Naglakad si Darryl papunta sa pinto para tingnan kung ano ito, agad siyang nagulat sa kaniyang nakita. Dito niya nakita ang naglalakad at nagtatawanang sina Chester at Dax papunta sa kaniyang tent. Mukhang mayroon itong bagay na gustong sabihin kay Darryl. “Ano ang ginagawa nila rito?” Tanong ni Darryl. Dito na mas nabahala si Gonggong na kasalukuyang nasa tabi ni Darryl. Agad na namutla ang kaniyang mukha sa mga sandaling ito.Nakipagkita siya nang patago kay Darryl kaya siguradong paguusapan siya ng lahat sa sandaling makita siya ng ibang tao rito, dito na tuluyang mawawasak ang reputasyong pinakaiingatan niya ng isang libong taon. “Makinig ka sa mga sasabihin ko mamaya. Dahil kung hindi ay hindi na kita matutulungan pa.” Hindi na makakalabas pa ng tent si Gonggong ngayong paparating na rito sina Chester at Dax. Dito na nagisip nang mabilis si Darryl at nagsalita ng seryoso kay Gonggong. Agad namang naconfuse dito si Gonggong. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagaw
Huminga nang malalim si Chester bago dahan dahang sabihin na, “Nandito si Zhang Jue.” Dito na napamura si Dax habang sinasabi na, “Ang hayop na si Zhang Jue! Mapapatay ko talaga ang isang ito kung hindi lang tayo lumalaban sa Tribo ng Raksasa.” Si Zhang Jue ang tumatayong commander noong atakihin ng North Moana ang World Universe. Nagdala ito ng matinding kaguluhan sa World Universe na sumira sa kabuhayan ng maraming mga sibilyan. “Si Zhang Jue?”Napaatras at napasimangot dito si Darryl. Nakilala nila sa pagiging walang awa at tuso nito si Zhang Jue. Nagawa nitong pilitin si Gonggong na dalhin sa kaniya si Darryl. Dito nila inisip kung bakit sila nito bibisitahin, mayroon nanaman kaya itong binabalak na masama sa kanila? Dito na sila nakarating sa isang malaking tent. Dito niya nakita ang nakaupong sina Susan, Quincy, Andy at Parker sa panig ng Union Army nang may seryosong mga itsura. Umupo si Zhang Jue sa harap ng mga ito, nagmukha itong nanlalamig at arogante habang n
“Sige, sige!” Dito na bumagsak ang mukha ni Zhang Jue bago sumisinghal na sinabing, “Sinabi ng mga tao na palagi raw kumakampi si Darryl sa tama at isa rin siyang uri ng mandirigma na magbibigay ng lahat para sa kapakanan ng Nine Mainland. Pero kung titingnan ang gusto niyang mangyari, mahahalata na isa lang lalaking uhaw sa kapangyarihan si Darryl.” Pagkatapos nito ay agad na umalis si Zhang Jue kasama ang kaniyang mga tauhan. Nakasimangot namang tumayo roon si Darryl. “Ano ang nangyari? Aalis na lang siya nang hindi nagkakaroon ng kasunduan? Mukhang hindi ito ang Zhang Jue na nakilala ko.” Isinama ni Zhang Jue ang kaniyang mga heneral pabalik sa kampo ng North Moana. “Military Adviser, ano na po ang susunod nating gagawin?” Tanong ng isa sa mga heneral. Nawawala ang kanilang Emperor kaya kay Zhang Jue umaasa ang buong hukbo ng North Moana para sa mga susunod nilang gagawin. Ngumiti si Zhang Jue bago tumingin sa direksyon ng Raksasa. Dito na niya pangkaraniwang sinabi
Napakamot na lang sa kaniyang ulo ang naaawkward na si Dax. Huminga naman nang malalim si Darryl habang tumitingin sa kaniyang paligid at sinasabi na, “Iipunin natin ngayon ang ating mga sundalo para makipagsanib puwersa kay Zhang Jue, Dali!” Inakala niya na nagdesisyon si Zhang Jue na umatake para ipakita ang kakayahan niya sa pamumuno sa hukbo, hindi alam ni Darryl na isa lang pala itong patibong.“Opo!” Iisang sagot ng lahat bago mabilis na lumabas si Darryl para simulan ang paghahanda sa mga sundalo. Pagkatapos ng isang minuto, nasa daan daang libong mga sundalo ng Union Army ang nagsimula nang maglakad papunta sa kampo ng Raksasa...Samantala, sa kampo ng Raksasa.Nasurpresa ang buong hukbo ng Raksasa sa ginawang ambush ng Celestial Feather Riders, hindi nagtagal ay nagawa na ng mga itong magregroup at umatake sa mga sundalo ng North Moana.“Patayin ninyo silang lahat, huwag kayong magtitira ng kahit na isang buhay!” Maririnig sa buong battlefield ang malakas na sigaw ni Amas
Agad na bumagsak ang mukha ni Darryl noong marealize niya ito. Tumingin siya sa mga kampo at nakita ang daan daang mga bangkay ng Celestial Feather Rider sa paligid. Maliban dito ang pagkawala ng mismong hukbo ng North Moana. Mukhang niloko siya ni Zhang Jue para dalhin dito ang buong Union Army noong atakihin nito ang kampo ng Raksasa. At pgaktapos ay agad siyang aatras sa sandaling dumating si Darryl at hahayaan itong makipaglaban nang magisa sa Raksasa.“Zhang Jue…” Nagsara nang husto ang mga kamao ni Darryl habang namumula ang kaniyang mga mata sa tindi ng kaniyang hinanakit. Kahit kailan talaga ay hindi nabigo ang mga ginagawang ito ni Zhang Jue na pamanghain siya. Sino nga ba ang magaakala na gagawa ito nang ganitong klase nang bagay sa mga panahong ito? Nagalit dito nang husto si Darryl habang desperadong iniisip na paatrasin ang Union Army pero huli na ang lahat dahil napasok na sa isang mainit na laban ang magkabilang panig.Samantala, sumigaw nang malakas si Alaric habang n
“Stupid na Amastan.” Nag-aalalang pinanuod ni Alaric ang pagkabigo ng padalos-dalos na attempt ni Amastan para talunin si Darryl.“Brother, nasa likod mo lang ako,” isang sweet na boses ang sumigaw habang may isang babae na tumalon sa hangin papunta kay Darryl. Ang babaeng ito ay si Natalie Celtic. Siya ay nakasuot ng crimson armor na nakahug sa curves niya na nagpapakita ng fierceness niya habang papalapit siya sa kanila. Kalmadong inilabas ni Darryl ang Heavenly Halberd para kalbanin ang bago niyang kalaban na papalapit sa kanya. Nung nakita niya ang mukha nito, nagulat siya ng ilang segundo, ‘Siya?’Pagkatapos, narealize ni Darryl na ang babaeng kinakalaban niya ay ang anak ng Raksasa King at kapatid nila Alaric at Amastan. “So, ikaw si Darryl Darby. Sinungaling ka! Sinabi mo sakin na ang pangalan mo ay Darren Derby,” akusa nito. Nung malapit na siya dito, sinubukan niya gumawa ng slashing motion gamit ang pair ng bone-forged scimitars papunta kay Darryl. Ang lalaking ito at nap
Sumimangot ang mukha ni Natalie nung narinig niya ang warning ng kapatid niya at kaagad siyang pumunta sa gilid ng walang pag-aalinlangan. Hindi na rin niya kailangan alamin kung ano ang puting apoy sa harap niya, dahil alam niyang wala siyang laban dito.“Oh my, kaya mo palang tumakbo.” Ngumisi si Darryl bago hinabol si Natalie at iniseal ang acupoints niya sa isang single motion bago pa ito makapagreact. Kaagad namang nanigas si Natalie at hindi man lang makagalaw.“Kailangan mo lang tiisin ito; sa huli kasi, ikaw ang anak ng Raksasa King,” sabi ni Darryl habang karga si Natalie at tumalon patalidof. May plano si Darryl—gagawin niyang hostage si Natalie para mag hold back ang Raksasa Army. Ang tanging magbebenefit lang dito ay ang Union Army sa mga susunod nilang laban.“Bitawan mo ako!” Nauubusan ng hininga na sigaw ni Natalie sa inis habang sinusubuan niyang makalaya. Pero, wala itong maggawa dahil sealed ang acupoints niya.“Sister!” Nung nakita niya na nakidnap ang kapatid ni
Nung mga sandaling yun, puno ang isip ni Amastan ng urge para pumunta sa NIne Mainland camp at sagipin ang kapatid niya, pero nakita niya sinunod ng iba ang utos ni Alaric at siya mismo ay hindi kayang gawin ito, kaya ang tanging magagawa niya lang ay lunukin ang pride niya.Mga ilang minuto ang lumipas, malungkot na nakaupo si Alaric sa tent. Ilang dosenang Raksasa generals ang nakatayo sa magkabilang sides ng tent at si Amastan ay nasa pinakaharap ng linya. Walang may lakas ng loob na magsalita sa nerve-wrecking na atmosphere na ito. Sila Debra at Shentel ay nakatayo sa likod ni Alaric, ay tahimik din. Sa biglaang raid na nangyari sa camp nila, ang kalaban nila ay nadakip ang kapatid niya. Pinagsama-sama ni Alaric ang lahat para gumawa ng strategy para masolusyunan ang issue na ito.“Brother!” Sa huli, hindi na kinaya ni Amastan ang katahimikan at humakbang papaharap. “Ano pa ang kailangan pag-usapan? Magpapahinga lang kami saglit at pagkatapos, kaagad nating aatakihin ang NIne Mai