Hindi siya sigurado kung ilang oras na ang lumipas, pero medyo nagpalabas ng hininga si Donoghue at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya.Ngumiti siya. Sobrang saya niya dahil nalaman na niya ang kahinaan ng Rama.Si Donoghue ay ipinanganak na matalino at genius sa cultivation. Nalaman niya ang loophole sa cultivation method ng Buddhist Sect sa loob ng ilang oras lang. Paanong hindni siya magiging masaya kung malapit na siya makaganti?Hmm!Nagising ang Rama mula sa ingay. Narealize niya na hindi nagpapahinga si Donoghue, kaya nagulat siya. “Anong meron? Bakit ka nakangiti?”‘F*ck! Sobrang saya niya!’Tumigil si Donoghue sa pag ngiti at maingat na sumagot, “Master, nagkoconcentrate kasi ako sa cultivation method nung may naintindihan ako. Hindi ko mapigilang hindi matuwa.”Masaya si Rama sa narinig niya. Tumango siya at pinuri si Donoghue, “Mabuti na may good understanding ka. Nakakasiguro ako na may makakamit ka kapag mas pinagtuunan mo pa ng pansin ang Buddhism.”Naghum si
Hindi naman nagreply si Donoghue. Tumitig siya sa likuran ni Rama habang nagpapatuloy sa pagbabago ang kaniyang itsura. Dito na siya napasigaw sa sobrang gulat. “Master, tingnan mo! Hindi ba’t isa iyong tagaRaksasa?”Nagsisinungaling lang siya sa mga sandaling ito. Wala nang kahit na sinong tao ang makikita rito maliban sa kanila, sinadya niya ito para idistract ang kaniyang master na si Rama.Pero agad pa ring napatingin dito ang nalilitong si Rama.“Ito ang perpektong lugar para patayin siya. Mamatay ka nang hayop na monghe ka!” Sigaw ni Donoghue. Agad na bumagsik ang kaniyang itsura sa loob ng isang iglap habang pinapatigas ang kaniyang palad na lumilipad papunta sa sentro ng likuran ni Rama.Walang duda na nalaman ni Donoghue na nasa likuran ang kahinaan ni Rama pagkatapos nitong magconcentrate sa pamamaraan ng mga Buddhist sa pagpapalakas ng ilang oras.“Vikara, ikaw…”Agad na nagulat at nagalit sir ama nang maramdaman niya ang malakas na puwersa sa kaniyang likuran. Hindi n
Nagsagupaan sa gitna ng ere sina Donoghue at Rama na nagresulta sa isang malakas na pagdagundong bago mapaatras ang dalawa palayo sa isa’t isa.Nagalit nang husto si Donoghue sa mga sandaling ito. Nagulat siya nang makita niyang maglabas si Rama ng ganoong klaseng lakas matapos niya itong sugatan nang malubha. Agad na nagdilim ang kaniyang paningin habang mas tumitindi ang kaniyang determinasyon na talunin at patayin si Rama.“Dapat ka nang mamatay ngayong araw, hindi ka na maililigtas maging ng mga diyos mo!” Nanlalamig na sigaw ni Donoghue habang muling sumusugod kay Rama gamit ang kaniyang Sky Breaking Axe.Dito na ginamit ni Rama ang pamamaraan ng mga Buddhist sa pagpapalakas bilang sagot sa ginawang pagatake ni Donoghue, agad na nagsagupaan ang dalawa sa gitna ng ere.…Samantala, sa isang parang walang katapusang bangin na may ilang libong metrong layo mula sa isang mabatong bahagi ng Chaotic Mountain Range sa border ng Wild Deserted Secret Region.Daan daang mga miyembro n
Narinig naman ng tumatayong hari ng Raksasa ang boses ni Amastan.Dito na gumawa ang hari ng isang magaan at emosyonal na ngiti noong makita niya ang kaniyang anak. “Haha! May awa ang diyos!”Dito na siya tumingin kay Amastan at magtanong ng, “Bakit magisa ka lang dito? Nasaan na ang kapatid mong si Alaric?”Kahit na nagkaroon ng matinding lakas ang pangalawa niyang anak na si Amastan, masyado pa rin itong impulsive kaya mas pumapabor pa rin siya sa panganay niyang si Alaric sa tuwing paguusapan ang pagmamana ng kaniyang trono.Hindi natuwa si Amastan noong itanong ng kaniyang ama ang tungkol sa kaniyang kapatid noong una niya itong makita. Dito na siya nakaramdam ng pagkainis.Inisip niya kung saan ba siya naging inferior kay Alaric. Bakit hindi na naalis sa isip ng kaniyang ama na si Alaric ang susunod na magiging hari ng Raksasa?Pinigilan niya ang galit na kaniyang nararamdaman at sinubukang magpakita ng isang naiinis na itsura habang sinasabi na. “Ama, si Alaric… mayroon pon
