Kabanata 2368
“Ano?!”

“Sino iyan? Ang lakas ng loob mong pumasok sa aming kampo ah?”

“Hulihin niyo siya!”

Kahit na nagawang magdisguise at magingat sa paggalaw ni Darryl, masyado pa ring bantay sarado ang kampo ng Raksasa. Bago pa man niya maobserbahan ang kaniyang paligid, isang grupo ng mga nagpapatrolyang sundalo ang lumapit sa area at agad na nakakita kay Darryl.

Naramdaman ng mga sundalo ang aura na nagmumula sa katawan ni Darryl. Nagawa pa rin nila itong maramdaman kahit na nagawa itong pahinain ni Darryl.

Wala nang nagawa si Darryl noong makita siya ng mga ito. Dito na siya nagulat sa mga nangyari.

“Naitago ko na ang aking lakas pero paano pa rin naramdaman ng mga ito ang aking presensya?”

Hindi pa alam ni Darryl sa mga sandaling ito na naiiba nang husto ang pamamaraan na ginagamit ng Raksasa sa pagpapalakas kaysa sa pamamaraang ginagamit ng Nine Mainland. Sinabayan pa ito ng matagal na pamumuhay ng Raksasa sa isang lugar na may mabagsik na kapaligiran—ang Secret Region sa labas
Continue lendo no Buenovela
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Digitalize o código para ler no App