Inicio / Romance / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 2 Malalim na Pinag Ugatan
Kabanata 2 Malalim na Pinag Ugatan
Hindi makalaban si Arianne sa sobrang takot. Maraming beses na itong nangyari sa kanya noon.

"Sir, oras na para kumain."

Maririnig sa labas ang boses ni Butler Henry na parang isang tagapagligtas na bumaba mula sa langit para tulungan si Arianne.

Ilang dekada nang naglilingkod si Butler Henry sa Tremont family at nasubaybayan niya ang paglaki ni Mark Tremont, kaya kinikilala na mahalagang tao si Butler Henry kay Mark.

"Sige," casual na sinabi ni Mark Tremont. Agad na binuksan ni Arianne Wynn ang pinto at mabilis siyang tumakbo. Hindi nawawala sa kanyang isip ang mga sinabi ni Mark.

"Magiging eighteen ka na sa susunod na kalahating buwan, tama?"

Sa mga salitang ito, nawala ang kapayapaan sa puso ni Arianne. Alam niya kung anong mangyayari kapag naging eighteen na siya.

Umalis sa bahay si Mark Tremont pagkatapos niyang kumain. Dahil dito, nawala ang kaba ni Arianne kaya nakatulog agad siya sa maliit niyang kama sa loob ng storeroom.

Sampung-taon nang nakatira si Arianne sa storeroom. Masasabi na ang Tremont Estate ang kanyang pangalawang 'tahanan'.

Hindi maituturing na pahinga ang kanyang pagtulog ngayong gabi. Paulit-ulit niyang tinanong ang kanyang ama sa panaginip, "Ano ba talaga ang nangyari? Totoo ba ang sinabi nila?"

Ang sagot lamang na nakuha ni Arianne ay ang ngiti ng kanyang ama at sumunod ang pagtalikod nito, bago siya umakyat sa loob ng eroplano.

Seventeen na tao ang namatay sa loob ng private jet ng Tremont family, gayundin ang mga magulang ni Mark Tremont.

Kumalat ang balita sa media na ang ugat ng aksidente ay dahil sa pagkakamali ng piloto. Gayunpaman, may sabi-sabi rin na ang piloto ay lasing bago siya umakyat ng private jet.

Ang tatay ni Arianne Wynn na si Zachary Wynn ang private pilot ng Tremont family. Kinilala siya bilang public enemy, kahit na ilang panahon na ang lumipas nang mamatay siya dahil pagbagsak ng nilipad niyang private jet.

Sa dulo ng kanyang panaginip, nakita ni Arianne na hinahatid siya pauwi ni Mark. Hindi nila maintindihan kung bakit ihahatid niya ang sinner's daughter.

Eight years old pa lamang si Arianne noong dinala siya sa Tremont Estate, habang hawak niya ang kamay ni Mark Tremont.

Noon, inisip ni Arianne na pareho sila ni Mark na ampon, siguro dahil sa kabaitan ni Mark kaya siya dinala sa Tremont Estate.

Gayunpaman, sa oras na sumara ang pintuan, nilayo ni Mark Tremont ang kamay ni Arianne at tinitigan niya ng masama ang batang babae.

"Patay na ang tatay mo. Ikaw ang magbabayad sa mga kasalanan niya." Muntik nang kainin si Arianne ng poot at galit na bumabalot sa pagkatao ni Mark Tremont na eighteen years old noon.

Simula noon, naging malinaw kay Arianne na hindi siya tutulungan ng lalaking nagngangalang Mark Tremont…

Mataas na ang araw nang magising si Arianne.

Pinanood ni Arianne sa maliit na bintana ng storeroom ang nahuhulog na snowflakes, habang hawak niya ang mainit niyang noo.

"Bumabagsak na ang snow…" matamlay na nakangiting sinabi ni Arianne sa sarili niya.

"Ari, balutan mo ng damit ang sarili mo. Ayan na ang snow, lalamig na ngayong araw. Baka magka-sipon ka, ang payat mo pa naman."

Nag-alala si Mary sa kanya, noon pa man ay parati na siyang nag-aalala para kay Arianne. Sa loob ng sampung taon, umulan man o umaraw, hindi nawawala ang taos-pusong reminders ni Mary sa tuwing gigising si Arianne.

Sumunod si Arianne sa payo ni Mary kaya sinuot niya ang nag-iisa niyang coat para labanan ang malamig na panahon.

Naramdaman ni Mary na may kailangan siyang sabihin kay Arianne habang naglalakad ito palabas ng pintuan.

"Ari… manghingi ka ng pera kay sir at bumili ka ng mga bagong damit. Ilang taon mo nang ginagamit ito. Namimili ng mga gamit ang mga dalagang nasa edad mo kaya ikaw rin dapat. Tingnan mo naman ang itsura mo…"

Ipinagbawal ni Mark Tremont ang lahat ng kanyang mga tauhan na bigyan siya ng kahit ano, kasama na doon ang pera. Sa kanya lamang manggagaling ang kahit anong kailangan ni Arianne.

Simula pa noong eight years old si Arianne, gagawin niya ang lahat para mapasaya si Mark, upang makuha niya ang kagustuhan niya.

Ayaw rin ni Mark na tawagin siyang "kuya" ni Arianne, kaya parating Mark Tremont ang tawag sa kanya nito… ang pangalan niya ay malalim na nakaugat sa isipan ni Arianne.

Bumusina ang kotse na nasa likod ni Arianne, signal ito na mag-bisikleta siya sa parte ng daanan na malapit sa sidewalk.

May Rolls Royce siyang nakasabayan at doon nagtagpo sa half-open car window

ang mga mata nila ni Mark Tremont.

Panandalian lamang ang kanilang interaksyon. Ang kotse na nagmamadali kanina ay biglaang huminto sa harapan niya.

Kusang napatigil rin si Arianne, nakasuporta ang isang binti niya sa daan habang nakahawak siya sa handlebar ng bisikleta. Tahimik siyang naghintay.
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo