“Ok lang iyan, ok lang iyan!” Buong pasensya naman siyang pinatahan ni Amastan, “Paano ka nila nagawang pakawalan, Natalie? At ano rin ang bagay na gusto mo sanang sabihin kay Kuya Alaric kanina?”Agad na pinunasan ni Natalie ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Namumula pa ang kaniyang ma mata noong tumingin siya sa paligid at sabihing, “Magusap tayo sa loob ng tent, Kuya Amastan.”Nanguna si Natalie papunta sa main tent. Matapos makakuha ni Darryl ng suporta mula sa isang dragon, hindi maaaring marinig ang kaniyang pangalan ng kahit na sinong miyembro ng Raksasa para maiwasan ang anumang takot na maaaring kumalat sa tribo.Kaagad na kumunot ang noo ni Amastan habang sinusundan si Natalie. Nang makapasok sila sa tent, huminga nang malalim ang nagmumukhang seryoso na si Natalie habang sinasabi na, “Mayroon ka bang kilala na mga dragon sa Nine Mainlands, Kuya Amastan?”Kaagad na natigilan si Amastan nang marinig niya ang mga sinabi ni Natalie.Agad na ibinahagi ni Natalie an
“Ano ang nangyayari, Darryl?” Tanong ni Chester. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Donoghue na mukhang wasak sa mga sandaling ito.Hay!Huminga nang malalim si Darryl habang nagluluksang sinasabi na, “Pinatay ng Raksasa si Master Rama.”Agad na nabalot ng galit ang buong kampo noong marinig nila iyon.“Ano! Master Rama…”“Buwisit, hayop na Raksasa ito.”“Isang napakabait na tao ni Master Rama kaya paano nagawa ng Raksasa na mawalan nang awa sa kaniya.”Kaagad na nagalit ang lahat sa buong kampo maliban kay Zhang Jue na kasalukuyang nakatayo sa isang sulok. Nagmukha itong kalmado habang hindi nagpapakita ng kahit na anong emosyon.Habang bumubulong ang lahat, tumayo roon si Darryl habang mas sumasama ang itsura ng kaniyang mukha.“Hindi ito tama. Pinakawalan ko si Natalie at ipinangako niya sa akin na sasabihin niya sa dalawa niyang mga kapatid na makipagkasundo sa Nine Mainlands. Kaya paano pa rin ito nagawa ng Raksasa?” Isip I Darryl.Habang nakakaramdam ng pagtataka sa ka
Natigilan ang mukha ni Darryl habang sumisigaw ng, “Dalian ninyo, magpunta rito ang lahat ng sundalo at maghanda sa paparating na kalaban.”Nagmamadaling tumakbo palabas ng tent si Darryl na kaagad namang sinundan nina Chester.Nang makalabas, kaagad na nagtipon tipon ang hukbo ng Union Army na sumunod kay Darryl palabas ng kampo. Nagalit at nasurpresa ang lahat nang makita nila kung ano ang nasa kanilang harapan.Dito na naila nakita ang isang milyong mga sundalo ng Raksasa na nagmamartsa papunta sa kanila. Nakasuot ang pinuno ng mga ito ng isang kulay itim na damit na gawa sa balat ng hayop at isang soft armor habang hawak hawak ang isang mahabang blade sa kaniyang kamay. Naglabas din ang katawan nito ng isang napakalakas at pumapatay na aura. Ito ay walang iba kundi si Amastan.Makikita sa likuran ni Amastan si Natalie.Dito na biglang tumitig nang husto ang paningin ni Darryl kay Natalie habang sumisigaw ng, “Princess Natalie, bakit hindi mo tinupad ang usapan natin? Bakit hin
“Ipaghiganti si Master Rama. Depensahan ang Nine Mainlands! Mamatay na kayong lahat!” Nagsara nang husto ang mga kamao ni Chester nang makita niyang pinugot ang ulo ni Rama. Dito na siya nagliyab sa sobrang galit.Napakarami nang nagawa ni Master Rama para sa Nine Mainlands pero nagawa pa rin nitong mamatay nang ganito. Sino nga ba ang hindi magagalit sa kanilang nakita?“Mamatay na kayo!” Yumanig ang buong kalangitan sa sobrang lakas ng ginawang pagsiga ng napakalaking hukbo ng Nine Mainlands.Dito na sila sumugod na parang isang tidal wave sa mga kalaban. Namula ang kanilang mga mata habang hinahanda ang kanilang mga sarili na pumatay!Sumunod sa mga ito maging sina Yvette at Quincy, pareho ring namula ang kanilang mga mata.Tumawa naman nang malakas si Amastan habang tumitingala sa kalangitan noong makita niyang sumugod ang mga sundalo ng Nine Mainlands. Nagmukhang wala na sa sarili ang kaniyang mga mata habang sinasabi na. “Mga walang kuwentang talunan. Wawasakin ko na kayong
“Wild Wolves Clan, umatake na kayo ngayundin!” Dito na itinaas ni Amastan ang gawa sa buto niyang blade bago sumigaw nang malakas.Owooooo!Kaagad na narinig ng lahat ang alulong ng mga lobo na nagmula sa panig ng Raksasa. At pagkatapos ay agad na nakita ng lahat ang mga sundalong nakasakay sa likuran ng mga lobo na sumusugod papunta sa panig ng Nine Mainland. Pareparehong nakasuot ng itim na armor ang mga ito habang hawak hawak ang kumikinang nilang mga bolo at naglalabas ng isang nakakatakot na aura sa paligid.Kilala ang mga ito sa pangalang Wild Wolves Clan.Dito na natigilan ang karamihan sa mga sundalo ng Nine Mainlands. Hindi nila naiwasang matakot sa kanilang mga dibdib noong makita nila ang mga ito. Nakita nila na mayroong nasa 2 metrong taas ang mga lobong sinasakyan ng Wild Wolves Clan na doble sa pangkaraniwang laki ng mga lobo sa Nine Mainlands. Nagkaroon din ito ng mapulang mga mata at matatalim na pangil na nagbigay ng takot sa sinumang makakakita sa mga ito.Naging
“Opo, Sect Master Darby!” Sagot ni Zhang Jue. Nagmukha itong mabait habang nagdadalawang isip sa mga sinabi ni Darryl.Hindi naman na nagsalita si Darryl habang tumitingin kay Donoghue at nagbubuntong hiningang sinabi na, “Natatakot ako, Young Master Vikara, kailangan mo akong samahan.”Naging mapagpakumbaba si Darryl nang sabihin niya ito. Ayon sa tradisyon ng Budismo, kinakailangan nilang gawin ang isang chanting ceremony matapos mamatay ni Master Rama. At bilang disipulo ni Rama, hindi maaaring umalis si Donoghue kung kailan niya gustuhin.“Sige!” Tango ng mukhang malungkot na si Donoghue habang nasasabik sa kaniyang loob.“Sa wakas ay napagdesisyunan na rin ni Darryl na magpunta sa Coral Island kasama ko. Dito na ako magkakaroon ng pagkakataong nakawin ang dragon ball mula sa kaniya,” Isip nito.Mayroon nang plano si Donoghue na hahanap siya ng isang pagkakataon para tambangan at nakawin kay Darryl ang hawak nitong dragon ball sa sandaling makaalis sila sa kampo ng Nine Mainla
Bilang isa sa mga babae ni Darryl, gusto siyang tulungan ni Stella na gumawa ng maganda para sa Nine Mainlands.Bago pa man makasagot si Darryl, mabilis nang tumayo si Donoghue para nakangiting saibhin na, “Hindi mo na kailangan pang sumama, Miss Scope. Nakapunta na ako sa Carol Island kaya alam ko na ang papunta roon. Sabagay, masyado na rin namang malakas si Sect Master Darby kaya siguradong magiging ok lang kami roon.”Tumango naman ang sumasangayon na si Darryl nang marinig niya ang mga sinabi ni Dongohue.Dito na tumingin si Darryl kay Stella para sabihing. “Tama si Young Master Vikara. Kaya mas maigi kung mananatili ka rito para lumaban sa tribo ng Raksasa.”“Sige kung ganoon.” Nadismaya nang kaunti si Stella habang itinatango ang kaniyang ulo.Hindi nakapansin ang lahat ng kakaiba sa mga sandaling ito. Pero tinitigan naman siya nang husto ni Yvette habang nakakunot ang maganda nitong noo.“Bakit maging si Stella ay ayaw niyang pasamahin sa lakad nila? Siguradong alam nito
Dito na biglang nagtinginan sina Darryl at Yvette.“Speaking of the devil,” Isip ni Darryl.Inayos ni Darryl ang kaniyang lalamunan bago ngumiti at sabihing, “Nandito ako. Young Master Vikara, pasok ka sa loob.”Dito na dahan dahang naglakad papasok si Donoghue.…Samantala, kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao sa labas ng kampong hawak ng Nine Mainlands. Makikita rito ang nasa 10,000 taong nakasuot ng magkakaparehong damit habang naglalabas ng malakas na aura ang kanilang mga katawan. Sila ay makikilala bilang mga pirate ng karagatan.Pinamunuan ang mga ito ng isang binata at dalawang mga dalaga.Ang lalaki ay nasa 18 hanggang 19 years old, nagmukha itong astig at matalino habang naglalabas ng matinding aura.Naging maganda at sexy naman ang dalawang mga dalaga na kasama ng binata. Naglabas ang mga ito ng isang aura nap uno ng kagandahan at pagkabata.Ang tatlo ay walang iba kundi sina Ambrose, Eira at Heather.Pagkatapos maglakbay ng libolibong kilometro sa karagatan, nakar