Inicio / Romance / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 4 Mamayang gabi, pumunta ka sa kwarto ko
Kabanata 4 Mamayang gabi, pumunta ka sa kwarto ko
Ngumiti ang dean na nasa tabi niya. "Mr. Tremont, tinutukoy mo ba si… Will Sivan? Narinig mo na siguro ang pangalan niya, isa siya sa tatlong young masters ng Sivan family. Nasa junior year na siya ngayon. Madalas na magkasama ang tatlong 'yan."

"Sa susunod, ayaw ko na siyang makita dito sa Southline University. Hindi, ayaw ko na siyang makita sa buong capital," walang bahala na sinabi ni Mark Tremont nang tumalikod siya para umalis.

Makalipas ang ilang hakbang, bigla siyang huminto. "Ako na ang mag-sponsor ng buo kay Arianne Wynn, paki-siguro na anonymous ito."

Mabilis na nag-bow ang dean. "Opo, opo. Ingat po kayo."

Pagkatapos ng klase, pinilit ni Arianne Wynn ang sarili niya na pumadyak sa kanyang bisikleta hanggang sa makaabot siya sa gate ng campus. Tumayo siya doon para hintayin ibalik ang scarf ni Will Sivan.

"Ari, hinihintay mo ba si Will? Umuwi na siya kaninang tanghali, may mga family matter raw siyang aasikasuhin." Lumapit si Tiffany Lane sa kanya at may nilabas itong maliit na bag sa kanyang purse.

"Kunin mo 'to, cold medicine. Sinabihan ako ni Will na ibigay ito sa'yo. May gamot rin para sa lagnat sa loob. Huwag mong kalimutan na inumin ito, okay?" Tiningnan ni Arianne ang bag na may medisina pero hindi niya ito tinanggap.

"Hindi ko ito kailangan. Ikaw na ang magbalik ng scarf niya, please? Uuwi na rin ako." Kailangan niyang umuwi sa tamang oras araw araw dahil bumalik na si Mark Tremont.

Pilit na binigay ni Tiffany ang maliit na bag kay Arianne. "Bakit ang tigas ng ulo mo? Kahit ako alam ko na gusto ka ni Will, hindi mo ba napapansin?" Biglang namula ang maputlang pisngi ni Arianne.

"Tama na ang kalokohan na ito! Bye!" Ilang hakbang lang sa harap niya ay huminto ng mabilis ang kotse ni Mark Tremont, wala pa sa isang metro ang layo ng kotse kay Arianne.

Magagalit na sana si Tiffany nang biglang takpan ni Arianne ang kanyang bibig. "Okay lang. Mauna ka na!" Nakita agad ni Arianne ang seryosong mukha ni Mark Tremont mula sa windshield ng kotse.

Walang pasensya si Mark kay Arianne. Sa isang busina ng sasakyan ay agad na ipinarada ni Arianne ang kanyang bisikleta sa gilid at mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse, agad din niyang sinara ang pintuan.

Nagulat si Tiffany Lane. May sasabihin pa sana siya nang biglang umandar palayo ang kotse na kanina'y nasa harap niya.

Nakayuko si Arianne habang nakaupo sa loob ng kotse, hindi na niya tinangkang magsalita pa. Ito ang unang beses na sinundo siya ni Mark Tremont sa school. Hindi na siya nasurpresa sa pangyayaring ito, ang nararamdaman niya lamang ngayon ay takot.

"May boyfriend ka na?" Casual na tinanong ni Mark. Kabadong umiling si Arianne nang maisip niya na si Will Sivan ang tinutukoy nito. "Wala."

Sa oras na iyon, mahigpit niyang hinawakan ang bag ng cold medicine sa kanyang kamay.

"Hindi na ulit magpapakita si Will Sivan." Makikita ang ngiti sa mga mata ni Mark Tremont habang nakatingin ito kay Arianne.

Tumingin si Arianne sa kanya at tila nagulat ang babae ng magtagpo ang kanilang mga mata. "Anong ibig mong sabihin?" Nagalit ang lalaki sa sagot niyang ito.

"Maliban sa pagtubos ng mga kasalanan mo, wala ka nang ibang gagawin sa buhay mo kundi 'yon. Kasama na doon ang being in love, kasal o pagbubuntis, naiintindihan mo?" Kinilabutan si Arianne sa malamig na tono ng boses ni Mark.

Nakaramdam siya ng galit sa lalaking nasa harapan niya. Bakit kailangan niyang tanggalin kay Arianne ang lahat ng gusto niya?

Dumating na sa Tremont Estate ang kotse. Pagkalabas ng kotse, nandilim ang mga mata ni Mark Tremont nang makita niya ang bag na hawak ni Arianne. "Tumayo ka diyan."

Nanigas ang buong katawan ni Arianne. Kinuha ang bag ng medisina na hawak niya at tinapon ito sa daan.

Nahulog ang kanyang mga balikat habang naglalakad siya papunta sa back door.

Hindi na matandaan ng kahit sino doon kung kailan ipinagbawal ni Mark Tremont na pumasok si Arianne sa front door.

Pinagbawal siya ni Mark dahil baka magkasalubong sila at ang gusto lang ni Mark ay lumabas si Arianne kapag inutusan siyang magpakita sa harapan niya.

"Pumunta ka sa kwarto ko mamayang gabi."

Utos ni Mark Tremont habang nagmamadali siyang pumasok sa front door. Kahit ang mga bodyguards ay natakot sa masungit niyang mukha.

Sa kabila ng mga pangyayari, lumapit pa rin sa kanya si Mary at Butler Henry. "Nakabalik ka na pala, Sir." Nag-hum lamang si Mark Tremont bilang konfirmasyon.

Habang paakyat ng hagdan, napahinto ulit siya. "Simula ngayon, sa bahay na kakain Arianne Wynn mula umaga hanggang gabi."

Sinasabi niya ba na pinapahirapan niya si Arianne dahil sa nanghihina niyang pangangatawan? Ngumiti si Housekeeper Mary. "Opo,sir. Sisiguraduhin ko na kakain ng maayos si miss Arianne."

Habang parehong naglilinis ng kusina sila Arianne Wynn at Mary, biglang kaawa-awang hinawakan ni Mary ang kamay ni Arianne.

"Tama na. Magpahinga ka na. Huwag mo na akong tulungan, tingnan mo ang sugatan mong mga kamay. Ari, mabait naman si sir sa'yo. Huwag ka nang tumanggi sa kanya. Hindi mo pa rin ba siya naiintindihan? Magiging maayos ang lahat kapag sinunod mo siya. Kasama niya ako noong bata pa siya at nakita ang pagtanda niya. Hindi siya masamang tao."

Walang sinabi si Arianne, ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya at paulit-ulit siyang nag lampaso ng lapag. Ayaw ng buong pagkatao niya na makitang si Mark Tremont bilang isang mabuting tao...

Malawak ang Tremont Estate, ngunit hindi masyadong marami ang trabaho ni Mary. May oras na nakatakda para tapusin ang mga trabahong nakalatag sa kanya.

Pasado eleven o'clock na, doon lang nakakuha ng lakas ng loob si Arianne na umakyat sa hagdan at maingat na katukin ang pintuan ni Mark.

Walang narinig na kahit anong tunog o galaw mula sa loob at nasa isip na niyang tumalikod para umalis.

Nagdalawang isip muna siya bago niya binuksan ang pinto at pumasok, malinaw sa kanya ang mangyayari kapag hindi siya nakinig.

Dahan-dahan siyang naglakad sa madilim na kwarto. "Tulog ka na?"

Sa isang saglit, maririnig ang boses ng lalaki sa kanyang likuran. "Sinabi ko ba na madaling araw ka pumunta dito?"

Napatalon sa gulat si Arianne, hinanap niya ang switch ng ilaw pero mukhang may natamaan ang kanyang paa kaya siya natapilok. Mangiyak-ngiyak siya nang humampas ang mukha niya sa lapag.
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo