Phew…Nakahinga na nang maluwag si Darryl nang makita niyang hindi ganoon karami ang mga nagpapatrolyang sundalo sa labas ng tent. Sa kabutihang palad ay naisip niyang makipaglaban kay Natalie sa pamamagitan ng kanilang mga internal energy lamang. Dahil kung hindi ay agad nilang makukuha ang atensyon ng napakaraming mga sundalo ng Raksasa sa buong kampo. Natuwa naman si Darryl sa kaniyang sarili pero wala na siyang oras para magisip pa. Agad siyang nagpatuloy sa paghahanap sa iba’t ibang mga tent sa paligid. Pero masyadong malaki ang kampo ng Raksasa at napakarami rin ng mga tent na matatagpuan sa loob nito. Hindi na alam ni Darryl kung saan siya magsisimula kaya agad siyang nakaramdam ng pagkabagabag sa kaniyang sarili. Ano? At sa wakas ay nakita ni Darryl ang isang tent na binabantayan ng ilang mga sundalo. Narinig niya rin ang boses ng higit sa isang mga babae mula sa loob ng tent.“Shentel… hindi ito ang bagay na dapat nating gawin.” “Oo nga, pero nawawala pa rin ang
Hay! Nagbuntong hininga si Shentel bago seryosong sabihin na, “Hindi kami pupuwedeng sumama sa iyo, Darryl. Nakinig na ang kagalang galang na anak sa aming mga suhestiyon kaya pinagiisipan na niya ngayon ang pakikipagkasundo sa Nine Mainland. Kaya kinakailangan naming manatili rito para turuan silang maging sibilisado.” Sinabi ni Shentel kay Darryl kung ano ang mga bagay na itinuturo nila kay Alaric noong manatili sila sa kampo ng Raksasa. Buwisit! Namangha si Darryl nang marinig niya iyon. Dito na siya naimpress nang husto sa dalawa. Nagawang arestuhin ng Raksasa ang dalawang mahihinang mga babae na iyon. Pero hindi nalagay sa panganib ang mga ito at sa halip ay nagawa pa nilang tumayo bilang guro ng kagalang galang na anak? Sino nga ba ang maniniwala rito nang hindi nila ito naririnig mula mismo kina Debra at Shentel. “Dapat ka nang umalis.” Mahinhing kinumbinsi ni Debra si Darryl nang makita niya itong determinado sa pagpapatakas sa kanila. “Bantay sarado ang lugar na
Hiss! Napapigil hininga rito ang ibang mga lalaki, nagpawis ang mga ito nang malamig nang makita nila kung ano ang nangyari. Dalawa sa mga scholar ang napaupo sa sobrang takot habang naiihi sa kanilang mga salawal. “Pinatay ng walang awang monghe na ito ang lalaking iyon nang hindi manlang ito binibigyan ng isa pang pagkakataon na mabuhay. Hindi nga ito isang monghe kundi isang demonyo.” “Sino sa inyo ang nakakaintindi sa mga salitang nakaukit sa baul?” Titig ni Donoghue sa paligid habang nanlalamig na tinatanong ang lahat. Tumingin naman ang mga lalaki sa isa’t isa pero walang sinuman sa kanila ang umabante para basahin ito. Agad silang mamamatay sa sandaling magsabi sila ng mali rito kaya sino sa kanila ang aabante para isugal ang kanilang mga buhay? “Buwisit! Kilala kayong mga eksperto sa iba’t ibang mga larangan pero hindi niyo manlang nagawang maintindihan ang dalawang mga salita na ito?” Nagsara nang husto ang mga kamao nang may namumulang mga mata na si Donoghue. Ila
Napamura na lang si Donoghue sa kaniyang puso. At pagkatapos ay tumigil siya para nanlalamig na sabihing, “Dali!” Pinunasan ni Jack ang dugo sa gilid ng kaniyang labi bago nahihirapang tumayo at maglakad papaunta sa hall. Tumingin siya sa mga salitang nakaukit sa baul para basahin ito nang paisa isa. “Sinasabi po rito na ipinagutos ng Yellow Emperor na dalhin ang kayamanang ito sa dagat para maprotektahan ng isang tribo. Mayroon din na isa pang kayamanan ang matatagpuan malapit sa Chaotic Mountain Range…” Pagkatapos basahin ang mga nakasulat kay Donoghe, Tumingin si Jack sa lalaki at nagiingat na sinabing, “Sir, maaari po na ang kayamanang nasa Chaotic Mountain Range ay ang susi para mabuksan ang baul na ito.” “Ito nga iyon!” Tawa ni Donoghue. Bigla itong naliwanagan noong marinig nyia ang mga sinabi ni Jack, walang tigil itong tumawa sa kaniyang kinauupuan. Mukhang iniwan nga ng Yellow Emperor ang baul ng kayamanang ito. Kaya sigurado na isa itong walang katulad na kayamanan
