Tumango si Arianne bilang sagot at binuhat si Aristotle sa itaas.Huminga ng malalim si Mark at pinilit ang sarili na pigilan ang kanyang galit. Pagkatapos nito ay mabilis siyang umakyat sa itaas. "Galit ka ba?""Hindi maganda ang memory ng mga bata. Hindi siya aasta na parang pamilyar siya kay Janice kung hindi niya ito madalas makita. Ilang beses mo na bang iniwan si Smore kay Janice? Tingnan mo siya, napakagaling niya sa mga bata. Ako na ang nanay niya pero napahiya pa rin ako. Tinatanong ko na ang sarili ko sa mga paraan sa pagpapalaki ko ng anak."Sumasakit na ang ulo ni Mark habang naririnig niya ito. “Ilang beses ko lang siyang pinaalaga kay Smore. Matagal nang hindi pumupunta sa opisina ko si Smore, at alam mo naman ito. Panigurado na hindi niya talaga naaalala si Janice at nag-e-enjoy lang talaga siya. Wala namang ibig sabihin sabihin kung ang sanggol ay nagsasaya at nakikipaglaro sa kanya, hindi ba? Nag-suggest na ako sayo na tanggalin siya pero ayaw mo naman. Anong dapat
Minahal niya ito dahil siguro siya ay isang simpleng Arianne Wynn. Gayunpaman, ang mga lalaki ay visually-stimulated beings. Ito ang kanilang nature. Kahit sino ay mapapagod sa isang unti-unting nalulumaan at kumukupas na babae.Bakit nga ba niya isinilang si Aristotle? Talagang pinag-iisipan niya ang katanungan na ito. Dahil ba ito ang huling pagkakataon niya na maging isang ina? O... dahil ba sa mahal niya si Mark?Tinitigan niya si Aristotle sa kanyang mga bisig at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. Malapit na siyang maging one year old, pero may lakas ng loob pa rin si Mark na sabihing pinilit niya ito na gawin si Aristotle, sa harap mismo ng sanggol. Naramdaman ni Arianne na parang ayaw talaga ni Mark na ipanganak ang batang ito noong una pa lamang. Talagang nakakadismaya.Puno ng kalungkutan ang puso ni Arianne sa sandaling iyon. Gusto niyang lumaban ngunit namutla siya at napagod pagkatapos niyang magalit nang matindi. Naisip niyang sapat ang pagmamahal na ibinigay niya sa
Umiling si Arianne. “Wala itong kinalaman sayo. Darating talaga ang oras na mag-aaway kami sa ilang bagay. Hindi ako gutom kaya hindi ako kakain. Tulog pa rin si Smore. Salamat sa pag-aalaga sa kanya sa maghapon. Susubukan kong umuwi ng maaga kapag tapos na ako sa opisina. Mula ngayon, ipadala sa akin ang bill para sa lahat ng expenses ni Smore. Wag mong tanungin si Mark. Ayokong gumastos siya ng kahit isang sentimo ng pera niya. Ganoon din kay Smore.”Nakanganga si Mary at hindi siya makapagsalita. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng ganitong away. Hindi siya sigurado kung paano papayuhan si Arianne para sa problemang ito.Gulong-gulo pa rin ang isip ni Arianne nang makarating siya sa opisina. Sa bawat pagpikit niya, naaalala niya ang lahat ng sinabi ni Mark kagabi. Gusto niya lang naman aliwin ang kanyang sarili. Normal lang naman para sa mga tao na magsalita ng masasakit na bagay sa init ng sandali, pero hindi ba nanatili siyang tahimik kagabi? Kaya niyang kontrolin ang
Ipinakita ni Davy ang isang ngiti na mukhang mas masahol pa sa isang umiiyak na mukha. “Nakatanggap ako ng family call noong nag-overtime ako kahapon. Nagkaroon ako ng last-minute emergency. Sinabihan ko ang direktor na ipadala ang urgent document na iyon sayo, pero hindi hawak ng director ang iyong address. Ibibigay ko na sana sa kanya nang lumapit si Janice at sinabing alam niya ang address mo, kaya nag-volunteer siya na asikasuhin ito. Nakita ng direktor na malapit nang matapos ang araw ng trabaho at ayaw niyang patagalin ang dagdag na problema, kaya ibinigay niya ang trabaho sa kanya. Naisip ko na dahil magkakatrabaho tayong lahat at kailangang mapabilis ang dokumentong iyon, hindi talaga mahalaga kung sino ang nagpadala nito... Kaya…”Lalong lumubog ang pagkasimangot ni Mark nang makita iyon. “Ano naman? Anong hindi importante! Hihilingin ko ba sayo na gawin ito kung kailangan ko ng ibang tao na gawin ito? Gamitin mo ang utak mo sa susunod. Lumabas ka!"Hindi ito ang unang beses
Pagkaraan ng ilang sandali, nag-ipon ng lakas ng loob si Davy na tulungan si Mark na ayusin ang kanyang opisina. Noon pa man ay ugali na ni Mark na maglinis ng sarili niyang opisina para malaman niya kung saan niya iniwan ang kanyang mga gamit. Kung ibang tao ang naglinis para sa kanya at nailagay sa ibang lugar ang kanyang mga gamit, paniguradong sasabog siya sa sobrang galit.Napakabigat ng paligid buong umaga. Ginawa ni Davy ang kanyang sariling gawain nang hindi nag-iingay. Mabuti na lang late na siyang pumasok, dahil kung hindi, lalo lang siyang mahihirapan.Biglang nagtanong sa kanya si Mark, “Nakarelasyon ka na ba?”Nagulat si Davy at hindi maka-react makalipas ang ilang sandali. “A-ano… ano?”Makikita ang pagka-seryoso sa mukha ni Mark. "Tinatanong ko kung nagkaroon ka na ng relasyon dati."Napalunok si Davy pagkatapos nito. “Ito ba ay… bahagi ng company assessment criteria? Kailangan ba talaga ng ganoong personal na tanong?"Nawalan ng pasensya si Mark. "Ito ay isang per
Bakas sa mukha ni Robin ang pagtataka. “Hindi ba umalis si Arianne kaninang umaga? Hindi mo ba alam ang tungkol dito?"Naramdaman ni Mark na parang empty ang kanyang puso. Kinagat niya ang kanyang mga labi at sinabing, “Alam ko na ngayon. Salamat Robin, aalis na ako."Aalis na sana siya nang bumulong si Robin, “Hindi naman siya bitter at malamig tulad ng sinabi ni Arianne. Hindi rin siya mukhang matanda... Okay naman ang ugali niya, sa totoo lang…”Narinig ni Mark ang bawat salita na sinabi ni Robin at nagkaroon siya ng mixed emotions. Ganoong klaseng tao ba siya sa paningin ni Arianne? Isang bitter at malamig na... matanda?Kasalukuyan sa Tremont estate, narinig niya sina Arianne at Smore na masayang naglalaro nang magkasama habang papasok siya sa bahay. Lumapit siya kay Arianne na may madilim na mukha at nagtanong, “Wala ka sa opisina kanina. Saan ka nanggaling?"Sagot ni Arianne nang hindi lumilingon sa kanya, “Anong problema? Kailangan ko bang mag-report sayo kung nasaan ako p
Walang emosyon na sumagot si Arianne, “Hindi ako nakatira sa isip niya, kaya paano ko malalaman kung tulad siya ng sinasabi mo? Sa tingin ko, hindi lang siya makakain, kundi makakakain pa siya ng mas maraming portions. Kung hindi, saan siya kukuha ng lakas para makipagtalo sa akin?"Maya-maya pa, nagtanong ulit si Mary matapos makitang hindi pa bumabalik si Mark para kumain, “Arianne, tatawagin ko ba si Mark para bumaba siya at kumain?”Napaawang ang labi ni Arianne. “Hindi ba niya alam kung anong oras magiging handa ang dinner? Hindi ba importante sa kanya ang disiplina? Hindi ba magugutom kapag oras na para kumain? Anong silbi na tawagin siya kung ayaw niyang bumaba? Ito ang Tremont territory; may makakakontrol ba kung kumain o matulog siya?"Nagulat si Mary sa sinabi niya sa puntong hindi niya alam ang sasabihin niya at tahimik siyang umupo sa kanyang pwesto. Siya na ang nag-alaga kay Arianne mula pa noong bata pa siya ngunit unti-unting lumitaw ang init ng ulo ni Arianne, hangga
Umiwas ng tingin si Arianne at pumikit. Parang ipinahihiwatig niya gamit ang kilos na ito na kaya niyang gawin ang anumang gusto niya.Noong una ay wala sa mood si Arianne na gawin iyon. Gayunpaman, matapos siyang kulitin ng kaunti ni Mark, hindi na napigilan ng katawan niya ang bugso ng damdamin lalo na’t passionate ang mga move ni Mark sa kanya. Unti-unting nawala ang iniisip ni Arianne at nakaramdam na lamang siya ng kagalakan.Kinaumagahan, naalala ni Mark ang mga pangyayari kagabi at bigla siyang ngumisi. Binuhat pa niya si Smore at nakipaglaro bago lumabas ng bahay.Nakita niyang handa nang umalis si Arianne, kaya ipinasa ni Mark si Smore kay Mary at sinabi niya kay Arianne, “Tara na. Ihahatid na kita sa trabaho."Hindi nakatulog ng maayos si Arianne kagabi salamat kay Mark at tulala niyang sinabi, “Okay lang, magta-taxi na lang ako papuntang trabaho, para hindi ka na mag-abala.”Naisip ni Mary na galit pa rin si Arianne kay Mark kaya pinindot niya ang siko ni Arianne. Napat