Kabanata 2373
Hay!

Nagbuntong hininga si Shentel bago seryosong sabihin na, “Hindi kami pupuwedeng sumama sa iyo, Darryl. Nakinig na ang kagalang galang na anak sa aming mga suhestiyon kaya pinagiisipan na niya ngayon ang pakikipagkasundo sa Nine Mainland. Kaya kinakailangan naming manatili rito para turuan silang maging sibilisado.”

Sinabi ni Shentel kay Darryl kung ano ang mga bagay na itinuturo nila kay Alaric noong manatili sila sa kampo ng Raksasa.

Buwisit!

Namangha si Darryl nang marinig niya iyon. Dito na siya naimpress nang husto sa dalawa.

Nagawang arestuhin ng Raksasa ang dalawang mahihinang mga babae na iyon. Pero hindi nalagay sa panganib ang mga ito at sa halip ay nagawa pa nilang tumayo bilang guro ng kagalang galang na anak? Sino nga ba ang maniniwala rito nang hindi nila ito naririnig mula mismo kina Debra at Shentel.

“Dapat ka nang umalis.”

Mahinhing kinumbinsi ni Debra si Darryl nang makita niya itong determinado sa pagpapatakas sa kanila. “Bantay sarado ang lugar na
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP