Hinawakan ni Mark Tremont ang kanyang baba. Walang bahid ng malasakit ang boses ni Mark Tremont at ang tono ng pananalita niya ay pautos."Babalik ka sa school kapag maayos at malakas na ang katawan mo. 'Wag kang nagmumukhang kawawa sa harap ng ibang tao!"Nainis si Arianne Wynn at bigla siyang tumayo. "Hindi…"Tahimik si Mark Tremont habang nakatitig siya ng masama sa dalaga.Napakagat si Arianne sa kanyang labi at nanginig ang kanyang boses, "Mag-aaral ako ng mabuti at ibabalik ko sayo lahat ng pera na ginastos mo para sa akin. Nagpapasalamat ako dahil inalagaan mo ako ng sampung taon. Aalis na ako kapag nakapasok na ako sa internship."Lumabas na ang katotohanan. Hindi naniniwala si Arianne na buong buhay siyang dedepende kay Mark Tremont. Malaki ang utang na loob niya dito at ayaw niya na patuloy siyang tutulungan ng lalaking ito. Tumawa ng malakas si Mark Tremont. Ang ngiti niya ay tulad ng malayong buwan, malayo, hindi makakamit at hindi kanais-nais."Ako na mismo ang
Ngayon lang natandaan ni Arianne Wynn na ngayon pala ang campus function event at darating din ngayon si Mark Tremont…Hindi pa siya umuwi simula noong araw na iyon. Anong mararamdaman niya kapag nakita niya ngayon si Mark Tremont?Sa isang saglit, binalot ng emosyon ang puso ni Arianne."May… sinabi ka ba sa kanya?"Hindi napansin ni Tiffany Lane ang tuliro niyang kaibigan. "Wala naman. Pero nagreklamo ako sa kanya tungkol sa kuya mo. Epal kasi yung kuya mo, eh!"Walang masabi si Arianne. Kaya pala ang galit ni Mark Tremont sa kanya ay parang sumabog na bulkan – este, parang iceberg na sumira sa titanic… Sumama siguro ang loob ni Mark Tremont habang sinusumpa siya ng harap-harapan ni Tiffany. Sa isang saglit, umalingawngaw ang mga sigaw at tili mula sa baba. Sumabog ang adrenaline ni Tiffany, kaya hinila niya si Arianne at tumakbo sila papunta sa baba ng school. "Nandito na si Mark Tremont! Puntahan natin siya!"Kinabahan si Arianne dahil hindi niya alam kung paano haha
Nangutya lamang si Mark Tremont. Kinilabutan at napatahimik ang dean dahil sa mapanglait na sagot ng katabi niya. Ilang oras ang lumipas, ilang mga bodyguard na may suot na black suits ang nagmamadaling pumunta kay Mark Tremont. "Sir, inimbestigahan na namin kung sino ang kriminal. Mentally challenged ang taong iyon. Twenty-one years old ang edad niya at anak siya ng tindera sa cafeteria. Madalas siyang runner ng cafeteria. Walang rason ang pananaksak niya at hindi niya kayang sumagot nung tinanong na siya kung bakit niya ginawa 'yon. Malaki ang posibilidad na hindi siya makukulong dahil sa kondisyon niya.""Dalhin niyo siya sa mental institution! Dapat ba pakalat kalat lang ang isang aggressive lunatic sa campus, para makapanakit pa siya ng ibang tao?" Galit na galit si Mark Tremont. Umalingawngaw ang nakakatakot niyang boses sa buong corridor. "Yes, sir!" Mabilis na umalis ang mga bodyguard.Makikita sa mukha ng dean na nag aalala at siya ay nangangambang magsalita. Tiningnan
"Gising ka na?" Sinara ni Mark Tremont ang laptop niya at tumingin siya kay Arianne. "Mm…" Gusto sanang tumayo ni Arianne, pero sumakit ang sugat sa kanan niyang braso kapag gumagalaw siya. Doon niya lang natandaan kung anong nangyari. Lumapit sa kanya si Mark Tremont para tingnan ang sugat niya. "Teka, 'wag kang gumalaw."Sumunod si Arianne sa kanya. Sa isang iglap, biglang naramdaman ni Arianne na kailangan niyang pumunta sa kubeta. Gusto niyang pumunta sa kubeta pero si Mark Tremont lang ang nandoon at hirap pa siyang gumalaw… sumasakit ang sugat niya tuwing gumagalaw siya. Napansin ni Mark Tremont na hindi mapakali si Arianne kaya tinanong niya ang dalaga, "Gusto mo bang pumunta sa kubeta?""Oo…" namula ang mga pisngi ni Arianne.Tahimik lang si Mark Tremont habang tinutulungan niyang tumayo si Arianne, kakaiba ang pagka-maingat ng lalaking ito kumpara sa normal niyang ugali. Pinagpapawisan pa rin si Arianne sa sobrang sakit, kahit na tinulungan na siyang tumayo. Makik
