Tumayo at umalis si Mark Tremont, nadugyotan ang lalaki sa kanya. "Wala kang karapatan para makipag negosasyon sa akin!" Humampas ng malakas ang pintuan, kinilabutan ang buong katawan ni Arianne. Sa loob ng sampung taon, ngayon niya naramdaman na gumuho ang kanyang mundo.Takot na takot siya, umalingawngaw sa utak niya ang galit na boses ni Mark Tremont.Buong hapon na sinubukang tawagan ni Arianne si Tiffany, pero parating busy ang linya nito. Nataranta si Arianne. Pilit ba silang pinaalis ni Mark Tremont?Kumuha ng lakas si Arianne na pumasok sa kwarto ni Mark Tremont. Ito ang unang pagkakataon na pumasok siya nang hindi kumakatok.Mausok ang kwarto. Nakaupo si Mark Tremont sa upuan na nakaharap sa French window. Sa pagkakataon na ito, nakaharap ang likod niya sa dalaga. Puno ng abo at sigarilyo ang ashtray sa tabi niya. Nakabitin ang kanyang likuran at makikita ang lungkot sa kanyang postura. "Please… 'wag mo silang saktan. Kasalanan ko 'to. Alam ko na nagkamali ako…"
Naramdaman ni Arianne ang sakit ng sugat niya.Tatayo na sana siya nang bigla niyang nakita ang pares ng high-quality custom-made leather shoes. Mula sa taas, narinig niya ang manhid na boses ni Mark Tremont. "May dalawang minuto ka para magpaliwanag."Tiningnan ni Arianne ang maliwanag niyang mga mata at maingat na nagtanong ang dalaga. "Pumapayag ka ba na… wala kang gagawin sa kanila?"Hindi niya napansin ang dismaya sa mga mata ni Mark Tremont. Hindi ito ang gusto niyang marinig mula sa bibig ni Arianne. "Sinasayang mo ang oras ko kung ayan lang ang gusto mong sabihin pagkatapos mong habulin ang kotse ko."Pagkatapos niyang mag-isip ng saglti, mabilis na bumalik si Mark Tremont sa kanyang kotse. Natakot si Brian dahil hinampas ni Mark Tremont ang pinto ng kotse."Paki-cancel ang return ticket 'ko next week. Ako na ang bahala sa overseas branch."Nagdalawang isip si Brian Pearce. "Sir… tatlong taon kang mawawala kapag tutuloy ka sa ibang bansa… sigurado ka na ika-cancel mo
Lalong kinabahan si Arianne Wynn ngayon kumpara sa usapan nila kanina ni Mark Tremont. Mabilis siyang bumaba ng hagdan."Nay Mary, paki-linis ng maayos yung bahay…"Nagulat si Mary kay Arianne dahil madalas na hindi nangingialam si Arianne sa mga ganitong bagay. "Anong meron, Ari?"Hindi maintindihan ni Arianne kung masaya o natatakot ba siya. "Babalik na siya…" Nagtaka muna si Mary bago niya maintindihan kung sino ang tinutukoy ni Arianne. Makikita ang saya sa mga mata ni Mary nang malaman niya kung sino ito, "Talaga? Babalik na si sir? Aba, magandang balita. Tatlong taon na kayong kasal pero hindi pa kayo nagkikita. Ipapalinis ko ng maigi ang bahay. 'Wag kang mag-alala." Pumunta si Arianne sa kwarto niya at nilinis niya ang mga nakakalat na mga drawing.Nagtatrabaho si Arianne sa isang fashion design company, nakapasa siya sa kanyang probation. Madalas na busy si Arianne at kitang-kita ito sa kanyang kwarto. Hindi na sinubukang linisin ni Mary ang kwarto niya, dahil wala
Napatahimik si Arianne sa sinabi ni Mark Tremont.Alam niyang kayang ihinto ni MarkTremont ang operasyon ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho...Nanatiling tahimik si Arianne, mas pinili niya na lang na umakyat sa kanyang kwarto. Humiga siya sa higaan habang blangko ang kanyang isip. Sa dining table, binaba ni Mark Tremont ang kanyang phone at wala siyang emosyon habang ang buong atensyon niya ay nasa kanyang pagkain. Hindi na niya pinansin ang sunod-sunod na text message na natatanggap niya. "Mary, ilipat mo siya sa kwarto ko."Napaisip si Mary, "Tama nga naman… tatlong taon kang nawala at si Ari ay natutulog pa rin sa kwarto niya. Pero dahil nandito ka na, kailangan niyong magsama sa isang kwarto. Sige, ako nang bahala."Sinabihan siya ni Mark Tremont. "Ayusin mo ang form of address mo kay Arianne.""Ay, oo nga pala. Nasanay kasi ako. Simula ngayon, madam na ang tawag ko sa kanya," nakangiting sumagot si Mary.Nililipat na ni Mary ang mga gamit ni Arianne, pero nagtaka
Narinig sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki na hindi niya kilala. "Hello? Hipag? Nakarami ng inom si Mark. Kaya mo ba siyang sunduin dito?"Hipag?Nagulat siya sa tawag ng lalaking ito sa kanya. Noong una, akala ni Arianne na nagkamali lang ang taong tumatawag sa kanya. Gulong-gulo ang isip niya."Ano? Saan ko siya susunduin?"Nahirapan si Arianne na malaman ang lokasyon ng bar kung nasaan sila, dahil maingay ang kabilang linya. Binaba niya ang tawag, kinuha niya ang kanyang coat at ginising niya si Henry. Walang driver's license si Arianne at hindi niya rin kayang buhatin si Mark Tremont. Pagkarating nila sa bar, bumaba siya sa kotse at nakita niya ang dalawang lalaki sa sa right side ng bar entrance. May dalawang lalaki na kasama si Mark Tremont. 'Birds of a feather flock together' – ayan ang naisip ni Arianne. Matangkad at gwapo ang dalawang lalaki na kasama ni Mark Tremont.Ngayon niya lang nakita ang mga ito, hindi siya nakakuha ang oportunidad na makilala
Biglang sumagi sa isip ni Arianne ang babae na nakaakbay kay Mark Tremont noong nakita niya ito sa airport, kaya tinulak niya palayo ang lalaki."Mag-usap tayo kapag hindi ka na lasing!" Hindi siya hahawakan ng lalaking ito kapag wala ang alak sa sistema niya. "Lumabas ka!" Galit na sinabi ni Mark Tremont. Nagulat si Arianne at mabilis niyang pinagpag ang kanyang pajama bago siya bumalik sa dati niyang kwarto.Makakatulong pa rin si Arianne sa kwarto na iyon kahit na higaan na lang ang natitira. Kinaumagahan, umupo si Arianne sa may dining hall at nakita niyang dala ni Mary ang mga sheets at mattress mula sa luma niyang kwarto. Hindi siya tiningnan ni Mark Tremont habang pababa ng hagdan, hanggang sa sumakay at umalis na ang kotse. Simple lang ang kinain ni Arianne, kinuha niya ang kanyang bag at umalis. Hindi niya kailangang alalahanin si Mark Tremont kapag nagtatrabaho siya. Pagkaupo niya sa loob ng kanyang opisina, may nilapag na dokumento sa lamesa ang supervisor ni
Maririnig ang boses ng isang babae mula sa opisina ni Mark Tremont. “Hmph! Sinabi mo sa akin wala kang oras, pero hindi ka naman busy! May nakita akong bag na gusto ko - mali, bag na mahal ko! Bilhin mo para sa akin ang bag na ‘yon, okay?”Tumigil ang daloy ng hininga ni Arianne sa kanyang lalamunan, naramdaman niya na parang may sumasakal sa kanya. Wala siyang narinig na sagot mula kay Mark Tremont.Sa isang saglit, lumabas ang isang babae. Nagkatinginan silang dalawa at nagulat siya dahil ang babaeng ito ang nakita niya sa airport.Wala sa mukha ng babae ang mga mata ni Arianne, nakatitig siya sa high heels sa suot ng babae. Ipinagbawal ni Mark Tremont ang kahit sino na istorbohin ang katahimikan at kapayapaan sa palapag na ito, pero pinayagan niya ang babaeng ito na nakasuot pa ng high heels. “Ikaw na naman. Anong kailangan mo kay Mark ko? Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Mark, pero tandaan mong ayaw kita at galit ako sayo. Pagkauwi namin galing abroad, palagi k
“Hindi, aalis na ako.” sagot ni Arianne. Pagka talikod niya, may lumipad na pen na dumaan sa kanyang tenga at tumama ito sa pintuan. Tumulo ang inta nito at nahulog sa lapag. Malamang ay sumasabog na sa galit si Mark Tremont, dahil lumilipad na ang mga gamit sa kanya. Hindi na gumalaw si Arianne kahit na nanginginig siya sa takot. Gusto niya sanang itago ang takot na nararamdaman niya kay Mark Tremont, pero hindi niya ito nagawa...“Halika dito!” binalot ng poot at galit ang boses ni Mark Tremont. Para kay Arianne, ito ay isang warning para sa mapanganib na pangyayari. Napaisip siya ng saglit bago siya humarap at lumapit kay Mark Tremont, hinawakan niya ng mahigpit ang dulo ng kanyang damit at maingat niyang tiningnan ang lalaking nasa harapan niya. Hinila ni Mark Tremont si Arianne sa katawan niya at binalot niya ang kanyang kamay sa bewang ng babae para hindi siya makagalaw. Nakakatakot at walang emosyon ang boses ni Mark Tremont, “Anong tawag mo sakin? Pinaparating mo b