Inicio / Romance / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 8 Isang Tao na Malaki ang Impact sa Buhay mo
Kabanata 8 Isang Tao na Malaki ang Impact sa Buhay mo
Nakasimangot na hinawakan ni Arianne ang kanyang leeg.

Nakalimutan niya na hinalikan pala siya ni Mark Tremont sa leeg at mukhang nag iwan din ito ng marka.

Habang natataranta si Arianne, makikita sa mukha ni Mary ang saya na nararamdaman niya.

"Ari, magkatuluyan na kayo ni sir kung gusto ka niya. Habang buhay mong makakain ang paborito mong buttered bread at gwapo pa si sir. Sa tingin ko, wala ka nang dapat ayawan pa kay sir dahil sampung taon din naman kayong nagsama."

Lumayo na si Arianne ang topic na iyon, kaya sinabi niya kay Mary, "Nay Mary, baka ma-late na ako sa klase ko. Mauna na po ako, bye!"

Tumakbo siya ng mabilis sa labas ng pintuan.

Maging asawa ni Mark Tremont? Gagawin niya 'yon kung sobrang bored na siya sa buhay niya.

Pagkarating ni Arianne sa school, lumapit si Tiffany sa kanya ay pinaglaruan ang kanyang scarf.

"Babe, ang unique naman ng taste mo. Parang 70's ang style? Maganda ka naman sa lahat eh, kaya bagay sayo. Maganda ka pa rin siguro kahit na janitor's uniform siguro ang suot mo. Lalo na mga mata mo, tingnan mo… ah! Ang ganda…"

Nabanggit din ni Mark Tremont ang mga mata niya kagabi. Kinilabutan si Arianne sa kanyang naisip.

"Tigilan na ang kaka-joke, Tiffany."

Sa isang saglit, may cellphone na nag-ring. Biglang nagkatinginan sa isa't isa si Tiffany at Arianne.

Nagkibit balikat si Tiffany. "Hindi sa akin 'yon. Iba ang ringtone ko."

Hinanap ni Arianne kung saan nanggaling ang tunog at doon niya narinig na galing pala iyon sa kanyang bag.

Tinanggal niya ang kanyang backpack.

Nasa loob nito ang isang bagong cellphone na umalingawngaw sa lakas ang ringtone.

Nagtaka si Arianne. Habang hawak niya ang phone, nakita niya na ang incoming caller ay si Mark Tremont.

Kailan niya nilagay ang phone sa bag ni Arianne? Naka-save pa dito ang number niya.

Tiningnan ni Arianne si Tiffany bago niya sagutin ang tawag.

“Hello?”

Maririnig ang mala-anghel na boses ni Mark Tremont sa kabilang dulo.

"May pinadala akong pera sayo. Ayokong makita na ka mukhang minaltrato kapag nakabalik na ako, nawawalan ako ng gana kapag nakikita kitang ganyan."

Nawawalan siya ng gana? Pinaparating niya ba na nawawalan siya ng gana kumain kapag nakikitang niyang gusgusing ang itsura ni Arianne?

Binaba agad ni Mark Tremont ang tawag, nakita ni Arianne sa kanyang phone ang pinadalang pera sa kanya.

Galit na pinatay ni Arianne ang phone at hinulog niya ito sa kanyang bag, natatakot siyang sabihin kay Tiffany ang nangyari.

Napahinto ang kanyang kamay nang mahawakan niya ang bank card sa loob ng bag. Bakit parang ito ang kapalit ng nangyari sa kanila kagabi?

Nakakapagtaka.

"Binigay 'to ng kuya mo? $1,500 ang halaga ng model ng phone na ito. Mukhang hindi naman pala masama sayo si kuya mo," sabi ni Tiffany.

Tumango si Arianne. "Tara na. Magsisimula na ang klase."

Minamalas si Arianne ngayong araw.

Pagkapasok nila sa loob ng studio, wala sa mood ang kanilang instructor kaya bigla itong nag-utos, "Ngayong araw, iguguhit natin ang tao na malalim ang impact sa ating buhay. Feel free! Pwede kayong gumamit ng reference photos. Walang limitasyon sa pwede niyong gawin."

Nasabik si Tiffany Lane habang nakatitig siya kay Arianne. Pero si Arianne naman ay nahihiya.

"Anong ginagawa mo? Sinabihan ka na mag-drawing ng taong malalim ang impact sa buhay mo…"

Tumatawa si Tiffany nang sagutin niya si Arianne, "Ikaw ang tao na 'yon. Simula noong una kitang nakilala, may iniwan kang marka sa buhay ko. Sobrang perfect mo… Walang binatbat ang mga artista sayo kapag pumasok ka sa entertainment industry. Kaso… masyado kang masikreto at ang payat mo."

Nanatiling tahimik si Arianne at patuloy niyang inisip kung sino ang tao na malalim na impact sa buhay niya.

Ang mga magulang niya ba? Matagal nang nawala sa isipan ni Arianne ang mukha nila.

Mabilis na nawala sa isip niya sila Butler Henry at Mary nang maisip niya si Mark Tremont.

Pilit niyang itinanggi sa kanyang sarili na si Mark Tremont ang taong iyon. Wala rin siyang photo reference ni Mark Tremont.

Maliban doon, kahit papaano ay malinaw sa isip ni Arianne ang mukha ng lalaking iyon, kahit pa wala siyang reference photo.

Malalim na nakaukit sa kanyang isipan ang bawat galaw ni Mark Tremont!

"Anong ginagawa mo, Arianne Wynn? Sponsored ka na nga pero tingnan mo ikaw, tatamad-tamad. Gising! Mag-drawing ka diyan," sinabihan ng instructor si Arianne na walang laman ang drawing board.

Bumalik agad sa tamang pag-iisip si Arianne at agad niyang kinuha ang kanyang lapis.

Gusto niyang iguhit si Mary. Maliban sa kanyang magulang, parang naging magulang na rin sa kanya si Mary.

Habang gumuguhit si Arianne, biglang nagbago ang itsura ng taong ginuguhit niya.

Sa isang saglit, naging si Mark Tremont ang ginuguhit niya. Sa dahilan na hindi mawala sa kanyang isip ang mukha ng lalaking ito.
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo