“Ano?!” “Sino iyan? Ang lakas ng loob mong pumasok sa aming kampo ah?” “Hulihin niyo siya!” Kahit na nagawang magdisguise at magingat sa paggalaw ni Darryl, masyado pa ring bantay sarado ang kampo ng Raksasa. Bago pa man niya maobserbahan ang kaniyang paligid, isang grupo ng mga nagpapatrolyang sundalo ang lumapit sa area at agad na nakakita kay Darryl.Naramdaman ng mga sundalo ang aura na nagmumula sa katawan ni Darryl. Nagawa pa rin nila itong maramdaman kahit na nagawa itong pahinain ni Darryl. Wala nang nagawa si Darryl noong makita siya ng mga ito. Dito na siya nagulat sa mga nangyari. “Naitago ko na ang aking lakas pero paano pa rin naramdaman ng mga ito ang aking presensya?” Hindi pa alam ni Darryl sa mga sandaling ito na naiiba nang husto ang pamamaraan na ginagamit ng Raksasa sa pagpapalakas kaysa sa pamamaraang ginagamit ng Nine Mainland. Sinabayan pa ito ng matagal na pamumuhay ng Raksasa sa isang lugar na may mabagsik na kapaligiran—ang Secret Region sa labas
Hindi na nagkaroon pa ng sapat na oras ang mga sundalo ng Raksasa na magreact sa ginawang pagatake ni Darryl nang dahil sa lapit ng mga ito sa kaniya. Agad na nanlaki ang kanilang mga mata habang bumabagsak ang kanilang mga katawan sa lupa. “Tapos na!” Napapalakpak na lang si Darryl sa kaniyang mga kamay at pagkatapos ay agad niyang inalis ang armor na suot ng isa sa mga sundalo para isuot sa kaniyang katawan. Nagkunwari siya na isa sa mga sundalo ng Raksasa. Pero pangkaraniwang matatangkad at maskulado ang mga lalaking miyembro ng Raksasa kaya natural lang na maging maluwag nang kaunti ang armor para kay Darryl. Pero wala nang pakialam si Darryl sa ganitong klase ng mga detalye. Pagkatapos nito ay nagmamadali siyang naglakad papunta sa loobang bahagi ng kampo. Hindi napansin ni Darryl ang iba pang mga nakabantay na sundalo ng Raksasa sa kaniyang paligid, at sa halip ay nagawa niyang magtaka sa kakaibang bagay na kaniyang napansin sa paligid ng kampo. Iisa lang ang itsura n
Nagulat dito si Darryl. Masyadong direkta at walang awa ang babaeng Raksasa na ito. Ang sinumang babae na magmumula sa Nine Mainland ay agad na magiging concern sa kaniyang reputasyon kaya hindi nito magagawang umalis sa kinaroroonan niyang bariles. Pero agad na umalis dito si Natalie nang hindi manlang nagdadalawang isip tungkol sa bagay na ito. Mayroong mga usap usapan na masyado raw walang awa at matindi ang mga miyembro ng Raksasa matapos nilang magkaroon ng maiksing mga pasensya. Mukhang totoo nga ang bagay na ito tungkol sa kaniya. Slap! Habang lubog si Darryl sa kaniyang mga iniisip, itinaas ni Natalie ang kaniyang kamay para hampasin si Darryl ng kaniyang latigo! Flip! Gaano nga ba katindi ang latigong ito? Nagawa nitong mahiwa at gumawa ng itim na imahe sa hangin na madaanan nito! Dito na biglang nahati sa dalawa ang pinagliguan niyang bariles at ang laman nitong mainit na tubig. Nagulat nang husto si Darryl makita niya ito. “Masyadong malakas ang babaeng ito.
Alam ni Darryl na makukuha niya ang atensyon ng ibang mga sundali sa sandaling ipagpatuloy niya ang laban. Kaya kinakailangan na niyang talunin ang babaeng ito sa lalong madaling panahon at ang pinakamabilis at ang pinakamainam na paraan para gawin ito ay ang pakikipaglaban sa internal energy ni Natalie! Pagkatapos niyang mamaster ang Heart Sutra of Eight Wilds ng Ghost Valley Sage, mas naging puro at concentrated ang internal energy ni Darryl kaysa sa nawala niyang internal energy noong bago niya ito sanayin. Ano?Napaatras si natalie nang mapansin niya ang pakikipaglaban ni Darryl sa kaniyang internal energy, dito na siya namumuhing tumawa kay Darryl. Naabot niya ang level na ito nang dahil sa kaniyang talent at sa hindi mapapantayang technique ng Raksasa—ang Celestial technique. Masyadong kumplikado at supistikado ang Celestial Technique kaya walang kahit na sinong nagmula sa Raksasa ang nakatalo kay Natalie nang dahil sa internal energy na mayroon ito mula pagkabata. Inisi
Phew…Nakahinga na nang maluwag si Darryl nang makita niyang hindi ganoon karami ang mga nagpapatrolyang sundalo sa labas ng tent. Sa kabutihang palad ay naisip niyang makipaglaban kay Natalie sa pamamagitan ng kanilang mga internal energy lamang. Dahil kung hindi ay agad nilang makukuha ang atensyon ng napakaraming mga sundalo ng Raksasa sa buong kampo. Natuwa naman si Darryl sa kaniyang sarili pero wala na siyang oras para magisip pa. Agad siyang nagpatuloy sa paghahanap sa iba’t ibang mga tent sa paligid. Pero masyadong malaki ang kampo ng Raksasa at napakarami rin ng mga tent na matatagpuan sa loob nito. Hindi na alam ni Darryl kung saan siya magsisimula kaya agad siyang nakaramdam ng pagkabagabag sa kaniyang sarili. Ano? At sa wakas ay nakita ni Darryl ang isang tent na binabantayan ng ilang mga sundalo. Narinig niya rin ang boses ng higit sa isang mga babae mula sa loob ng tent.“Shentel… hindi ito ang bagay na dapat nating gawin.” “Oo nga, pero nawawala pa rin ang
Hay! Nagbuntong hininga si Shentel bago seryosong sabihin na, “Hindi kami pupuwedeng sumama sa iyo, Darryl. Nakinig na ang kagalang galang na anak sa aming mga suhestiyon kaya pinagiisipan na niya ngayon ang pakikipagkasundo sa Nine Mainland. Kaya kinakailangan naming manatili rito para turuan silang maging sibilisado.” Sinabi ni Shentel kay Darryl kung ano ang mga bagay na itinuturo nila kay Alaric noong manatili sila sa kampo ng Raksasa. Buwisit! Namangha si Darryl nang marinig niya iyon. Dito na siya naimpress nang husto sa dalawa. Nagawang arestuhin ng Raksasa ang dalawang mahihinang mga babae na iyon. Pero hindi nalagay sa panganib ang mga ito at sa halip ay nagawa pa nilang tumayo bilang guro ng kagalang galang na anak? Sino nga ba ang maniniwala rito nang hindi nila ito naririnig mula mismo kina Debra at Shentel. “Dapat ka nang umalis.” Mahinhing kinumbinsi ni Debra si Darryl nang makita niya itong determinado sa pagpapatakas sa kanila. “Bantay sarado ang lugar na
Hiss! Napapigil hininga rito ang ibang mga lalaki, nagpawis ang mga ito nang malamig nang makita nila kung ano ang nangyari. Dalawa sa mga scholar ang napaupo sa sobrang takot habang naiihi sa kanilang mga salawal. “Pinatay ng walang awang monghe na ito ang lalaking iyon nang hindi manlang ito binibigyan ng isa pang pagkakataon na mabuhay. Hindi nga ito isang monghe kundi isang demonyo.” “Sino sa inyo ang nakakaintindi sa mga salitang nakaukit sa baul?” Titig ni Donoghue sa paligid habang nanlalamig na tinatanong ang lahat. Tumingin naman ang mga lalaki sa isa’t isa pero walang sinuman sa kanila ang umabante para basahin ito. Agad silang mamamatay sa sandaling magsabi sila ng mali rito kaya sino sa kanila ang aabante para isugal ang kanilang mga buhay? “Buwisit! Kilala kayong mga eksperto sa iba’t ibang mga larangan pero hindi niyo manlang nagawang maintindihan ang dalawang mga salita na ito?” Nagsara nang husto ang mga kamao nang may namumulang mga mata na si Donoghue. Ila
Napamura na lang si Donoghue sa kaniyang puso. At pagkatapos ay tumigil siya para nanlalamig na sabihing, “Dali!” Pinunasan ni Jack ang dugo sa gilid ng kaniyang labi bago nahihirapang tumayo at maglakad papaunta sa hall. Tumingin siya sa mga salitang nakaukit sa baul para basahin ito nang paisa isa. “Sinasabi po rito na ipinagutos ng Yellow Emperor na dalhin ang kayamanang ito sa dagat para maprotektahan ng isang tribo. Mayroon din na isa pang kayamanan ang matatagpuan malapit sa Chaotic Mountain Range…” Pagkatapos basahin ang mga nakasulat kay Donoghe, Tumingin si Jack sa lalaki at nagiingat na sinabing, “Sir, maaari po na ang kayamanang nasa Chaotic Mountain Range ay ang susi para mabuksan ang baul na ito.” “Ito nga iyon!” Tawa ni Donoghue. Bigla itong naliwanagan noong marinig nyia ang mga sinabi ni Jack, walang tigil itong tumawa sa kaniyang kinauupuan. Mukhang iniwan nga ng Yellow Emperor ang baul ng kayamanang ito. Kaya sigurado na isa itong walang katulad na kayamanan