“Opo, Sect Master Darby!” Sagot ni Zhang Jue. Nagmukha itong mabait habang nagdadalawang isip sa mga sinabi ni Darryl.Hindi naman na nagsalita si Darryl habang tumitingin kay Donoghue at nagbubuntong hiningang sinabi na, “Natatakot ako, Young Master Vikara, kailangan mo akong samahan.”Naging mapagpakumbaba si Darryl nang sabihin niya ito. Ayon sa tradisyon ng Budismo, kinakailangan nilang gawin ang isang chanting ceremony matapos mamatay ni Master Rama. At bilang disipulo ni Rama, hindi maaaring umalis si Donoghue kung kailan niya gustuhin.“Sige!” Tango ng mukhang malungkot na si Donoghue habang nasasabik sa kaniyang loob.“Sa wakas ay napagdesisyunan na rin ni Darryl na magpunta sa Coral Island kasama ko. Dito na ako magkakaroon ng pagkakataong nakawin ang dragon ball mula sa kaniya,” Isip nito.Mayroon nang plano si Donoghue na hahanap siya ng isang pagkakataon para tambangan at nakawin kay Darryl ang hawak nitong dragon ball sa sandaling makaalis sila sa kampo ng Nine Mainla
Bilang isa sa mga babae ni Darryl, gusto siyang tulungan ni Stella na gumawa ng maganda para sa Nine Mainlands.Bago pa man makasagot si Darryl, mabilis nang tumayo si Donoghue para nakangiting saibhin na, “Hindi mo na kailangan pang sumama, Miss Scope. Nakapunta na ako sa Carol Island kaya alam ko na ang papunta roon. Sabagay, masyado na rin namang malakas si Sect Master Darby kaya siguradong magiging ok lang kami roon.”Tumango naman ang sumasangayon na si Darryl nang marinig niya ang mga sinabi ni Dongohue.Dito na tumingin si Darryl kay Stella para sabihing. “Tama si Young Master Vikara. Kaya mas maigi kung mananatili ka rito para lumaban sa tribo ng Raksasa.”“Sige kung ganoon.” Nadismaya nang kaunti si Stella habang itinatango ang kaniyang ulo.Hindi nakapansin ang lahat ng kakaiba sa mga sandaling ito. Pero tinitigan naman siya nang husto ni Yvette habang nakakunot ang maganda nitong noo.“Bakit maging si Stella ay ayaw niyang pasamahin sa lakad nila? Siguradong alam nito
Dito na biglang nagtinginan sina Darryl at Yvette.“Speaking of the devil,” Isip ni Darryl.Inayos ni Darryl ang kaniyang lalamunan bago ngumiti at sabihing, “Nandito ako. Young Master Vikara, pasok ka sa loob.”Dito na dahan dahang naglakad papasok si Donoghue.…Samantala, kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao sa labas ng kampong hawak ng Nine Mainlands. Makikita rito ang nasa 10,000 taong nakasuot ng magkakaparehong damit habang naglalabas ng malakas na aura ang kanilang mga katawan. Sila ay makikilala bilang mga pirate ng karagatan.Pinamunuan ang mga ito ng isang binata at dalawang mga dalaga.Ang lalaki ay nasa 18 hanggang 19 years old, nagmukha itong astig at matalino habang naglalabas ng matinding aura.Naging maganda at sexy naman ang dalawang mga dalaga na kasama ng binata. Naglabas ang mga ito ng isang aura nap uno ng kagandahan at pagkabata.Ang tatlo ay walang iba kundi sina Ambrose, Eira at Heather.Pagkatapos maglakbay ng libolibong kilometro sa karagatan, nakar
“Nasaan si Donoghue ngayon?” Tanong ng nagaalalang si Eira.Tumingin ang lahat sa isa’t isa bago sabihin ng isa sa mga nagpapatrolyang sundalo na, “Nakita ko pong pumasok sa tent ni Sect Master Darby si Master Vikara ngayon ngayon lang.”Nagulat ang lahat noong makita nila iyon. Dito na sila tumakbo nang mabilis papunta sa tent ni Darryl.Nagpanggap si Donoghue na disipulo ni Rama para makapaasok sa kampo, siguradong mayroon itong pinaplano na hindi maganda.Samantala, kapapasok pasok lang ni Donoghue sa tent ni Darryl at kaagad na nagulat noong makita niya si Yvette sa loob nito.“Mayroon ba kayong kailangan sa akin, Young Master, Vikara?” Tanong ni Darryl.Kaagad na inayos ni Donoghue ang kaniyang isip at ngumiti habang sinasbi na, “Wala naman, gusto ko lang makita kung tapos na kayo sa inyong paghahanda. At kung kailan tayo posibleng makaalis?”Inobserbahan ni Donoghue ang itsura ni Yvette habang sinasabi ang mga bagay na iyon.Samantala, inobserbahan din ni Yvette si Donogh
Kakakuha lang ni Donoghue ng dragon ball mula kay Darryl noong bigla niyang marinig ang mga sigaw mula sa labas. Dito na siya nagulat nang husto sa kaniyang narinig.“Ganito kabilis dumating ang binatang si Ambrose at ang kapatid niyang si Eira? Pero hawak ko na ngayon ang dragon ball kaya ano pa ang dapat kong alalahanin?” Isip ni Donoghue.Agad ding narinig nina Darryl at Yvette ang mga sigaw mula sa labas, dito na nagbago ang kanilang mga mukha.“Si Young Master Vikara at si Donoghue ay iisa? Paano ito naging posible?” Malinaw itong narinig ni Darryl. Ang boses na nasa labas ay nagmula sa anak niyang si Eira.Anak niya si Eira, isa itong matalino at mabait na anak, kaya sigurado si Darryl na hindi lang nito gawa gawa ang kaniyang mga sinasabi.Dito na nagbago ang kaniyang itsura habang direktang sinasabi kay Donoghue na, “Ikaw…”Nakita ni Donoghue ang pagsisimula ng pagdududa sa mukha ni Darryl kaya kaagad siyang umirap habang nagdedesisyong ipakita na sa mga ito ang tunay niy
“Siya nga iyon!” Nagalit dito nang husto si Darryl habang halos mahimatay na sa paglagablab ng galit sa kaniyang dibdib sa mga sandaling ito.Kaagad ding nagpakita ng galit sa kaniyang mukha si Yvette habang namumulang itinuturo si Donoghue. “Tao ka pa rin ba, Donoghue? Kinupkop ka ni Rama at ginawa niyang disipulo habang umaasa na magsisisi ka sa mga ginawa mong kasalanan. Pero nagawa mo pa ring magsinungaling sa iyong master at tumulong sa tribo ng Raksasa na atakihin siya. Hindi ka pa rin ba natatakot sa karma?!”“Karma?” Nagmukhang demonyo ang nakangising si Donoghue sa mga sandaling ito. “Hindi ako naniniwala sa karma. Ikaw ba Yvette? Bilang isang tinitingalang prinsesa ng New World, paano mo nagawang ibaba ang iyong sarili at maging isa sa mga babae ni Darryl. Siguradong hindi rin maganda ang kahahantungan mo!”Dumating na sina Eira, Chester, Dax at iba pa nilang mga kasama habang naguusap ang tatlo. Natigilan ang lahat nang makita nila ang nangyari. Kasalukuyang hawak ni Yvet
Wosh! Wosh! Wosh! Agad na ring lumundag sa ere sina Chester, Quincy at Ambrose para sugurin si Donoghue!Itinuturing ang mga ito bilang mga nangungunang mandirigma sa Nine Mainlands at ang bawat isa sa mga ito ay nakilala at gumulat sa mundo. Habang nagsasanib puwersa ang lahat, isang nakakatakot na aura ang mabilis na bumalot sa kalangitan.“Ha-ha! Gusto mo akong patayin? Sige lang!” Nagmukhang wala sa sarili si Donoghue nang makita niya si Dax at ang mga kasama nitong umaatake sa kaniya. Hinawakan niya nang maigi ang Sky Breaking Axe habang pumapatay na nagliliwanag ang kaniyang mga mata.Noong una ay pinlano lang ni Donoghue na umalis. Pero bigla niyang naalala ang ginawa niyang kahihiyan noong magpanggap siyang si Vikara para makapasok sa kampo ng Nine Mainlands, dito na biglang kumulo ang kaniyang dugo, hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili.“Wala na akong dapat pang alalahanin ngayong nasa mga kamay ko na ang dragon ball na hawak ni Darryl. Bakit hindi ko na lang g
Hay!Kasalukuyang pinagpawisan ang lahat ng mula sa Nine Mainlands nang dahil kay Megan at sa anim na mga diwata.Masyado nang malakas ang anim na mga diwata at si Megan pero wala pa rin silang naging panama sa isang malakas na mandirigmang katulad ni Donoghue. Sabagay, gamit pa rin nitoa ng kaniyang Sky Breaking Axe.Pero hindi pa rin nagpanic dito ang anim na mga diwata at si Megan. Kaagad nilang nakita ang pagabante ni Cindy bago ito nanlalamig na magsabi ng, “Pumunta na kayo sa inyong mga puwesto.”Kaagad na gumalaw sina Irene, Megan at iba pa noong marinig nila ito. Kasalukuyan silang lumulutang sa gitna ng ere na nakapagpaconfuse sa lahat at sa loob ng isang iglap ay nagawa ng mga itong mapaligiran si Donoghue.“Ethereal Seven Fairies Formation?” Dito na nagulat nang husto ang nagoobserba sa lupang si Darryl.Nagawa niyang makita ang pagkakaisa at hindi mapapantayang teamwork ng anim na mga diwata kasama ang dati nilang kalaban na si Megan. Nalito ang lahat sa paggalaw na g