“Siya nga iyon!” Nagalit dito nang husto si Darryl habang halos mahimatay na sa paglagablab ng galit sa kaniyang dibdib sa mga sandaling ito.Kaagad ding nagpakita ng galit sa kaniyang mukha si Yvette habang namumulang itinuturo si Donoghue. “Tao ka pa rin ba, Donoghue? Kinupkop ka ni Rama at ginawa niyang disipulo habang umaasa na magsisisi ka sa mga ginawa mong kasalanan. Pero nagawa mo pa ring magsinungaling sa iyong master at tumulong sa tribo ng Raksasa na atakihin siya. Hindi ka pa rin ba natatakot sa karma?!”“Karma?” Nagmukhang demonyo ang nakangising si Donoghue sa mga sandaling ito. “Hindi ako naniniwala sa karma. Ikaw ba Yvette? Bilang isang tinitingalang prinsesa ng New World, paano mo nagawang ibaba ang iyong sarili at maging isa sa mga babae ni Darryl. Siguradong hindi rin maganda ang kahahantungan mo!”Dumating na sina Eira, Chester, Dax at iba pa nilang mga kasama habang naguusap ang tatlo. Natigilan ang lahat nang makita nila ang nangyari. Kasalukuyang hawak ni Yvet
Wosh! Wosh! Wosh! Agad na ring lumundag sa ere sina Chester, Quincy at Ambrose para sugurin si Donoghue!Itinuturing ang mga ito bilang mga nangungunang mandirigma sa Nine Mainlands at ang bawat isa sa mga ito ay nakilala at gumulat sa mundo. Habang nagsasanib puwersa ang lahat, isang nakakatakot na aura ang mabilis na bumalot sa kalangitan.“Ha-ha! Gusto mo akong patayin? Sige lang!” Nagmukhang wala sa sarili si Donoghue nang makita niya si Dax at ang mga kasama nitong umaatake sa kaniya. Hinawakan niya nang maigi ang Sky Breaking Axe habang pumapatay na nagliliwanag ang kaniyang mga mata.Noong una ay pinlano lang ni Donoghue na umalis. Pero bigla niyang naalala ang ginawa niyang kahihiyan noong magpanggap siyang si Vikara para makapasok sa kampo ng Nine Mainlands, dito na biglang kumulo ang kaniyang dugo, hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili.“Wala na akong dapat pang alalahanin ngayong nasa mga kamay ko na ang dragon ball na hawak ni Darryl. Bakit hindi ko na lang g
Hay!Kasalukuyang pinagpawisan ang lahat ng mula sa Nine Mainlands nang dahil kay Megan at sa anim na mga diwata.Masyado nang malakas ang anim na mga diwata at si Megan pero wala pa rin silang naging panama sa isang malakas na mandirigmang katulad ni Donoghue. Sabagay, gamit pa rin nitoa ng kaniyang Sky Breaking Axe.Pero hindi pa rin nagpanic dito ang anim na mga diwata at si Megan. Kaagad nilang nakita ang pagabante ni Cindy bago ito nanlalamig na magsabi ng, “Pumunta na kayo sa inyong mga puwesto.”Kaagad na gumalaw sina Irene, Megan at iba pa noong marinig nila ito. Kasalukuyan silang lumulutang sa gitna ng ere na nakapagpaconfuse sa lahat at sa loob ng isang iglap ay nagawa ng mga itong mapaligiran si Donoghue.“Ethereal Seven Fairies Formation?” Dito na nagulat nang husto ang nagoobserba sa lupang si Darryl.Nagawa niyang makita ang pagkakaisa at hindi mapapantayang teamwork ng anim na mga diwata kasama ang dati nilang kalaban na si Megan. Nalito ang lahat sa paggalaw na g
”Swerte ka at hindi kita pinatay ngayong araw, Darryl. Hindi ka magiging ganito ka swerte sa susunod.” Sumigaw si Donoghue. Ginamit nito ang pagkakataon para tumalikod at lumipad palayo.Sa isang kisapmata ay ilang metrong layo na ang nilipad nito.Hindi maganda ang hitsura ni Darryl nang makita niya si Donoghue na nakawala kahit na napapalibutan ito ng lahat.“Hulihin niyo siya!” Hindi nagdalawang isip si Dax na sumigaw at namuno ito sa paghabol kay Donoghue.Sinundan itong maigi ng lahat.Nasa kaniya ang kayamanang kahon ng Sea Mackie Clan at ang dragon ball ni Darryl. Hindi nila ito maaaring hayaang matakas.Tumatakbo habang lumilingon sa likod si Donoghue. Galit na galit ito nang makita niya ang humahabol na si Dax.‘Hindi talaga sumusuko ang mga panggulong ito!’ Naisip ng lalaki.Balik sa Raksasa Tribe base camp, nakaupo si Amastan habang madilim ang tingin sa kaniyang mukha. Mukha ring nabigo si Natalie at ang iba pang Raksasa warriors.‘Hay*p!’ Hinampas ng galit na si A
Di nagtagal ay nagtipon ang ilang daang Fierce Tiger Clan warriors. Nakasakay sa iba’t ibang kulay na tigre ang bawat isa. Balot sa dark brown na stripes ang mga tigre at ibang iba ang mga ito kumpara sa matatapang na tigre ng Nine Continents. Ito ang mga Black Fierce Tigers mula sa Chaotic Mountain Range.Hindi nagdalawang isip si Amastan na mabilis na pamunuan ang Fierce Tiger Clan sa kanilang paglalakbay.Samantala, lumampas sina Donoghue, Dax, at ang iba pa sa kampo ng Raksasa at natarating sina sa magulong lugar malapit sa Chaotic Mountain Range.Nag-iba ang mukha ni Donoghue nang makita nito ang malaki at malalim na bangin sa kaniyang harapan, may mainit na lava sa ilalim nito. Nagulat ang lalaki.‘Wala nang pwedeng pagtakbuhan ngayon? Hindi madali para sa akin ang lokohin sila para ibigay sa akin ang bola ng dragon. Kaya kong kuhanin ang kayamanan ni Emperor Xuan Yuan nang mabilis kaya hindi ako pwedeng mamatay ngayon.’ Naisip niya habang lumapit siya sa bangin at tumingin s
Nang napagtanto nito na hindi humihinga ang Raksasa King ay tinapangan ni Donoghue ang kaniyang sarili at lumapit para tingnan ang sitwasyon.‘Tagalang grupo ng mababangis na tao ang Raksasa Tribe. Wala nang iba pa ang nasa kaniyang katawan bukod sa balat ng hayop.Nang sandaling iyon ay hindi pa rin alam ni Donoghue na ang taong nasa kaniyang harapan ay ang Raksasa king.Nagamit n ani Donoghue ang karamihan sa kaniyang internal na enerhiya sa naging pakikipaglaban niya kanina. Nagtamo rin ito ng mga sugat. Patuloy siyang naghanap ng lugar para mag-cultivate at magpagaling. Ang pinakamahalaga ay ilang metro lang ang layo ng entrada ng kweba mula sa lava na nasa ilalim nito, napakainit doon. Hindi kakayanin ni Donoghue ang init kahit na hindi siya sugatan.Sigh!Habang lumalalim ang paglalakad nito ay bumaba ang lava. Pero matindi pa rin ang naramdaman niyang kaba. Mayroong patay na tao mula sa entrada ng Raksasa Tribe; hindi siya sigurado kung may nag-aambang mga panganib sa loob.
Sa nakalipas na dalawang taon ay si Yang Jian ang naging Emperor ng North Moana. Nilibot nito ang buong mundo at naging sikat. Wala sa Nine Continents ang hindi nakakakilala sa kaniya. Bukod doon, ilang libong taon nang sikat si Yang Jian at nakakagulat ang kapangyarihan nito. Ngayong nakilala na siya si Donoghue ay totoo nga ang pagkakalarawan sa kaniya ng lahat.Sigh!Sa wakas ay huminga ng malalim si Donoghue at naibalik nito ang kaniyang pag-iisip at magalang na nagtanong. “Paano po kayo nakulong dito, kamahalan?”Nasa Ruins sea si Donoghue magmula noong digmaan sa pagitan ng Nine Continents at ng Raksasa Tribe. Kaya naman wala itong alam tungkol sa labanan nina Yang Jian at Raksasa King.“Nakipaglaban ako sa Raksasa King at pareho kaming naging sugatan!” Kalmadong sabi ni Yang Jian. Kalmado ang tono nito pero nag-alab ito sa galit.‘Ako si Grandmaster Erlang; sikat ako sa buong mundo. Akala ko ay mabilis ko lang na mapapatay ang Raksasa King pero hindi ko alam na sobra siyang
Nang marinig niya iyon ay nag-iba ang mukha ni Yang Jian, galit itong tumitig kay Donoghue. “Gusto mo ng kapalit?”‘Ako si Grandmaster Erlang, ang Emperor ng North Moana. Ginagalang ako ng lahat. Pero gustong samantalahain ng Donoghue na ito ang mga taong may problema at nanghihingi pa ito ng kapalit? Pinangako ko nang gagawin ko siyang heneral ko pero hindi pa rin iyon sapat para sa kaniya.’ Naisip nito.Puno ng galit ang mukha ni Donoghue habang nagsasalita. “Totoong sinusoportahan ko ang Nine Continents at akong makukuha ko kapalit? Kaya naman napagpasyahan kong magbago para maging mas malakas.”Hindi maganda ang mukha ni Yang Jian nang marinig niya iton. ‘Si Darryl nanaman? Handa akong makipag-ayos sa kaniya para sa kapakanan ng Nine Continents. Pero dahil sa personal na paghihiganti ay sinaktan niya si Donoghue na naroon para tumulong. Nakakamuhi!’Wala pa ring ideya si Yang Jian na niloloko lang siya ni Donoghue.Sa wakas ay nag-isip ng maayos si Yang Jian at saka tumango. “