Kabanata 2420
“Ano?”

“Humingi ng tulong ang traydor na si Vikara sa tribo ng Raksasa para labanan ako?”

Agad na nagbago ang itsura ni Rama noong marinig niya ang mga sigaw ni Donoghue. Nagulat at nagagalit itong sumigaw ng, “Isa kang traydor, Vikara! Paano mo nagawang humingi ng tulong sa tribo ng Raksasa para patayin ang iyong master!”

Inisip ni Rama noong una na inatake siya ni Donoghue nang dahil sa pagputol niya sa pagkalalaki nito. Pero naniniwala rin siya na mayroon pa rin itong konsensya dahil isa pa rin siyang makatarungang tao. Hindi niya inasahan na nakabaon pala sa puso at buto ni Donoghue ang kasamaan na kaniyang tinatanglay.

“Manahimik ka!”

Kaagad na umikot ang mukha ni Donoghue habang sumisigaw ng, “Huwag mo akong tawagin na Vikara! Hindi kita nakita bilang aking master kailanman at hinding hindi ako tatahak sa landas ng budismo habangbuhay! Wala rin akong pakialam sa walang kuwentang Dharma name ko! At huwag na huwag mo ring ako ituturing bilang iyong disipulo dahil hindi kita ma
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP