Kabanata 2068
Napipilitang ngumiti si Jerome kay Darryl. “Hindi ko alam na isa ka rin palang bisita. Paumanhin. Paumahin po sa aking mga nagawa—"

Kahit na naging magalang ang kaniyang tono, napuno pa rin ng inis ang mga mata ni Jerome.

Alam ng lahat sa Famed Sword Manor na mahilig si Parker na magsuot ng panlalaki at maglakbay sa buong mundo kahit na siya ang kinikilalang tagapagmana ng Famed Sword Manor. Mayroon din itong approachable na personalidad kaya mabilis siyang nagkakaroon ng kaibigan saan man siya magpunta. Mahilig itong makipagkaibigan sa mga ordinaryong tao.

Kaya kahit na naging kaibigan si Darryl ni Parker, malaki pa rin ang tiyansa na isa lang itong ordinaryong tao. Nagawa na niya itong bastusin pero hindi manlang siya nagawang parusahan ni Parker. Sinabihan lang siya nito ng kaunti.

Siguradong hindi ito palalampasin ni Parker kung isa si Darryl sa mga importante niyang bisita.

“Mukhang wala namang kuwenta ang taong ito, pero nagawa pa rin niyang maging kaibigan ni Ms. Parker?”

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP