Nang marinig niya iyon ay mukhang nasiyahan si Amastan, tumango ito at nagsalita. “Ha-ha! Magaling ito. Dapat makinig ako sayo, Deputy Commander-in-chief.”Lumingon ito at nag-utos sa mga sundalo. “Magpadala kayo ng tao na magbibigay ng sikretong sulat kay Zhang Jue.”“Masusunod, Marangal na Anak.”Samantala, tahimik ang base camp ng Nine Continents habang lumalalim ang gabi.Maramign mga nagpatrolyang guwardiya at marami ring mga bantay. Mahigpit ang seguridad nila.Sa bandang hilagang kanluran ng base camp ay nakatayo ang naguguluhan at problemadong si Eira. Mukhang napakapait naman ng hitsura ng nasa harap niyang si Zhang Jue at walang yabang na mararamdaman mula rito.“Bakit bigla ninyo akong hinanap, Master?” Sambit ni Eira habang kagat nito ang kaniyang labi.Mula sa Ruins Sea hanggang sa Chaotic Mountain Range, maraming pinagdaanang pagsubok sina Eira, Ambrose, at ang iba pa. Nagdurusa ang mga ito. Mahal ni Darryl ang kaniyang anak, kaya ipinaghanda niya ito ng tent para
Samantala, nakatali pa rin si Debra sa tent ni Donoghue sa kampo ng Raksasa Tribe.Mukha itong nanghihina. Wala sa paligid si Donoghue at inalis na ang katawan ni Shentel. Patay ang katahimikan pero tila malakas na hangin at alon ang bilis ng pagtibok ng puso ni Debra. Hindi niya magawang kumalma.‘Patay na ang kapatid ko. Anong nang mangyayari sa akin ngayon? Malupit at matapang si Donoghue; hindi niya ako papakawalan.’ Naisip nito, tuluyan na siyang sumuko.Ngunit sa oras na iyon ay narinig niya ang papalapit na mga yapak mula sa labas. Napakahina ng mga yapak. Ilang segundo ang nakalipas nang itaas ang mga kurtina at nakita ang maliit na uwang. Pagtapos ay mabilis na lumapit ang isang sexy na anyo.‘Sino siya? Bumalik ba si Donoghue para pahirapan ako?’ Naisip niya.Nanginginig ang puso ni Debra. Naisip nitong si Donoghue iyon. Pero labis siyang nagulat nang tingnan niya itong maigi. “Princess Natalie?”Sa kaniyang harapan ay ang napakaganda, sexy, at may matalinogn aura na ba
Tumango si Natalie nang ikuway niya ang kaniyang kamay at sinabing. “Kailangan mo nang umalis ngayon bago pa mahuli ang lahat.”Ngunit hindi kaagad umalis si Debra dahil may bigla itong naalala. Tiningnan niya si natalie at nagdalawang-isip bago magsalita. “Princess Natalie, hindi mo pa rin alam ang tungkol sa pagkamatay ng iyong kuya?”Maganda at matalino si Debra. Alam niyang mga magandang relasyon ang magkapatid na sina Natalie at Alaric, pero hindi malapit ang babae kay Amastan. Nang makita niyang hindi kinwestyon ni Natalie si Amastan ay napansin nitong hindi pa alam ni Natali ang katotohanan.‘Kuya?’ Nagulat si Natalie.“Hindi ba’t namatay siya dahil nawalan siya ng maraming dugo nong naglaban sila ni Darryl?” Sagot nito.Nagpakita ang anyo ni Darryl sa isip ni Natalit. Nakaramdam ito ng galit ng pagkalito. ‘Kasalanan niya ang lahat; kung hindi ay hindi mamamatay si Kuya at wala sa ganitong sitwasyon ang Raksasa Tribe!’Nagbuntong hininga si Debra at dahan dahan itong nagsa
Na-cultivate na ni Donoghue ang Ultimate Saint Heaven Earth Technique I Yang Jian. Naging mas makapangyarihan siya kaysa dati at kasing bilis nito ang kidlat. Masyado siyang mabilis! Walang paraan para makaiwas sa bilis na iyon!Kahit na halos marating ni Debra ang Heaven Ascension level ay hindi pa rin ito kapantay ni Donoghue. Alam niyang hindi niya maiiwasan ang pag-atake nito nang makita niya ang paggamit ni Donoghue ng enerhiya at saka siya inatake. Kinagat niya ang kaniyang labi at binuksan ang internal na enerhiya habang nakalapat ang kaniyang palad sa lalaki.Bang!Napadaing sa sakit si Debra nang magtama ang kanilang mga palad at bahagyang napaatras ang buong katawan nila. Nagong sobrang putla ng mukha ng babae at tumulo ang napakaraming dugo mula sa gilid ng kaniyang bibig.“Tsk, tsk, gusto mo pa ring lumaban ate!” Tinignan ito ni Donoghie, minaliit siya ng mga tingin nito. Sumuko ka nalang; wala kang laban sa akin. 40 porsyento lang ng aking enerhiya ang ginamit ko. Mama
Biglang may humablot sa kamay ni Debra.Lumingon si Debra at nakita niya ang nakatitig sa kaniyang si Donoghue, hindi maganda ang tingin sa mga mat anito. Mukha siyang baliw!“Gusto mong mamatay? Hindi iyon magiging madali.” Malamig na tumawa si Donoghue.Ikinuway niya ang Sky Breaking Axe, nabiyak nito ang gilid ng talampas at ginamit niya ang enerhiya para makalipad pataas.“Bitawan mo ako! Bitawan moa ko.” Nagulat at nagalit si Debra.Ginawa nito ang lahat para kumawala. Hindi niya inakalang susundan siya ni Donoghue at tatalon din ito sa bangin.Hindi n anito gustong mamatay noong bumalik na ang kaniyang mga alaala. Pero alam niyang mas gugustuhin nalang niyang mamatay kaysa mahuli ni Donoghue.Ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Donoghue. Nakokontrol niya ang kaniyang kaba at walang paraan para makawala siya. Hinablot ng lalaki si Debra at lumipad ito sa gilid ng bangin. Marami siyang nasayang na enerhiya dahil may buhat siyang tao, pero nanatili itong nakangiti.
Tahimik at takot ang lahat ng mga heneral. Wala sa kanila ang nagtangkang huminga ng malalim.Nang sandaling iyon ay tumaas ang mga kurtina at malalaki ang hakbang ng papalapit si Donoghue.Nagulat ito sa kaniyang nakita. Ngumiti ito kay Amastan at sinabing, “Bakit galit na galit ka, Marangal na Anak? Anong nangyari?”Napamura sa sarili si Amastan nang ituro nito si Natalie. “Naloko ng isang babaeng mula sa Nine Continents ang aking kapatid. Sinabi nitong pinatay ko ang akin kuya.”Pagtapos ay biglang may naalala si Amastan ay malamig itong nagsalita. “Nasaan ang dalawang babae?”Nagningning ang mga mat ani Donoghue at ngumiti ito. “Pinatay ko ang isa sa kanila ang at isa pa ay…”Tiningnan nito si Natali at nagpatuloy. “Ang isa naman, si Debra, ay pinakawalan ni Princess Natalie. Mabuti nalang at napagtanto ko iyon sa tamang oras at naibalik siya.”‘Ano?’ Nanginig si Natalie sa kaniyang narinig. Nagulat at nagalit ang babae. ‘Nahuli nanaman niya si Miss Gable?’Sumigaw si Amast
Mukhang naguluhan ang ekspresyon ni Debra.‘Gonoghue, kinamumuhian ko ang aking sarili dahil sa pakikinig sa mga kasinungalingan mo…ang tuluyang sirain ang kaniyang pag-asa.’ Naisip nito.Ang pinakamahalaga ay magagalit at hindi mapapakali si Darryl kapag nalaman niya ito. Sa oras na iyon ay hindi magagawang dumepensa ng Nine Continents laban sa pag-atake ng Raksasa Tribe grand army.Nanginig ang katawan ni Debra sa kaniyang narinig. Labis itong nagulat at nagalit.‘Papakasalan siya bukas sa Raksasa Camo? Napakalihis at nakakamuhi si Donoghue.’ Naisip ng babae.Hindi gutsong sumang-ayon ni Debra. ‘Hindi madali ang maibalik ang aking alaala. Puno ng tungkol kay Darryl ang aking puso. Paano ko magagawang pakasalan si Donoghue? Isa pa, kilala sa pagiging malupit at makasarili si Donoghue. Nagtaksil din siya sa Nine Continents at sumanib sa Raksasa Tribe. Dapat kamuhian ng 10,000 taon ang taong ito. Paano ako magiging babae niya? Hindi, hinding hindi! Mas gugustuhin ko nalang mamatay
Pagtapos ay lumabas ng tent si Donoghue at sinabi nito kay Amastan ang tungkol sa kasalan.Natuwa ay sumuporta si Amastan nang nalaman niyang gustong inisin ni Donoghue si Darryl, magiging kalamangan ito ng Raksasa Tribe.Di nagtagal ay nag-ayos si Amastan para malagyan ng mga dekorasyon at ilaw ang kampo para paghandaan ang kasal ni Donoghue.Labis na naging tahimik sa Raksasa camp pagsapit ng hating gabu. Kahit na malalim na ang gabi ay naging mahigpit ang seguridad sa kampo at nagpatrolya ang mga guwardiya.Woosh! Woosh!Nang biglang nagpakita ang dalawang anyo. Mabilis silang pumasok mula sa entrada sa likod ng kampo. Isang lalaki at isang babae ang mga ito. Mukhang matalino, guwapo, at malakas ang lalaki, samantalang sexy at nakakahumaling naman ang babae.Iyon ay sina Darryl at Quincy.Sa ilalim ng sinag ng buwan ay nakasuot sila ng pantulog pero hindi pa rin nito naitago ang perpektong hubog ng katawan ni Quincy. Kita ang napakagandang hubog ng katawan nito!Naroon sila