Nang napagtanto nito na hindi humihinga ang Raksasa King ay tinapangan ni Donoghue ang kaniyang sarili at lumapit para tingnan ang sitwasyon.‘Tagalang grupo ng mababangis na tao ang Raksasa Tribe. Wala nang iba pa ang nasa kaniyang katawan bukod sa balat ng hayop.Nang sandaling iyon ay hindi pa rin alam ni Donoghue na ang taong nasa kaniyang harapan ay ang Raksasa king.Nagamit n ani Donoghue ang karamihan sa kaniyang internal na enerhiya sa naging pakikipaglaban niya kanina. Nagtamo rin ito ng mga sugat. Patuloy siyang naghanap ng lugar para mag-cultivate at magpagaling. Ang pinakamahalaga ay ilang metro lang ang layo ng entrada ng kweba mula sa lava na nasa ilalim nito, napakainit doon. Hindi kakayanin ni Donoghue ang init kahit na hindi siya sugatan.Sigh!Habang lumalalim ang paglalakad nito ay bumaba ang lava. Pero matindi pa rin ang naramdaman niyang kaba. Mayroong patay na tao mula sa entrada ng Raksasa Tribe; hindi siya sigurado kung may nag-aambang mga panganib sa loob.
Sa nakalipas na dalawang taon ay si Yang Jian ang naging Emperor ng North Moana. Nilibot nito ang buong mundo at naging sikat. Wala sa Nine Continents ang hindi nakakakilala sa kaniya. Bukod doon, ilang libong taon nang sikat si Yang Jian at nakakagulat ang kapangyarihan nito. Ngayong nakilala na siya si Donoghue ay totoo nga ang pagkakalarawan sa kaniya ng lahat.Sigh!Sa wakas ay huminga ng malalim si Donoghue at naibalik nito ang kaniyang pag-iisip at magalang na nagtanong. “Paano po kayo nakulong dito, kamahalan?”Nasa Ruins sea si Donoghue magmula noong digmaan sa pagitan ng Nine Continents at ng Raksasa Tribe. Kaya naman wala itong alam tungkol sa labanan nina Yang Jian at Raksasa King.“Nakipaglaban ako sa Raksasa King at pareho kaming naging sugatan!” Kalmadong sabi ni Yang Jian. Kalmado ang tono nito pero nag-alab ito sa galit.‘Ako si Grandmaster Erlang; sikat ako sa buong mundo. Akala ko ay mabilis ko lang na mapapatay ang Raksasa King pero hindi ko alam na sobra siyang
Nang marinig niya iyon ay nag-iba ang mukha ni Yang Jian, galit itong tumitig kay Donoghue. “Gusto mo ng kapalit?”‘Ako si Grandmaster Erlang, ang Emperor ng North Moana. Ginagalang ako ng lahat. Pero gustong samantalahain ng Donoghue na ito ang mga taong may problema at nanghihingi pa ito ng kapalit? Pinangako ko nang gagawin ko siyang heneral ko pero hindi pa rin iyon sapat para sa kaniya.’ Naisip nito.Puno ng galit ang mukha ni Donoghue habang nagsasalita. “Totoong sinusoportahan ko ang Nine Continents at akong makukuha ko kapalit? Kaya naman napagpasyahan kong magbago para maging mas malakas.”Hindi maganda ang mukha ni Yang Jian nang marinig niya iton. ‘Si Darryl nanaman? Handa akong makipag-ayos sa kaniya para sa kapakanan ng Nine Continents. Pero dahil sa personal na paghihiganti ay sinaktan niya si Donoghue na naroon para tumulong. Nakakamuhi!’Wala pa ring ideya si Yang Jian na niloloko lang siya ni Donoghue.Sa wakas ay nag-isip ng maayos si Yang Jian at saka tumango. “
Mabilis na kumilos si Donoghue dahil malubhang sugatan si Yang Jian at walang tiyansang iwasan iyon. Sinuntok sa dibdib si Yang Jian at tinamaan ang puso nito.Mabilis na sumirit ang dugo!Nanginig ang katawan ni Yang Jian; nagulat at nagalit ito. Galit niyang tinitigan si Donoghue. “Ikaw…Anong klaseng tao ka! Hindi mo tinupad ang mga pangako mo!”Hindi niya inakalang biglang aatake si Donoghue.Kailangang magkaisa ng Nine Continents kapag umatake ang Raksasa Tribe. Pero nagdesisyon si Donoghue para patayin si Yang Jian matapos niyang makuha ang technique nito.Hindi maganda ang hitsura ni Donoghue nang masama ang naging ngiti nito at malamig siyang nagsalita. “Hindi ka maingat bilang isang taong naging sikat sa ilang libong taon. Sinong dapat sisihin doon? Sasabihin ko sayon a malapit ko nang makontrol ang Nine Continents. Magiging isang balakid sa akin ang isang malakas na mandirigmang katulad mmo. Paano ko hahayaang mabuhay ka? Huwag kang mag-alala. Si Darryl ang isusunod ko pa
”Atras!” Sigaw ni Amastan sa Fierce Tiger Clan. Lumapit ito.Nang Makalapit siya kay Donoghue ay tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. “Nagkita tayong muli, Master. Ikaw ba ang rason ng komosyon sa kampo ng Nine Continents kanina? Hinahabol ka ba nila?”Hindi kalaban ang tingin ni Amastan kay Donoghue dahil nagtulungan sila para patayin si Rama. Isa pa, magiging kapakipakinabang para kay Amastan ang isang taong makapangyarihan. Hindi na niya kailangan mamroblema sa malaking hukbo ng Nine Continents.Tumango at kalmadong sumagot si Donoghue. “Tama. Ako ang naging Westrington Emperor. Pero kinamumuhian ako ng mga kontinente at nagtulong tulong sila para patayin ako. Halos mapatay na nila ako kanina. Pinapangako kong maghihiganti ako, kundi ay hindi ako karapat dapat na maging isang tao!”Matalino at mapanlinlang ang lalaki at sa isang tingin palang ay alam na nito kung ano ang iniisip ni Amastan. Ginamit nito ang pagkakataon para pag-usapan ang initan sa pagitan ni Darryl
Pagtapos nitong magsalita ay nagalit ang lahat ng tao sa paligid.“Sobrang nakakamuhi ng taong ito. Magiging isa siyang balakid hangga’t nasa paligid siya.“Tama. Hindi ko inakalang isa siyang alagad ni Master Rama.”“Hindi iyan isang sorpresa. Kinuha siya ni Master Rama bilang kaniyang alagad; natural lamang na gusto niya itong magsisi. Ngunit hindi binago ng lalaki ang kaniyang pag-uugali at pinatay nito si Master Rama. Bukod doon ay hinamak niya si Sect Master Darby.”Nasa malalim na diskurso ang lahat at narinig ni Darryl ang bawat salita nang magalit ito.‘Kahindik-hindik, nakakamuhi, at masama si Donoghue. Ang hindi ko inakala ay ang lokohin niya ako para makuha ang dragon ball. Iyon ang pinakamahalagang bagay sa mga kayamanan ni Emperor Xuan Yuan.’ Sumakit ang kaniyang puso nang maisip niya iyon.Biglang tumayo at nagsalita si Eira. “Noong nasa dagat kami ay kinuha ni Donoghue ang treasure chest mula sa Sea Mackie Clan. Ngunit hindi na nakita pa ang treasure chest nang uma
Nang sandaling iyon ay nagulat si Donoghue. Kayabay nito ay tinitingnan niya sina Debra at Shentel.Pagtapos niyang titigan ang dalawa nang higit sa sampung segundo ay bumalik ang kaniyang pag-iisip at bigla itong ngummiti.‘Ha-ha…itinadhana ito. Hindi ko kailanman naisip na matapos ang matagal na hindi pagkikita ay mapapasakamay ko rin pala ang dalawang babaeng ito.’ Naisip niya.“Debra, ate!” Dahan dahang lumapit si Donoghue at umupo ito sa leather carpet. “Isang hindi inaakalang pagkakataon; tayong tatlo ay muling nagkita. Namiss niyo baa ko?”Hindi sumagot sina Debra at Shentel. Gulat na gulat sila pareho, pero takot rin sila sa sandaling iyon.‘Si Donoghue?!’ Naisip ng dalawa.Noong sinabihan sila ng mga mandirigma ng Raksasa na gusto silang ipakilala ni Amastan sa isang tao ay inakala ni Debra na galing ito mula sa Raksasa Tribe. Hindi niya inakalang si Donoghue pala ang taong iyon.Sa parehong sandali ay halatang nag-iba ang hitsura ni Donoghue kumpara sa dati. Naging kal
Labis na nabigo si Donoghue pero malamig itong ngumiti at nagsalita. “Hindi mo kailangang magpaliwanag. Alam ng buong Raksasa Tribe ang tungkol doon. Pareho ninyong gustong maging babae ni Alaric pero namatay siya ng maaga.”Kaagad siyang inantala ni Debra t galit itong nagsalit. “Pinatay siya ni Amastan! Pinatay niya ang kaniyang kapatid para makuha ang kapangyarihan at posisyon nito. Iyon ang pinakamalaking pagkakasala at hindi papaya ang mundo roon. Pakawalan mo na kami kung may natitira ka pang konsensya, Donoghue, labanan mo ang Raksasa Tribe kasama ang Nine Continents.”Tumango si Shentel at sinabing, “Tama. Naniniwala akong hindi ka ganoon kasama, Donoghue. Naging ganyan ka dahil sa mga nangyari sayo. Ikaw–“Ngunit hindi na itp pinatapos ni Donoghue sa pagsasalita.Malupit at malamig ang mga mat ani Donoghue. “Tumahimik ka! Magmula ngayon ay magiging lipin ko na kayo! Gagawin ninyong ang lahat ng ipag-uutos ko. Kung hindi ay huwag ninyo akong sisisihi sa pagiging malupit.”