tiffany. "Bakit ba nagmamadali ka? Strikto ba talaga ang pamilya mo? Kakagatin ka ba ng kuya mo?"

"Mm." Nag-hum si Arianne. Talagang kakainin siya ng buo ni Mark Tremont.

Walang masabi si Tiffany Lane, nagtataka siya sa pagkatao ng kuya ni Arianne.

Nakita ni Tiffany na seryoso si Arianne, kaya pinakawalan niya na ito at hinayaan niyang umalis ang kanyang kaibigan, ayaw niyang gumawa pa ng problema sa kanilang dalawa.

Habang paalis ng campus, nasira ang chain ng bisikleta ni Arianne habang nasa gitna siya ng kanyang biyahe.

Hindi niya alam kung paano ito aayusin kaya nagpatuloy na lang siyang hilahin ang kanyang bisikleta. Bumuhos ng malakas ang snow.

Ang mga kamay niyang kulang sa alaga ay nagbitak-bitak dahil sa tindi ng lamig, habang ang mga pisngi niya ay pulang-pula.

Dumilim ang langit pag uwi ni Arianne. Binalot sa dilim ng gabi ang Tremont Estate ngunit hindi nito maitatago ang kadakilaan ng mansyon.

Mahalaga kay Mark Tremont ang tahimik at payapang lugar, kaya ang estate ay may kalayuan sa Southline University.

Gayunpaman, lalong nahirapan si Arianne dahil nasira ang bike na ginamit niyang transportasyon.

Pagpasok niya ng pinto, dali-dali siyang dinala ni Mary sa nanny's room at pina-init niya ang katawan ng dalaga gamit ang heater.

"Anong nangyari sayo? Bakit late ka nang nakauwi at alam mo namang malamig sa labas? Ako na mismo ang kakausap kay sir kung nahihirapan kang kausapin siya. Kahit makakapal na damit ay wala ka."

Kiniskis ni Arianne Wynn ang mga kamay niyang manhid sa lamig at sumagot siya kay Mary, "Binigyan niya ako ng pera, pero hindi ko ginamit."

Para kay Arianne, wala siyang karapatan para gastusin ang pera na iyon...

Naiinis si Mary habang nakahawak siya sa kanyang noo. "Binigyan ka niya ng pera pero ayaw mong gastusin. Bakit ang tigas pa ng ulo mo? Ilang taon na ang lumipas noong nangyari ang insidente na 'yon. Hindi ka naman na sinasaktan ni sir, bakit ka pa nagmumukmok diyan? Bumalik ulit si sir ngayon at late ka na naman nakauwi. Magagalit na naman 'yon sayo!"

Bumalik na si Mark Tremont?!
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP