“Hindi, aalis na ako.” sagot ni Arianne. Pagka talikod niya, may lumipad na pen na dumaan sa kanyang tenga at tumama ito sa pintuan. Tumulo ang inta nito at nahulog sa lapag. Malamang ay sumasabog na sa galit si Mark Tremont, dahil lumilipad na ang mga gamit sa kanya. Hindi na gumalaw si Arianne kahit na nanginginig siya sa takot. Gusto niya sanang itago ang takot na nararamdaman niya kay Mark Tremont, pero hindi niya ito nagawa...“Halika dito!” binalot ng poot at galit ang boses ni Mark Tremont. Para kay Arianne, ito ay isang warning para sa mapanganib na pangyayari. Napaisip siya ng saglit bago siya humarap at lumapit kay Mark Tremont, hinawakan niya ng mahigpit ang dulo ng kanyang damit at maingat niyang tiningnan ang lalaking nasa harapan niya. Hinila ni Mark Tremont si Arianne sa katawan niya at binalot niya ang kanyang kamay sa bewang ng babae para hindi siya makagalaw. Nakakatakot at walang emosyon ang boses ni Mark Tremont, “Anong tawag mo sakin? Pinaparating mo b
Huminto ang elevator sa seventh floor.Nasa loob nito si Simon Donn, napatingin siya sa nakakatakot na lalaking pumasok sa elevator, kaya umurong siya sa isang gilid.Sumara ang pintuan ng elevator. Sinipa ng nakakatakot na lalaki ang lower abdomen ni Simon Donn. Pagkatapos ay malumanay itong nagsalita."Kung ayaw sayo, 'wag mong hawakan!" Nagulat si Simon Donn sa malakas na sipa ng lalaking ito. Napaluhod siya habang nakahawak sa kanyang tiyan. "Sino ka ba?""Asawa ni Arianne Wynn!"…Hinanahap agad ni Arianne si Mark Tremont, pagkatapak niya sa hall ng Tremont Estate. Natuwa si Mary sa aksyon ni Arianne, kaya natutuwa niyang sinabi, "Hindi pa nakauwi si sir!"Nakahinga na ng maayos si Arianne. "Sinabi niya sa akin na uuwi siya dito para mag-dinner…"Kadalasan, mas maagang umuwi si Mark Tremont kumpara kay Arianne.Pagkalabas ni Arianne ng kubeta, nakita niya na nakaupo si Mark Tremont sa dining hall. Basa ang buhok niya at suot niya ang kanyang lounge clothes, bagong
Pinigilan ni Arianne Wynn ang sarili niya, doon niya naintindihan na panaginip lamang ang kagustuhan niyang makalaya sa mga kamay ni Mark Tremont. Masasabi na maawain pa nga si Mark Tremont para gamitin ang buong buhay ni Arianne bilang kabayaran sa mga kasalanan niya at wala siyang karapatan na pumili ng ibang paraan para dito..."Matutulog ako sa guest room." Ito ang huling pagkakataon na lumaban si Arianne. "Subukan mong umalis!"Pinagbantaan siya ni Mark Tremont. Nakakatakot ang tono ng pananalita nga lalaking ito, parang pumasok sa puso ni Arianne ang malamig na hangin sa labas dahil sa naramdaman niyang takot. Nanahimik at huminto siya ng saglit, hinintay niyang magsalita ulit si Mark Tremont. Lumipas ang katahimikan bago siya nagsalita ulit, "Gusto mo nang umalis? Okay, papayagan kita! May kailangan kang gawin kung gusto mong makalaya... bigyan mo ako ng anak!"Anak? Gusto niyang si Arianne ang magiging ina ng anak niya? Isang bata na mula sa kanilang dalawa? Biglang
Kinabukasan, dumiretso na sa trabaho si Arianne at hindi na siya kumain ng breakfast. Tambak ang mga documents na nakalagay sa kanyang table. "Kanino 'to?"May bumulong sa gilid niya, "Si Mr. Donn yung nag-assign niyan sayo. Ginalit mo ba siya? Halos lahat ng gawain ibinigay niya sayo. Malamang mag-overtime ka ngayong araw…"Walang sinabi si Arianne at umupo na lamang siya, alam niya na ito ang kanyang parusa dahil sa pagtanggi niya at napahiya sa kanya si Simon Donn. Tanghali na at may natanggap siyang text message, "Nanay ako ni Aery Kinsey. Magkita tayo. Hihintayin kita sa Mocha Café."Inisip ni Arianne kung may kilala ba siyang Arianne Kinsey, mukhang hindi niya kilala ang tinutukoy nito kaya sumagot siya, "Hindi ko kilala si Aery Kinsey."Mabilis na sumagot ang babae, "Kilala kita. Magkita tayo doon."Biglang lumabas sa isip ni Arianne ang babae na kasama ni Mark Tremont sa airport. Lalo siyang naging naintriga dahil dito. Lunchtime na, umalis si Arianne sa kanyang opis
Pagkabalik sa opisina, hindi pinansin ni Arianne ang kumakalam niyang sikmura.Bumabagabag sa isip niya ang mukha ni Helen Cameran. Hindi niya inakala na magpapakita sa ganoong paraan ang kanyang ina.Hindi niya alam kung nagagalit o nadudugyutan siya sa pagkakataon na iyon. Iba't-ibang emosyon ang gumugulo sa puso niya.Ilang taon na ang lumipas kaya nagbago na ang itsura ni Arianne. Hindi siya namukhaan agad ni Helen Cameran. Gayunpaman, agad niyang nakilala ang kanyang ina! Nakaukit sa isip niya ang mukha ng kanyang nanay. May isang bagay siyang hindi maintindihan. Iniwan siya ni Helen Cameron noong six years old pa lamang siya. Kung kinasal ulit si Helen Cameron, mas bata sa kanya ng pitong taon si Aery Kinsey. Hindi mukhang underage si Aery Kinsey…Kung stepdaughter ni Helen Cameran si Aery Kinsey, ano sa kanya si Arianne kung sobra niyang binibigyan ng halaga si Aery… Biological daughter niya rin ba si Aery Kinsey?!“Arianne Wynn, balak mo ba mag-overtime dito hanggang
“Sinabi ko na sayo. Si Mark Tremont ang puntahan mo kung gusto mo akong umalis. Wala akong choice. At saka, sinasabi ko ngayon palang – Hindi ako aalis! Asawa ko na si Mark Tremont, kasal kami!”Tumakbo si Arianne sa kasagsagan ng snow pagkatapos niyang sumigaw. Sana hindi niya na lang nakita ang nanay niya kung sa ganitong paraan niya ito makikita ulit. Hindi niya namalayan ang layo ng nilakad niya nang biglang mag bumusina na kotse sa kanyang likuran. Hindi niya ito pinansin dahil akala niya si Helen Cameran ito.Dumaan sa kanya ang kotse at nakita niya na nakadungaw ang ulo ni Brian Pearce sa bintana. “Pasok ka sa loob, madam.”Pinunasan ni Arianne ang mga luha na nanuyot sa kanyang mukha. Nakita niya na nasa loob si Mark Tremont, agaw pansin ang itsura ng taong ito. Panandalian siyang natakot at unti-unti itong nawala nang makapasok siya sa loob ng kotse. Nagdalawang isip muna siya bago niya tinanong si Mark Tremont, “Alam mo na younger half-sister ko si Aery? Revenge mo rin
Nanigas ang katawan ni Arianne bago siya dahan-dahang humarap kay Mark Tremont at binalot niya ang kanyang braso sa leeg ng lalaki. Habang nakatingin siya sa lalaking ito, paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na makakalaya na siya kapag nabuntis at iniluwal na niya ang anak ng lalaking ito. Hindi pa rin makagalaw si Arianne kahit tinatak niya iyon sa kanyang isipan. Malayo ang isip ni Arianne at hindi niya namalayan ang kanyang sinabi, “Basa pa ang buhok mo…”Sa isang saglit, nagtagpo ang kanilang mga labi. Natunaw ang kanilang mga alalahanin sa malalim na gabi at unti-unting bumigat ang kanilang paghinga. Aksidenteng tiningnan ni Arianne ang malalim na mga mata ni Mark Tremont, kahit kailan ay hindi niya naintindihan ang pananaw nito. Makikita sa kanyang mga mata ang init at pagnanasa...Sa pagkakataon na ito, nawala na sa isip ni Arianne na tumakas mula sa lugar na iyon. Nakahawak siya sa dibdib ni Mark Tremont, pamilyar ang init na nararamdaman niya sa kanyang mga palad
Nagising agad si Arianne Wynn. Dalawang oras palang ang nakalipas noong umalis si Mark Tremont pero lasing na agad siya?“Uh… okay. Hintayin niyo ako, pupunta na rin ako!” Bumaba siya sa kama at agad siyang nagbihis habang sinasabi niya ito. Pagkarating niya sa bar kasama si Butler Henry, palabas na sila Eric Nathaniel at Jackson West habang buhat nila si Mark Tremont. Hinila ni Arianne ang kanyang coat at lumapit siya sa kanila. “Pasensya na sa abala.”Ngumiti si Eric. “Walang problema, sampung taon na kaming magkaibigan. Sa… Glide Design ka nagtatrabaho… tama?”Hindi alam ni Arianne kung bakit siya tinaning ni Eric Nathaniel pero tumango siya. “Oo.”Wala nang ibang sinabi si Eric, tinulungan niya na lang na buhatin si Mark papunta sa loob ng kotse. Habang pauwi sila, pinaalalahanan ni Butler Henry si Arianne, “Madam, paki-check na lang si sir kasi baka magsuka siya, nakainom siya ng marami. Ayaw niya ang kotse na ‘to kapag nasuka siya dito.”Umoo si Arianne, alam niya na t