Ginamit ni Amastan ang kaniyang internal energy at lumutang sa gitna ng ere habang paisa isang sinasabi na, “Huwag mo akong sasabihan nang walang utang na loob kung hindi mo naman ako itinuring bilang tunay mong anak kahit na kailan.”Hinawakan niya nang maigi ang bolo niyang gawa sa bato at isinway ito nang malakas.*Wham!*Agad na hinwa at pinaghiwalay ng hawak nitong bolo ang buong platform. Dito na bumagsak ang napakaraming debris sa lavang dumadaloy sa ilalim ng dalawa na nagiwan lamang ng isang maliit na area kung saan nagawang umupo ng tumatayong hari ng Raksasa.Malakas na dumura nang dugo ang hari ng Raksasa sa sobrang galit.“Hindi kita papatayin dahil ama pa rin kita. Bahala ka nang iligtas ang sarili mo rito,” Walang pakialam na sinabi ni Amastan bago tumalikod at mabilis na maglakad paakyat sa mga batong pader dala ang bolo niyang gawa sa buto.Sa totoo lang ay nagkaroon ito ng pakiramdam na para bang gusto na niyang patayin ang hari ng Raksasa noong mga sandaling i
“Ano?”“Humingi ng tulong ang traydor na si Vikara sa tribo ng Raksasa para labanan ako?”Agad na nagbago ang itsura ni Rama noong marinig niya ang mga sigaw ni Donoghue. Nagulat at nagagalit itong sumigaw ng, “Isa kang traydor, Vikara! Paano mo nagawang humingi ng tulong sa tribo ng Raksasa para patayin ang iyong master!”Inisip ni Rama noong una na inatake siya ni Donoghue nang dahil sa pagputol niya sa pagkalalaki nito. Pero naniniwala rin siya na mayroon pa rin itong konsensya dahil isa pa rin siyang makatarungang tao. Hindi niya inasahan na nakabaon pala sa puso at buto ni Donoghue ang kasamaan na kaniyang tinatanglay.“Manahimik ka!”Kaagad na umikot ang mukha ni Donoghue habang sumisigaw ng, “Huwag mo akong tawagin na Vikara! Hindi kita nakita bilang aking master kailanman at hinding hindi ako tatahak sa landas ng budismo habangbuhay! Wala rin akong pakialam sa walang kuwentang Dharma name ko! At huwag na huwag mo ring ako ituturing bilang iyong disipulo dahil hindi kita ma
“Masyadong malakas ang mongheng ito ah?! Sa loob ng isang iglap ay nagawa niyang makapatay ng ilang dosenang mga mandirigma ng Wild Wolves Clan. Mukhang kinakailangan ko nang makipaglaban nang direkta sa isang ito,” Isip ni Amastan.Bang!Sumabog ang kaniyang katawan habang lumilipad si Amastan papunta kay Rama.Agad na nagbago ang itsura ni Rama nang makita niya ang pagatake ni Amastan, lalo na noong maramdaman nito ang napakatinding lakas ng binate. Agad na nagmukhang dismayado ang mukha ng nagpupumiglas na si Rama.Agad na napunta kay Donoghue ang advantage sa labang ito noong sumali na rin si Amastan. Hindi nagtagal ay wala nang nagawa si Rama kundi depensahan ang kaniyang sarili at huwag hayaan ang mga ito na atakihin siya. Pero naging determinado si Rama kaya hinding hindi siya susuko nang basta basta sa mga ito. Nagpatuloy siya sa pagngingit ngit ng kaniyang ngipin habang dumedepensa gamit ang buo niyang makakaya.Kasalukuyan nang nagiging malinaw ang lahat sa kaniyang puso
Nang makita niya ito, tumawa di Donoghue habang nakatingala siya sa kalangitan. “Nakapaghiganti na rin ako sa wakas! Wala na ngayon si Rama, susunod ka na sa kaniya, Darryl.”Natuwa at nasabik nang husto si Donoghue sa kaniyang nakita. Dito na siya tumalikod para yumuko nang may magkadikit na kamao sa harapan ni Amastan. “Maraming salamat sa iyong tulong! Paalam!”At pagkatapos ay agad itong lumundag sa kalangitan at umalis. Mabilis na nawala ang imahe nito sa paningin ng lahat.Agad na kumunot ang noo ng mga miyembro ng Wild Wolves Clan noong makita nila itong umalis, dito na nagsimulang mainis ng ilan sa kanila.“Napakabastos ng isang ito ah? Nagawa siyang tulungan ng kagalang galang na anak pero agad pa rin itong umalis pagkatapos magpasalamat gamit ang isang simpleng salita?!” Isip ng mga ito.“Dapat na po ba nating habulin ang isang ito, Kagalang galang na anak?” Tanong ng tumatayong pinuno sa Wild Wolves Clan kay Amastan.Tumingin nang husto si Amastan sa direksyong tinahak