Pagtapos nitong magsalita ay nagalit ang lahat ng tao sa paligid.“Sobrang nakakamuhi ng taong ito. Magiging isa siyang balakid hangga’t nasa paligid siya.“Tama. Hindi ko inakalang isa siyang alagad ni Master Rama.”“Hindi iyan isang sorpresa. Kinuha siya ni Master Rama bilang kaniyang alagad; natural lamang na gusto niya itong magsisi. Ngunit hindi binago ng lalaki ang kaniyang pag-uugali at pinatay nito si Master Rama. Bukod doon ay hinamak niya si Sect Master Darby.”Nasa malalim na diskurso ang lahat at narinig ni Darryl ang bawat salita nang magalit ito.‘Kahindik-hindik, nakakamuhi, at masama si Donoghue. Ang hindi ko inakala ay ang lokohin niya ako para makuha ang dragon ball. Iyon ang pinakamahalagang bagay sa mga kayamanan ni Emperor Xuan Yuan.’ Sumakit ang kaniyang puso nang maisip niya iyon.Biglang tumayo at nagsalita si Eira. “Noong nasa dagat kami ay kinuha ni Donoghue ang treasure chest mula sa Sea Mackie Clan. Ngunit hindi na nakita pa ang treasure chest nang uma
Nang sandaling iyon ay nagulat si Donoghue. Kayabay nito ay tinitingnan niya sina Debra at Shentel.Pagtapos niyang titigan ang dalawa nang higit sa sampung segundo ay bumalik ang kaniyang pag-iisip at bigla itong ngummiti.‘Ha-ha…itinadhana ito. Hindi ko kailanman naisip na matapos ang matagal na hindi pagkikita ay mapapasakamay ko rin pala ang dalawang babaeng ito.’ Naisip niya.“Debra, ate!” Dahan dahang lumapit si Donoghue at umupo ito sa leather carpet. “Isang hindi inaakalang pagkakataon; tayong tatlo ay muling nagkita. Namiss niyo baa ko?”Hindi sumagot sina Debra at Shentel. Gulat na gulat sila pareho, pero takot rin sila sa sandaling iyon.‘Si Donoghue?!’ Naisip ng dalawa.Noong sinabihan sila ng mga mandirigma ng Raksasa na gusto silang ipakilala ni Amastan sa isang tao ay inakala ni Debra na galing ito mula sa Raksasa Tribe. Hindi niya inakalang si Donoghue pala ang taong iyon.Sa parehong sandali ay halatang nag-iba ang hitsura ni Donoghue kumpara sa dati. Naging kal
Labis na nabigo si Donoghue pero malamig itong ngumiti at nagsalita. “Hindi mo kailangang magpaliwanag. Alam ng buong Raksasa Tribe ang tungkol doon. Pareho ninyong gustong maging babae ni Alaric pero namatay siya ng maaga.”Kaagad siyang inantala ni Debra t galit itong nagsalit. “Pinatay siya ni Amastan! Pinatay niya ang kaniyang kapatid para makuha ang kapangyarihan at posisyon nito. Iyon ang pinakamalaking pagkakasala at hindi papaya ang mundo roon. Pakawalan mo na kami kung may natitira ka pang konsensya, Donoghue, labanan mo ang Raksasa Tribe kasama ang Nine Continents.”Tumango si Shentel at sinabing, “Tama. Naniniwala akong hindi ka ganoon kasama, Donoghue. Naging ganyan ka dahil sa mga nangyari sayo. Ikaw–“Ngunit hindi na itp pinatapos ni Donoghue sa pagsasalita.Malupit at malamig ang mga mat ani Donoghue. “Tumahimik ka! Magmula ngayon ay magiging lipin ko na kayo! Gagawin ninyong ang lahat ng ipag-uutos ko. Kung hindi ay huwag ninyo akong sisisihi sa pagiging malupit.”
Pero hindi na kagaya ng dating Donoghue kung ano man siya ngayon. Noon ay nagsisisi pa ito kapag naririnig niya ang mga sinasabi ni Shentel. Si Shentel lang ang kaniyang mahal kahit na maraming tao ang nasa paligid.Pero labis na nairita si Donoghue nang marinig niya ang mga salitang galing kay Shentel.“Gusto mong makasama ako ulit?” Nag-apoy ang mga mata nito habang nakatitig kay Shentel at peke itong ngumiti. “Gusto mong maging babae ko ulit?”Kinilabutan si Shentel. Masyadong nakakatakot ang pagtitig ni Donoghue, pero tumango si Shentel.‘Alang alang sa Nine Continents at para tulungan si Donoghue na umalis sa masama niyang sarili, wala akong mga pagsisisi.’ Naisip nito.Tumingala si Donoghue at tumawa ito na tila ba narinig niya ang pinakamagandang biro. Tapos ay tumitig ito kay Shentel. “Hayop ka! Pinaghahanap kita pero umalis ka kasama ang iyong puso at sumama kay Zhu bajie. Handa akong pakawalan iyon noong nagkita tayo. Gusto ko lang bumalik sayo pero anong ginawa mo? Sabi
Ilang segundong nagulat si Debra bago ito sumigaw. “Shentel!”Sa isang kisapmata, umagos ang kaniyang mga luha.Naging tila magkapatid na sina Debra at Shentel sa nakalipas na dalawang taon. Marami na silang napagdaanang mga pagbabago, lalo na noong oras na nasa Raksasa Tribe sila. Nakadepende sa isa’t isa ang kanilang mga buhay. Nang makita niya ang malupit na pagpatay ni Donoghue kay Shentel ay nagalit at nawasak si Debra. Nagpira-piraso ang kaniyang puso.Sumigaw si Debra habang umiiyak. “Hayop kang Donoghue ka. Animal ka, demonyo…Isa kang animal na nakabalot sa balat ng tao. Mahal na mahal ka ni Shentel at gusto niyang magkabalikan kayo, pero pinatay mo Siya. Isa ka pa bang tao?”Nag-alab ang matinding galit sa puso ni Debra. Gusto niyang hatiin si Donoghue sa isang libong piraso at chop chop-in ito ng 10,000 beses. Kung nakakapatay lang ang tingin ay namatay na ng isang daang libong na beses si Donoghue.Slap!Mukhang matapang at masama ang hitsura ni Donoghue nang samaplin
Nang marinig niya iyon ay mukhang nasiyahan si Amastan, tumango ito at nagsalita. “Ha-ha! Magaling ito. Dapat makinig ako sayo, Deputy Commander-in-chief.”Lumingon ito at nag-utos sa mga sundalo. “Magpadala kayo ng tao na magbibigay ng sikretong sulat kay Zhang Jue.”“Masusunod, Marangal na Anak.”Samantala, tahimik ang base camp ng Nine Continents habang lumalalim ang gabi.Maramign mga nagpatrolyang guwardiya at marami ring mga bantay. Mahigpit ang seguridad nila.Sa bandang hilagang kanluran ng base camp ay nakatayo ang naguguluhan at problemadong si Eira. Mukhang napakapait naman ng hitsura ng nasa harap niyang si Zhang Jue at walang yabang na mararamdaman mula rito.“Bakit bigla ninyo akong hinanap, Master?” Sambit ni Eira habang kagat nito ang kaniyang labi.Mula sa Ruins Sea hanggang sa Chaotic Mountain Range, maraming pinagdaanang pagsubok sina Eira, Ambrose, at ang iba pa. Nagdurusa ang mga ito. Mahal ni Darryl ang kaniyang anak, kaya ipinaghanda niya ito ng tent para
Samantala, nakatali pa rin si Debra sa tent ni Donoghue sa kampo ng Raksasa Tribe.Mukha itong nanghihina. Wala sa paligid si Donoghue at inalis na ang katawan ni Shentel. Patay ang katahimikan pero tila malakas na hangin at alon ang bilis ng pagtibok ng puso ni Debra. Hindi niya magawang kumalma.‘Patay na ang kapatid ko. Anong nang mangyayari sa akin ngayon? Malupit at matapang si Donoghue; hindi niya ako papakawalan.’ Naisip nito, tuluyan na siyang sumuko.Ngunit sa oras na iyon ay narinig niya ang papalapit na mga yapak mula sa labas. Napakahina ng mga yapak. Ilang segundo ang nakalipas nang itaas ang mga kurtina at nakita ang maliit na uwang. Pagtapos ay mabilis na lumapit ang isang sexy na anyo.‘Sino siya? Bumalik ba si Donoghue para pahirapan ako?’ Naisip niya.Nanginginig ang puso ni Debra. Naisip nitong si Donoghue iyon. Pero labis siyang nagulat nang tingnan niya itong maigi. “Princess Natalie?”Sa kaniyang harapan ay ang napakaganda, sexy, at may matalinogn aura na ba
Tumango si Natalie nang ikuway niya ang kaniyang kamay at sinabing. “Kailangan mo nang umalis ngayon bago pa mahuli ang lahat.”Ngunit hindi kaagad umalis si Debra dahil may bigla itong naalala. Tiningnan niya si natalie at nagdalawang-isip bago magsalita. “Princess Natalie, hindi mo pa rin alam ang tungkol sa pagkamatay ng iyong kuya?”Maganda at matalino si Debra. Alam niyang mga magandang relasyon ang magkapatid na sina Natalie at Alaric, pero hindi malapit ang babae kay Amastan. Nang makita niyang hindi kinwestyon ni Natalie si Amastan ay napansin nitong hindi pa alam ni Natali ang katotohanan.‘Kuya?’ Nagulat si Natalie.“Hindi ba’t namatay siya dahil nawalan siya ng maraming dugo nong naglaban sila ni Darryl?” Sagot nito.Nagpakita ang anyo ni Darryl sa isip ni Natalit. Nakaramdam ito ng galit ng pagkalito. ‘Kasalanan niya ang lahat; kung hindi ay hindi mamamatay si Kuya at wala sa ganitong sitwasyon ang Raksasa Tribe!’Nagbuntong hininga si Debra at dahan dahan itong nagsa