“Bakit ka nandito?” Natitigilang tanong ni Darryl.Naguluhan siya noong makita niya ang tahimik na pagpasok ni Gonggong sa kaniyang tent na para bang ayaw nitong ipaalam sa lahat ang kaniyang pagbisita. “Darryl!” Nakahinga na rin nang maluwag si Gonggong nang makita niyang magisa lang si Darryl. Napakagat ito sa kaniyang labi habang bumubulong ng, “Patawarin mo ako sa mga nangyari noon—" Nakipagsabwatan si Gonggong kay Zhang Jue para patayin si Darryl. Nakaramdam siya ng pagkakonsensya kahit na hindi siya gumamit ng internal energy noong makita niya si Darryl na mahulog sa bangin papunta sa isang ilog na may malakas na agos. Nakaligtas nga sa delubyong iyon si Darryl pero tinanggal naman nito ang kaniyang internal energy. Nakokonsensya pa rin si Gonggong sa kaniyang mga ginawa kahit na nagawa nang ibalik ni Darryl ang nawala nitong internal energy. Dito na niya tinake advantage ang pansamantalang ceasefire sa pagitan ng Nine Mainlands at Tribo ng Raksasa noong gabing iyon para
Mmm! Tumawa si Darryl at tumango kay Gonggong. Nabuhay ang kaniyang dugo habang umuupo roon na parang isang boss at itinataas ang kaniyang mga hita sa harapan ni Gonggong. “Mapapatawad naman kita. Hindi na kita guguluhin kung magagawa mo bigyan ng masahe ang aking mga binti.” “An… ano ang sinabi mo?” Dito na biglang nagbago ang itsura ng magandang mukha ni Gonggong. Halos mawala na ito sa kaniyang sarili. Paano magagawa ng isang kagalang galang na Water God ang pagmamasahe sa mga binti ni Darryl? Hinding hindi siya gagawa kahit na anong trabaho na ginagawa ng mga tagapaglingkod. “Sinasadya mo talaga itong gawin sa akin, Darryl. Hindi ba?” Nagngingitngit na sinabi ni Gonggong. Ngumiti naman si Darryl at narerelax na sinabing, “Gonggong, nagpunta ka rito para humingi ng tawad pero nakita ko na hindi ka sincere sa mga sinasabi mo. Kaya nagrequest na lang ako sa iyo na bigyan ako ng masahe kaysa hintayin akong magising mamaya. Bakit ka ba nabahala rito?” Napasara nang husto ang
Naglakad si Darryl papunta sa pinto para tingnan kung ano ito, agad siyang nagulat sa kaniyang nakita. Dito niya nakita ang naglalakad at nagtatawanang sina Chester at Dax papunta sa kaniyang tent. Mukhang mayroon itong bagay na gustong sabihin kay Darryl. “Ano ang ginagawa nila rito?” Tanong ni Darryl. Dito na mas nabahala si Gonggong na kasalukuyang nasa tabi ni Darryl. Agad na namutla ang kaniyang mukha sa mga sandaling ito.Nakipagkita siya nang patago kay Darryl kaya siguradong paguusapan siya ng lahat sa sandaling makita siya ng ibang tao rito, dito na tuluyang mawawasak ang reputasyong pinakaiingatan niya ng isang libong taon. “Makinig ka sa mga sasabihin ko mamaya. Dahil kung hindi ay hindi na kita matutulungan pa.” Hindi na makakalabas pa ng tent si Gonggong ngayong paparating na rito sina Chester at Dax. Dito na nagisip nang mabilis si Darryl at nagsalita ng seryoso kay Gonggong. Agad namang naconfuse dito si Gonggong. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagaw
Huminga nang malalim si Chester bago dahan dahang sabihin na, “Nandito si Zhang Jue.” Dito na napamura si Dax habang sinasabi na, “Ang hayop na si Zhang Jue! Mapapatay ko talaga ang isang ito kung hindi lang tayo lumalaban sa Tribo ng Raksasa.” Si Zhang Jue ang tumatayong commander noong atakihin ng North Moana ang World Universe. Nagdala ito ng matinding kaguluhan sa World Universe na sumira sa kabuhayan ng maraming mga sibilyan. “Si Zhang Jue?”Napaatras at napasimangot dito si Darryl. Nakilala nila sa pagiging walang awa at tuso nito si Zhang Jue. Nagawa nitong pilitin si Gonggong na dalhin sa kaniya si Darryl. Dito nila inisip kung bakit sila nito bibisitahin, mayroon nanaman kaya itong binabalak na masama sa kanila? Dito na sila nakarating sa isang malaking tent. Dito niya nakita ang nakaupong sina Susan, Quincy, Andy at Parker sa panig ng Union Army nang may seryosong mga itsura. Umupo si Zhang Jue sa harap ng mga ito, nagmukha itong nanlalamig at arogante habang n