Nanginig ang kamay ni Arianne na nakahawak sa kutsara. Tiningnan niya ang bowl at nakita niya na kalahati na lang ang soup. Nagdalawang isip muna siya bago niya sinabi, "Mary, bigyan mo pa ako ng soup..."Alam ni Mary kung anong ginagawa ni Arianne kaya malumanay siyang sumagot, "Ah, bakit ka ba takot kay sir? Hindi ka naman niya kakainin."Pagkatapos niyang kumain, naglakad si Arianne paakyat ng hagdan matapos linisin ni Mary ang lamesa.Nakabukas ng kaunti ang pintuan ng master's bedroom, kumatok pa rin siya bago pumasok.Binabasa ni Mark Tremont ang mga dokumento sa harap ng French Window habang may sigarilyo sa gitna ng kanyang mga daliri. Makikita ang kalahating wine glass na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi niya. Agad niyang pinatay ang sigarilyo na hawak niya dahil umubo si Arianne. "Pasok ka."Lumapit siya kay Arianne. "May kailangan ka ba?"Binaba ni Mark Tremont ang mga dokumento sa kanyang mga kamay. Sa isang saglit, hinila at niyakap niya si Arianne Wynn. "M
Kinabukasan, umalis ng maaga si Mark Tremont.Sobrang gulo ng damitan ni Arianne Wynn dahil wala siyang mahanap na susuoting damit para sa party. Ito ang unang pagkakataon na naisipan niyang mag-shopping. Niyaya niya si Tiffany Lane na samahan siyang bumili ng damit, kaya magkasama silang pumunta ng mall. Noong oras na para magbayad, napanganga si Tiffany nang makita niya ang halaga ng ginastos ni Arianne mula sa online bank ng kanyang phone. “Ari, sobra naman yata ‘yan. Akala ko mahirap ka, pero mukhang nagkukunwari ka lang na mahirap, huh! Mayaman ka pala!”Nagdalawang isip si Arianne na sabihin kay Tiffany na galing kay Mark Tremont ang pera niya, kaya simple lang ang sagot niya, “Loka, Tara na.” Ginanap ng gabi ang party sa family beach villa ni Will Sivan. Marami nang tao noong nakarating si Arianne Wynn at Tiffany Lane sa party. Hindi kilala ni Arianne ang halos lahat ng mga bisita na nandoon. Napukaw ang atensyon niya kay Will SIvan na talagang bukod tangi kumpara sa lah
Mabilis na inikot ni Brian Pearce ang kotse, siguro may nangyaring masama na nag-udyok ng galit ni Mark Tremont.May kinalaman si Arianne Wynn sa tuwing sumasabog sa galit si Mark Tremont. Nagpapalit palang si Arianne ang bigla niyang narinig ang malakas na “bang” ng bumukas na pintuan. Nagulat siya pagkatalikod niya, nakita niya ang galit na mga mata ni Mark Tremont. Hinila niya ang jacket para takpan ang kanyang katawan, dahil wala siyang damit. Nanginig ang boses niya nang magtanong siya, “Bakit ka umuwi…”Lalong humilab ang apoy sa mga mata ni Mark Tremont noong nakita niya na jacket ng lalaki ang hawak ni Arianne. “Tanggalin mo ‘yan!”Alam ni Arianne kung ano ang tinutukoy ni Mark Tremont, pero wala siyang damit dahil kakatapos niya lang maligo. Kapag tinanggal niya ito...Malaking problema ito at nasa harap niya pa si Mark Tremont. Hinawakan ng lalaki ang kanyang baba, “Tatanggalin mo o ako na?”Mahigpit pa rin ang hawak ni Arianne Wynn sa jacket, dahil ayaw niyang pum
Tumayo at umalis si Mark Tremont, nadugyotan ang lalaki sa kanya. "Wala kang karapatan para makipag negosasyon sa akin!" Humampas ng malakas ang pintuan, kinilabutan ang buong katawan ni Arianne. Sa loob ng sampung taon, ngayon niya naramdaman na gumuho ang kanyang mundo.Takot na takot siya, umalingawngaw sa utak niya ang galit na boses ni Mark Tremont.Buong hapon na sinubukang tawagan ni Arianne si Tiffany, pero parating busy ang linya nito. Nataranta si Arianne. Pilit ba silang pinaalis ni Mark Tremont?Kumuha ng lakas si Arianne na pumasok sa kwarto ni Mark Tremont. Ito ang unang pagkakataon na pumasok siya nang hindi kumakatok.Mausok ang kwarto. Nakaupo si Mark Tremont sa upuan na nakaharap sa French window. Sa pagkakataon na ito, nakaharap ang likod niya sa dalaga. Puno ng abo at sigarilyo ang ashtray sa tabi niya. Nakabitin ang kanyang likuran at makikita ang lungkot sa kanyang postura. "Please… 'wag mo silang saktan. Kasalanan ko 'to. Alam ko na nagkamali ako…"