Nagsagupaan sa gitna ng ere sina Donoghue at Rama na nagresulta sa isang malakas na pagdagundong bago mapaatras ang dalawa palayo sa isa’t isa.Nagalit nang husto si Donoghue sa mga sandaling ito. Nagulat siya nang makita niyang maglabas si Rama ng ganoong klaseng lakas matapos niya itong sugatan nang malubha. Agad na nagdilim ang kaniyang paningin habang mas tumitindi ang kaniyang determinasyon na talunin at patayin si Rama.“Dapat ka nang mamatay ngayong araw, hindi ka na maililigtas maging ng mga diyos mo!” Nanlalamig na sigaw ni Donoghue habang muling sumusugod kay Rama gamit ang kaniyang Sky Breaking Axe.Dito na ginamit ni Rama ang pamamaraan ng mga Buddhist sa pagpapalakas bilang sagot sa ginawang pagatake ni Donoghue, agad na nagsagupaan ang dalawa sa gitna ng ere.…Samantala, sa isang parang walang katapusang bangin na may ilang libong metrong layo mula sa isang mabatong bahagi ng Chaotic Mountain Range sa border ng Wild Deserted Secret Region.Daan daang mga miyembro n
Narinig naman ng tumatayong hari ng Raksasa ang boses ni Amastan.Dito na gumawa ang hari ng isang magaan at emosyonal na ngiti noong makita niya ang kaniyang anak. “Haha! May awa ang diyos!”Dito na siya tumingin kay Amastan at magtanong ng, “Bakit magisa ka lang dito? Nasaan na ang kapatid mong si Alaric?”Kahit na nagkaroon ng matinding lakas ang pangalawa niyang anak na si Amastan, masyado pa rin itong impulsive kaya mas pumapabor pa rin siya sa panganay niyang si Alaric sa tuwing paguusapan ang pagmamana ng kaniyang trono.Hindi natuwa si Amastan noong itanong ng kaniyang ama ang tungkol sa kaniyang kapatid noong una niya itong makita. Dito na siya nakaramdam ng pagkainis.Inisip niya kung saan ba siya naging inferior kay Alaric. Bakit hindi na naalis sa isip ng kaniyang ama na si Alaric ang susunod na magiging hari ng Raksasa?Pinigilan niya ang galit na kaniyang nararamdaman at sinubukang magpakita ng isang naiinis na itsura habang sinasabi na. “Ama, si Alaric… mayroon pon
Ginamit ni Amastan ang kaniyang internal energy at lumutang sa gitna ng ere habang paisa isang sinasabi na, “Huwag mo akong sasabihan nang walang utang na loob kung hindi mo naman ako itinuring bilang tunay mong anak kahit na kailan.”Hinawakan niya nang maigi ang bolo niyang gawa sa bato at isinway ito nang malakas.*Wham!*Agad na hinwa at pinaghiwalay ng hawak nitong bolo ang buong platform. Dito na bumagsak ang napakaraming debris sa lavang dumadaloy sa ilalim ng dalawa na nagiwan lamang ng isang maliit na area kung saan nagawang umupo ng tumatayong hari ng Raksasa.Malakas na dumura nang dugo ang hari ng Raksasa sa sobrang galit.“Hindi kita papatayin dahil ama pa rin kita. Bahala ka nang iligtas ang sarili mo rito,” Walang pakialam na sinabi ni Amastan bago tumalikod at mabilis na maglakad paakyat sa mga batong pader dala ang bolo niyang gawa sa buto.Sa totoo lang ay nagkaroon ito ng pakiramdam na para bang gusto na niyang patayin ang hari ng Raksasa noong mga sandaling i
“Ano?”“Humingi ng tulong ang traydor na si Vikara sa tribo ng Raksasa para labanan ako?”Agad na nagbago ang itsura ni Rama noong marinig niya ang mga sigaw ni Donoghue. Nagulat at nagagalit itong sumigaw ng, “Isa kang traydor, Vikara! Paano mo nagawang humingi ng tulong sa tribo ng Raksasa para patayin ang iyong master!”Inisip ni Rama noong una na inatake siya ni Donoghue nang dahil sa pagputol niya sa pagkalalaki nito. Pero naniniwala rin siya na mayroon pa rin itong konsensya dahil isa pa rin siyang makatarungang tao. Hindi niya inasahan na nakabaon pala sa puso at buto ni Donoghue ang kasamaan na kaniyang tinatanglay.“Manahimik ka!”Kaagad na umikot ang mukha ni Donoghue habang sumisigaw ng, “Huwag mo akong tawagin na Vikara! Hindi kita nakita bilang aking master kailanman at hinding hindi ako tatahak sa landas ng budismo habangbuhay! Wala rin akong pakialam sa walang kuwentang Dharma name ko! At huwag na huwag mo ring ako ituturing bilang iyong disipulo dahil hindi kita ma
“Masyadong malakas ang mongheng ito ah?! Sa loob ng isang iglap ay nagawa niyang makapatay ng ilang dosenang mga mandirigma ng Wild Wolves Clan. Mukhang kinakailangan ko nang makipaglaban nang direkta sa isang ito,” Isip ni Amastan.Bang!Sumabog ang kaniyang katawan habang lumilipad si Amastan papunta kay Rama.Agad na nagbago ang itsura ni Rama nang makita niya ang pagatake ni Amastan, lalo na noong maramdaman nito ang napakatinding lakas ng binate. Agad na nagmukhang dismayado ang mukha ng nagpupumiglas na si Rama.Agad na napunta kay Donoghue ang advantage sa labang ito noong sumali na rin si Amastan. Hindi nagtagal ay wala nang nagawa si Rama kundi depensahan ang kaniyang sarili at huwag hayaan ang mga ito na atakihin siya. Pero naging determinado si Rama kaya hinding hindi siya susuko nang basta basta sa mga ito. Nagpatuloy siya sa pagngingit ngit ng kaniyang ngipin habang dumedepensa gamit ang buo niyang makakaya.Kasalukuyan nang nagiging malinaw ang lahat sa kaniyang puso
Nang makita niya ito, tumawa di Donoghue habang nakatingala siya sa kalangitan. “Nakapaghiganti na rin ako sa wakas! Wala na ngayon si Rama, susunod ka na sa kaniya, Darryl.”Natuwa at nasabik nang husto si Donoghue sa kaniyang nakita. Dito na siya tumalikod para yumuko nang may magkadikit na kamao sa harapan ni Amastan. “Maraming salamat sa iyong tulong! Paalam!”At pagkatapos ay agad itong lumundag sa kalangitan at umalis. Mabilis na nawala ang imahe nito sa paningin ng lahat.Agad na kumunot ang noo ng mga miyembro ng Wild Wolves Clan noong makita nila itong umalis, dito na nagsimulang mainis ng ilan sa kanila.“Napakabastos ng isang ito ah? Nagawa siyang tulungan ng kagalang galang na anak pero agad pa rin itong umalis pagkatapos magpasalamat gamit ang isang simpleng salita?!” Isip ng mga ito.“Dapat na po ba nating habulin ang isang ito, Kagalang galang na anak?” Tanong ng tumatayong pinuno sa Wild Wolves Clan kay Amastan.Tumingin nang husto si Amastan sa direksyong tinahak
“Ok lang iyan, ok lang iyan!” Buong pasensya naman siyang pinatahan ni Amastan, “Paano ka nila nagawang pakawalan, Natalie? At ano rin ang bagay na gusto mo sanang sabihin kay Kuya Alaric kanina?”Agad na pinunasan ni Natalie ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Namumula pa ang kaniyang ma mata noong tumingin siya sa paligid at sabihing, “Magusap tayo sa loob ng tent, Kuya Amastan.”Nanguna si Natalie papunta sa main tent. Matapos makakuha ni Darryl ng suporta mula sa isang dragon, hindi maaaring marinig ang kaniyang pangalan ng kahit na sinong miyembro ng Raksasa para maiwasan ang anumang takot na maaaring kumalat sa tribo.Kaagad na kumunot ang noo ni Amastan habang sinusundan si Natalie. Nang makapasok sila sa tent, huminga nang malalim ang nagmumukhang seryoso na si Natalie habang sinasabi na, “Mayroon ka bang kilala na mga dragon sa Nine Mainlands, Kuya Amastan?”Kaagad na natigilan si Amastan nang marinig niya ang mga sinabi ni Natalie.Agad na ibinahagi ni Natalie an
“Ano ang nangyayari, Darryl?” Tanong ni Chester. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Donoghue na mukhang wasak sa mga sandaling ito.Hay!Huminga nang malalim si Darryl habang nagluluksang sinasabi na, “Pinatay ng Raksasa si Master Rama.”Agad na nabalot ng galit ang buong kampo noong marinig nila iyon.“Ano! Master Rama…”“Buwisit, hayop na Raksasa ito.”“Isang napakabait na tao ni Master Rama kaya paano nagawa ng Raksasa na mawalan nang awa sa kaniya.”Kaagad na nagalit ang lahat sa buong kampo maliban kay Zhang Jue na kasalukuyang nakatayo sa isang sulok. Nagmukha itong kalmado habang hindi nagpapakita ng kahit na anong emosyon.Habang bumubulong ang lahat, tumayo roon si Darryl habang mas sumasama ang itsura ng kaniyang mukha.“Hindi ito tama. Pinakawalan ko si Natalie at ipinangako niya sa akin na sasabihin niya sa dalawa niyang mga kapatid na makipagkasundo sa Nine Mainlands. Kaya paano pa rin ito nagawa ng Raksasa?” Isip I Darryl.Habang nakakaramdam ng pagtataka sa ka