“Hoy, ikaw!” Tinawag ng namumunong babae si Darryl at nagtanong ng, “Sino ka?”Nakilala ang babaeng ito sa pangalang Lillian Willis na siyang naging lider ng Blood Thorn Mercenary Team. At mula noong magsimula ang peace treaty sa pagitan ng Raksasa at Nine Mainlands na nagpabalik ng lahat sa normal, walang tigil na nagcooperate sa isa’t isa ang siyam na mga kontinente na nagpaunlad sa buong Nine Mainlands. Kasabay ng mabilis na pagunlad ng mga ito ang pagkakaroon nila ng interes sa malawak at underdeveloped na Wild Deserted Secret Region. Siguradong hindi maaaring pamuhayan ang kundisyon ng kapaligiran sa Wild Deserted Secret Region na nakapagpahirap sa kahit na sinong umapak dito. Kahit na nagawang mabuhay dito ng Raksasa sa kabila ng matindi nitong kapaligiran, mas naging desperado pa rin ang mga ito na tumawid sa Chaotic Mountain Range at bumalik sa Nine Mainlands. Sapat na ang bagay na ito para malaman ng kahit na sino kung gaano kahirap ang buhay sa lugar na iyon.Habang nagigin
“Huwag kang magalala dahil wala ka nang gagawin kundi ituro sa amin ang tamang daan. Sisiguruhin kong makakatanggap ka ng sapat na kumisyon sa sandaling matapos tayo sa panghuhuli ng mga Black Sand Pythons,” nagmamadaling idinagdag ni Lillian noong mapansin nito ang pagdadalawang isip ni Darryl.At noong makita niya ang sincerity sa mukha ni Lillian, hindi na nakatanggi pa si Darryl kaya kaagad itong tumango at sumagot ng, “Okay!”“Pinuno!” Sigaw ni Otis. “Mahahalata namang walang magiging pakinabang ang lalaking ito, kaya paano niya magagawang ituro ang tamang daan sa atin? Siguradong tatakbo kaagad ang isang ito kahit na hinid pa nagpapakita ang mga Black Sand Python na ating huhulihin.”“Oo nga, tingnan mo na lang ang kaniyang suot. Ano bang klase ng tulong ang maibibigay niya sa atin?”“Mas mabuti kung maglalakbay na lang tayo rito nang hindi siya kasama.” Sabi ng iba nilang mga kasama habang sumasangayon na tumatango sa sinasabi ng isa’t isa.Napasimangot naman si Lillian nan
Noong una ay pinigilan ni Lillian ang kagustuhan niyang umatake pero hindi na napigilan ng katabi niyang si Otis ang sarili nito.“Kitang kita naman na walang alam ang isang ito, Pinuno. Bakit ka ba nakikinig sa kaniya?” Sigaw ni Otis bago sumugod gamit ang hawak niyang espada. Nagtinginan naman ang ibang mga miyembro ng grupo bago sundan ang kanilang kasama. Ang mga Black Sand Python ay nasa upper middle class ng mga mahiwagang halimaw kaya kayamanan ang tingin ng mga cultivator sa tinatanglay na inner core ng mga ito na naging popular sa mga black market. Naglakbay nang malayo ang grupong ito para manghuli ng mga Black Sand Pyhton nang makakita sila ng isa sa mga ito, kaya paano nila magagawang palampasin ang pagkakataong ito?“Mga mangmang,” Mura ni Darryl sa kaniyang sarili bago sumigaw kay Lillian ng, “Utusan mo ang mga tauhan mong maging alerto sa paligid. Mahilig makisalamuha sa kanilang mga kauri ang mga Black Sand Python kaya imposibleng makakita tayo ng python na naglalakba
Ibinigay ni Lillian ang inner core kay Darryl habang nagsasalita at kinuha ito ni Darryl nang walang pagaalinlangan. Wala namang masyadong halaga ang inner core ng Black Sand Python para sa kaniya pero tinanggap niya pa rin ito para maiwasan ang pagsususpetsa ng kaniyang mga kasama pagkatapos niyang sumama sa mga ito para manghuli. Tumututol pa rin sa mga sandaling ito sina Otis pero hindi na sila nagasalita pa ng kahit na ano.“Darren!” Dito na tumingin si Lillian malayong bahagi ng lugar na nababalot ng nakalalasong hamog habang nagtatanong ng, “Mayroon pa bang mga pugad ng Black Sand Pyhton dito? Maaari mo ba kaming dalhin sa kanila?” Masyado pang malayo ang bilang ng mga Black Sand Pyhton sa bilang na gustong mahuli ni Lillian sa pagkakataong ito.“Ano?” Natuwa na lang ang napapatigil na si Darryl sa ipinakitang pagpapadalos dalos ni Lillian habang iniisip sa kaniyang sarili na, “Hindi talaga natatakot mamatay ang mga taong ito. Habang palapit kami nang palapit sa gitna ay mas pa
Mabilis na tumalikod si Lillian at ang kaniyang mga kasama nang makita nila ang pagbabago sa itsura ni Darryl, at kaagad na nanginig sa kanilang nakita. Isa pang team ng mga explorer na binubuo ng 15 na kalalakihan ang lumapit sa kanila nang walang pagaalinlangan. Naging malakas ang bawat isa sa mga ito na kung saan nasa level five Martial Saint ang pinakamahina nilang miyembro habang nasa Level two Martial King naman ang pinakamalakas na miyembro ng grupong ito. Nakasuot ang mga lalaki ng full body armor at mga gas helmet na mas naging advanced kaysa sa mga suot na helmet nina Lillian at ng kaniyang mga kasama.“Tut-tut.” Kasalukuyan nang magkaharap sa mga sandaling ito ang dalawang grupo, tiningnan nang maigi ng kalbong lider ng kabilang grupo si Otis at ang mga kasama nito bago titigan nang husto si Lillian. Kaagad na nahumaling ang kaniyang mga kasama at maging ang lider ng grupo nang makita nila si Lillian. Kasalukuyan pang basa ng pawis ang noo ni Lillian matapos ng naging laban
Agad na napatingin sina Earle at ang kaniyang mga tauhan kay Darryl. Mabilis na naglakad si Earle palapit kay Darryl para tingnan ito nang paulit ulit bago magtanong ng, “Alam mo kung saan matatagpuan ang mga Black Sand Python?”“Mukhang matagal tagal na rito ang batang ito kung titingnan ang damit niyang gawa sa balat ng hayop at ang mgapeklat sa kaniyang mukha,” Isip ni Earle.Nagisip si Darryl ng isang sandali bago nakangiting sabihin na. “Oo.” Maaari nga na masyadong malakas si Earle at ang kaniyang mga kasama para sa mata ng iba, pero sa totoo lang ay hindi ito naging banta para kay Darryl, pero kinakailangan niya pa ring sumakay sa mga ito kung ayaw niyang makilala siya ng iba.“Magaling!” Dito an napangiti ang mukha ni Earle bago nanlalamig na sabihing, “Dalhin mo kami roon.” At pagkatapos ay agad siyang tumingin kay Lillian para sabihing, “Halika rito, ganda. Huwag na huwag kang tatanggi sa akin. Maiksi lang ang pasensya ko kaya kung ako sa iyo ay susunod na ako kung ayaw mo
Hindi naman itinago ni Lillian ang pagkainis sa kaniyang mga mata habang nagsasalita. Sinadya nitong ilayo ang kaniyang sarili sa katabi niyang si Darryl habang tumitindi ang pandidiri na kaniyang nararamdaman dito. Pero sa kasamaang palad ay nalanghap niya ang hamog habang lumalayo kay Darryl.“Buwisit!” Napamura na lang sa kaniyang loob si Darryl matapos mapuno sa pagmamatigas ni Lillian. Gusto lang naman niyang protektahan ni Lillian sa hamog kaya niya ito pinayayakap sa loob ng kaniyang barrier, pero malinaw pa rin nitong ipinakita na hindi niya ito naaappreciate.“Hayop kang bata ka!” Nakabalik na rin sa realidad ang isipan ni Earle at ng kaniyang mga kasama matapos nitong makita ang napakagandang tanawin sa kanilang harapan, galit na sumigaw ang mga ito kay Darryl ng, “Nasaan na ang mga Black Sand Pythons?”“Hindi mo naman siguro kami lolokohin, hindi ba?”“Halata naman na walang kahit na isang pugad ng Black Sand Python dito hindi ba.” Dito na dahan dahang pinaligiran ng mga
Habang naooverwhelm sa dami ng mga tanong sa kaniyang isipan, nagtanong na rin si Lillian, “Kung ganoon ay mayroon ka bang gamot para rito?” Nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang noo. Nagsisimula na siyang mahilo sa mga sandaling ito at habang mas parami nang parami ang kaniyang nalalanghap ay mas pahina nang pahina ang kaniyang pakiramdam.“Ako—” Sasagutin na sana siya ni Darryl sa pamamagitan ng pagsasabi na mayroon siyang gamot para rito pero hindi pa niya natatapos ang kaniyang sinasabi nang bigla siyang mabulaga sa nagpapanic na si Lilliang yumakap sa kaniyang mga bisig.“Namiss kita, Papa. Namiss po talaga kita,” Sabi ng nagpapanic na si Lillian kahit na nakatulala ang akniyang mga mata.Nagulat si Darryl sa ginawang ito ni Lillian pero kaagad siyang nagising sa katotohanan at Tama nga si Darryl. Hindi naging maganda ang nakaraan ni Lillian. Napilitan siyang umalis sa kaniyang tirahan nang dahil sa digmaang nagalang ilang libong taon na walang kinahinatnan kasama ng ka