Maririnig ang sama ng loob sa pananalita ni Tiffany, "Inaaway mo ba ako pagkatapos kong ipanganak ang anak mo? Kung ito ang past, makikita ang galit sa mukha mo! Kailangan mong tandaan na hindi ko pa nakakausap si Alejandro, at hindi ko alam kung paano niya nalaman ang anumang pinagdadaanan ko. P*ta, nagawa pa niyang padalhan ako ng mga bulaklak sa mismong araw ng pag-alis ko sa ospital! Pero ginagawa lang niya ito dahil sa tunay na mabuting kalooban bilang isang kaibigan. Ako mismo ay palaging nakikita sa kanya bilang walang iba kundi isang kaibigan! Ikaw ang nagpipilit na magselos."Tumingala si Jackson at sinalubong ang mga mata niya. "Maaaring itrato mo siya bilang isang kaibigan, pero hindi. Ayokong makipag-hang out ka sa kanya o kontakin siya. Ayokong may kasama kang ibang lalaki sa mundo! Tama iyan; Ganun ako ka-possessive. Deal with it, sistah.”Napahagikgik si Tiffany. “Aba! Sa wakas, umamin ka na at naipakita mo ang iyong madilim na panig sa mundo! Dapat ay inamin mo na mas
"Tama," sagot ni Mark, hindi na siya nag-abala pa na itago ang kanyang opinyon. “Masyadong makapal at matingkad ang mga luma mong lipstick. Ang mga ito ay mas maganda. Ayaw mo ba ang mga ito?"Hindi naglakas-loob si Arianne na ipakita ang kanyang pagtanggi. "Hindi, hindi, maganda ang mga ito. Gusto ko sila. Gagamitin ko ang mga binili mo mula ngayon. Bababa na ako para tingnan si Smore. Kailangan mong magpahinga kung pagod ka."Tumunog ang cellphone ni Mark nang makaalis si Arianne. Nainis siya dahil limitado lamang ang kanyang oras ng kapayapaan at doon siya biglang sumimangot. Sinagot niya ang tawag nang hindi tinitingnan ang screen. "Hello?"Sinagot siya ng boses ni Janice mula sa kabilang dulo ng linya. "Mr. Tremont, may urgent document ka na kailangan mong makita. Nagkaroon ng emergency si Davy at umalis siya sa opisina, pero simabihan niya ako na ipadala ito sayo. Okay lang ba na pumunta ako?"“Trabaho niya ito,” naiinip na sinabi ni Mark. “Sinabihan ko ba siya na umuwi ng ma
Tumango si Arianne bilang sagot at binuhat si Aristotle sa itaas.Huminga ng malalim si Mark at pinilit ang sarili na pigilan ang kanyang galit. Pagkatapos nito ay mabilis siyang umakyat sa itaas. "Galit ka ba?""Hindi maganda ang memory ng mga bata. Hindi siya aasta na parang pamilyar siya kay Janice kung hindi niya ito madalas makita. Ilang beses mo na bang iniwan si Smore kay Janice? Tingnan mo siya, napakagaling niya sa mga bata. Ako na ang nanay niya pero napahiya pa rin ako. Tinatanong ko na ang sarili ko sa mga paraan sa pagpapalaki ko ng anak."Sumasakit na ang ulo ni Mark habang naririnig niya ito. “Ilang beses ko lang siyang pinaalaga kay Smore. Matagal nang hindi pumupunta sa opisina ko si Smore, at alam mo naman ito. Panigurado na hindi niya talaga naaalala si Janice at nag-e-enjoy lang talaga siya. Wala namang ibig sabihin sabihin kung ang sanggol ay nagsasaya at nakikipaglaro sa kanya, hindi ba? Nag-suggest na ako sayo na tanggalin siya pero ayaw mo naman. Anong dapat
Minahal niya ito dahil siguro siya ay isang simpleng Arianne Wynn. Gayunpaman, ang mga lalaki ay visually-stimulated beings. Ito ang kanilang nature. Kahit sino ay mapapagod sa isang unti-unting nalulumaan at kumukupas na babae.Bakit nga ba niya isinilang si Aristotle? Talagang pinag-iisipan niya ang katanungan na ito. Dahil ba ito ang huling pagkakataon niya na maging isang ina? O... dahil ba sa mahal niya si Mark?Tinitigan niya si Aristotle sa kanyang mga bisig at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. Malapit na siyang maging one year old, pero may lakas ng loob pa rin si Mark na sabihing pinilit niya ito na gawin si Aristotle, sa harap mismo ng sanggol. Naramdaman ni Arianne na parang ayaw talaga ni Mark na ipanganak ang batang ito noong una pa lamang. Talagang nakakadismaya.Puno ng kalungkutan ang puso ni Arianne sa sandaling iyon. Gusto niyang lumaban ngunit namutla siya at napagod pagkatapos niyang magalit nang matindi. Naisip niyang sapat ang pagmamahal na ibinigay niya sa
Umiling si Arianne. “Wala itong kinalaman sayo. Darating talaga ang oras na mag-aaway kami sa ilang bagay. Hindi ako gutom kaya hindi ako kakain. Tulog pa rin si Smore. Salamat sa pag-aalaga sa kanya sa maghapon. Susubukan kong umuwi ng maaga kapag tapos na ako sa opisina. Mula ngayon, ipadala sa akin ang bill para sa lahat ng expenses ni Smore. Wag mong tanungin si Mark. Ayokong gumastos siya ng kahit isang sentimo ng pera niya. Ganoon din kay Smore.”Nakanganga si Mary at hindi siya makapagsalita. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng ganitong away. Hindi siya sigurado kung paano papayuhan si Arianne para sa problemang ito.Gulong-gulo pa rin ang isip ni Arianne nang makarating siya sa opisina. Sa bawat pagpikit niya, naaalala niya ang lahat ng sinabi ni Mark kagabi. Gusto niya lang naman aliwin ang kanyang sarili. Normal lang naman para sa mga tao na magsalita ng masasakit na bagay sa init ng sandali, pero hindi ba nanatili siyang tahimik kagabi? Kaya niyang kontrolin ang
Ipinakita ni Davy ang isang ngiti na mukhang mas masahol pa sa isang umiiyak na mukha. “Nakatanggap ako ng family call noong nag-overtime ako kahapon. Nagkaroon ako ng last-minute emergency. Sinabihan ko ang direktor na ipadala ang urgent document na iyon sayo, pero hindi hawak ng director ang iyong address. Ibibigay ko na sana sa kanya nang lumapit si Janice at sinabing alam niya ang address mo, kaya nag-volunteer siya na asikasuhin ito. Nakita ng direktor na malapit nang matapos ang araw ng trabaho at ayaw niyang patagalin ang dagdag na problema, kaya ibinigay niya ang trabaho sa kanya. Naisip ko na dahil magkakatrabaho tayong lahat at kailangang mapabilis ang dokumentong iyon, hindi talaga mahalaga kung sino ang nagpadala nito... Kaya…”Lalong lumubog ang pagkasimangot ni Mark nang makita iyon. “Ano naman? Anong hindi importante! Hihilingin ko ba sayo na gawin ito kung kailangan ko ng ibang tao na gawin ito? Gamitin mo ang utak mo sa susunod. Lumabas ka!"Hindi ito ang unang beses
Pagkaraan ng ilang sandali, nag-ipon ng lakas ng loob si Davy na tulungan si Mark na ayusin ang kanyang opisina. Noon pa man ay ugali na ni Mark na maglinis ng sarili niyang opisina para malaman niya kung saan niya iniwan ang kanyang mga gamit. Kung ibang tao ang naglinis para sa kanya at nailagay sa ibang lugar ang kanyang mga gamit, paniguradong sasabog siya sa sobrang galit.Napakabigat ng paligid buong umaga. Ginawa ni Davy ang kanyang sariling gawain nang hindi nag-iingay. Mabuti na lang late na siyang pumasok, dahil kung hindi, lalo lang siyang mahihirapan.Biglang nagtanong sa kanya si Mark, “Nakarelasyon ka na ba?”Nagulat si Davy at hindi maka-react makalipas ang ilang sandali. “A-ano… ano?”Makikita ang pagka-seryoso sa mukha ni Mark. "Tinatanong ko kung nagkaroon ka na ng relasyon dati."Napalunok si Davy pagkatapos nito. “Ito ba ay… bahagi ng company assessment criteria? Kailangan ba talaga ng ganoong personal na tanong?"Nawalan ng pasensya si Mark. "Ito ay isang per
Bakas sa mukha ni Robin ang pagtataka. “Hindi ba umalis si Arianne kaninang umaga? Hindi mo ba alam ang tungkol dito?"Naramdaman ni Mark na parang empty ang kanyang puso. Kinagat niya ang kanyang mga labi at sinabing, “Alam ko na ngayon. Salamat Robin, aalis na ako."Aalis na sana siya nang bumulong si Robin, “Hindi naman siya bitter at malamig tulad ng sinabi ni Arianne. Hindi rin siya mukhang matanda... Okay naman ang ugali niya, sa totoo lang…”Narinig ni Mark ang bawat salita na sinabi ni Robin at nagkaroon siya ng mixed emotions. Ganoong klaseng tao ba siya sa paningin ni Arianne? Isang bitter at malamig na... matanda?Kasalukuyan sa Tremont estate, narinig niya sina Arianne at Smore na masayang naglalaro nang magkasama habang papasok siya sa bahay. Lumapit siya kay Arianne na may madilim na mukha at nagtanong, “Wala ka sa opisina kanina. Saan ka nanggaling?"Sagot ni Arianne nang hindi lumilingon sa kanya, “Anong problema? Kailangan ko bang mag-report sayo kung nasaan ako p