Napamura na lang si Donoghue sa kaniyang puso. At pagkatapos ay tumigil siya para nanlalamig na sabihing, “Dali!” Pinunasan ni Jack ang dugo sa gilid ng kaniyang labi bago nahihirapang tumayo at maglakad papaunta sa hall. Tumingin siya sa mga salitang nakaukit sa baul para basahin ito nang paisa isa. “Sinasabi po rito na ipinagutos ng Yellow Emperor na dalhin ang kayamanang ito sa dagat para maprotektahan ng isang tribo. Mayroon din na isa pang kayamanan ang matatagpuan malapit sa Chaotic Mountain Range…” Pagkatapos basahin ang mga nakasulat kay Donoghe, Tumingin si Jack sa lalaki at nagiingat na sinabing, “Sir, maaari po na ang kayamanang nasa Chaotic Mountain Range ay ang susi para mabuksan ang baul na ito.” “Ito nga iyon!” Tawa ni Donoghue. Bigla itong naliwanagan noong marinig nyia ang mga sinabi ni Jack, walang tigil itong tumawa sa kaniyang kinauupuan. Mukhang iniwan nga ng Yellow Emperor ang baul ng kayamanang ito. Kaya sigurado na isa itong walang katulad na kayamanan
“Bakit ka nandito?” Natitigilang tanong ni Darryl.Naguluhan siya noong makita niya ang tahimik na pagpasok ni Gonggong sa kaniyang tent na para bang ayaw nitong ipaalam sa lahat ang kaniyang pagbisita. “Darryl!” Nakahinga na rin nang maluwag si Gonggong nang makita niyang magisa lang si Darryl. Napakagat ito sa kaniyang labi habang bumubulong ng, “Patawarin mo ako sa mga nangyari noon—" Nakipagsabwatan si Gonggong kay Zhang Jue para patayin si Darryl. Nakaramdam siya ng pagkakonsensya kahit na hindi siya gumamit ng internal energy noong makita niya si Darryl na mahulog sa bangin papunta sa isang ilog na may malakas na agos. Nakaligtas nga sa delubyong iyon si Darryl pero tinanggal naman nito ang kaniyang internal energy. Nakokonsensya pa rin si Gonggong sa kaniyang mga ginawa kahit na nagawa nang ibalik ni Darryl ang nawala nitong internal energy. Dito na niya tinake advantage ang pansamantalang ceasefire sa pagitan ng Nine Mainlands at Tribo ng Raksasa noong gabing iyon para
Mmm! Tumawa si Darryl at tumango kay Gonggong. Nabuhay ang kaniyang dugo habang umuupo roon na parang isang boss at itinataas ang kaniyang mga hita sa harapan ni Gonggong. “Mapapatawad naman kita. Hindi na kita guguluhin kung magagawa mo bigyan ng masahe ang aking mga binti.” “An… ano ang sinabi mo?” Dito na biglang nagbago ang itsura ng magandang mukha ni Gonggong. Halos mawala na ito sa kaniyang sarili. Paano magagawa ng isang kagalang galang na Water God ang pagmamasahe sa mga binti ni Darryl? Hinding hindi siya gagawa kahit na anong trabaho na ginagawa ng mga tagapaglingkod. “Sinasadya mo talaga itong gawin sa akin, Darryl. Hindi ba?” Nagngingitngit na sinabi ni Gonggong. Ngumiti naman si Darryl at narerelax na sinabing, “Gonggong, nagpunta ka rito para humingi ng tawad pero nakita ko na hindi ka sincere sa mga sinasabi mo. Kaya nagrequest na lang ako sa iyo na bigyan ako ng masahe kaysa hintayin akong magising mamaya. Bakit ka ba nabahala rito?” Napasara nang husto ang
Naglakad si Darryl papunta sa pinto para tingnan kung ano ito, agad siyang nagulat sa kaniyang nakita. Dito niya nakita ang naglalakad at nagtatawanang sina Chester at Dax papunta sa kaniyang tent. Mukhang mayroon itong bagay na gustong sabihin kay Darryl. “Ano ang ginagawa nila rito?” Tanong ni Darryl. Dito na mas nabahala si Gonggong na kasalukuyang nasa tabi ni Darryl. Agad na namutla ang kaniyang mukha sa mga sandaling ito.Nakipagkita siya nang patago kay Darryl kaya siguradong paguusapan siya ng lahat sa sandaling makita siya ng ibang tao rito, dito na tuluyang mawawasak ang reputasyong pinakaiingatan niya ng isang libong taon. “Makinig ka sa mga sasabihin ko mamaya. Dahil kung hindi ay hindi na kita matutulungan pa.” Hindi na makakalabas pa ng tent si Gonggong ngayong paparating na rito sina Chester at Dax. Dito na nagisip nang mabilis si Darryl at nagsalita ng seryoso kay Gonggong. Agad namang naconfuse dito si Gonggong. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagaw
Huminga nang malalim si Chester bago dahan dahang sabihin na, “Nandito si Zhang Jue.” Dito na napamura si Dax habang sinasabi na, “Ang hayop na si Zhang Jue! Mapapatay ko talaga ang isang ito kung hindi lang tayo lumalaban sa Tribo ng Raksasa.” Si Zhang Jue ang tumatayong commander noong atakihin ng North Moana ang World Universe. Nagdala ito ng matinding kaguluhan sa World Universe na sumira sa kabuhayan ng maraming mga sibilyan. “Si Zhang Jue?”Napaatras at napasimangot dito si Darryl. Nakilala nila sa pagiging walang awa at tuso nito si Zhang Jue. Nagawa nitong pilitin si Gonggong na dalhin sa kaniya si Darryl. Dito nila inisip kung bakit sila nito bibisitahin, mayroon nanaman kaya itong binabalak na masama sa kanila? Dito na sila nakarating sa isang malaking tent. Dito niya nakita ang nakaupong sina Susan, Quincy, Andy at Parker sa panig ng Union Army nang may seryosong mga itsura. Umupo si Zhang Jue sa harap ng mga ito, nagmukha itong nanlalamig at arogante habang n
“Sige, sige!” Dito na bumagsak ang mukha ni Zhang Jue bago sumisinghal na sinabing, “Sinabi ng mga tao na palagi raw kumakampi si Darryl sa tama at isa rin siyang uri ng mandirigma na magbibigay ng lahat para sa kapakanan ng Nine Mainland. Pero kung titingnan ang gusto niyang mangyari, mahahalata na isa lang lalaking uhaw sa kapangyarihan si Darryl.” Pagkatapos nito ay agad na umalis si Zhang Jue kasama ang kaniyang mga tauhan. Nakasimangot namang tumayo roon si Darryl. “Ano ang nangyari? Aalis na lang siya nang hindi nagkakaroon ng kasunduan? Mukhang hindi ito ang Zhang Jue na nakilala ko.” Isinama ni Zhang Jue ang kaniyang mga heneral pabalik sa kampo ng North Moana. “Military Adviser, ano na po ang susunod nating gagawin?” Tanong ng isa sa mga heneral. Nawawala ang kanilang Emperor kaya kay Zhang Jue umaasa ang buong hukbo ng North Moana para sa mga susunod nilang gagawin. Ngumiti si Zhang Jue bago tumingin sa direksyon ng Raksasa. Dito na niya pangkaraniwang sinabi
Napakamot na lang sa kaniyang ulo ang naaawkward na si Dax. Huminga naman nang malalim si Darryl habang tumitingin sa kaniyang paligid at sinasabi na, “Iipunin natin ngayon ang ating mga sundalo para makipagsanib puwersa kay Zhang Jue, Dali!” Inakala niya na nagdesisyon si Zhang Jue na umatake para ipakita ang kakayahan niya sa pamumuno sa hukbo, hindi alam ni Darryl na isa lang pala itong patibong.“Opo!” Iisang sagot ng lahat bago mabilis na lumabas si Darryl para simulan ang paghahanda sa mga sundalo. Pagkatapos ng isang minuto, nasa daan daang libong mga sundalo ng Union Army ang nagsimula nang maglakad papunta sa kampo ng Raksasa...Samantala, sa kampo ng Raksasa.Nasurpresa ang buong hukbo ng Raksasa sa ginawang ambush ng Celestial Feather Riders, hindi nagtagal ay nagawa na ng mga itong magregroup at umatake sa mga sundalo ng North Moana.“Patayin ninyo silang lahat, huwag kayong magtitira ng kahit na isang buhay!” Maririnig sa buong battlefield ang malakas na sigaw ni Amas
Agad na bumagsak ang mukha ni Darryl noong marealize niya ito. Tumingin siya sa mga kampo at nakita ang daan daang mga bangkay ng Celestial Feather Rider sa paligid. Maliban dito ang pagkawala ng mismong hukbo ng North Moana. Mukhang niloko siya ni Zhang Jue para dalhin dito ang buong Union Army noong atakihin nito ang kampo ng Raksasa. At pgaktapos ay agad siyang aatras sa sandaling dumating si Darryl at hahayaan itong makipaglaban nang magisa sa Raksasa.“Zhang Jue…” Nagsara nang husto ang mga kamao ni Darryl habang namumula ang kaniyang mga mata sa tindi ng kaniyang hinanakit. Kahit kailan talaga ay hindi nabigo ang mga ginagawang ito ni Zhang Jue na pamanghain siya. Sino nga ba ang magaakala na gagawa ito nang ganitong klase nang bagay sa mga panahong ito? Nagalit dito nang husto si Darryl habang desperadong iniisip na paatrasin ang Union Army pero huli na ang lahat dahil napasok na sa isang mainit na laban ang magkabilang panig.Samantala, sumigaw nang malakas si Alaric habang n