"Master Jackie!"Nagising na rin sa wakas si Jacob sa realidad. Kalmado niyang tiningnan si Jackie at sinabing, “Maraming salamat po sa ipinakita ninyong kagandahang loob. Ilang libong taon nang nakatayo ang Famed Sword Manor. At naging mabait din kami sa mga taong kabilang sa mundo ng mga cultivator kaya hindi kami nagkaroon ng kahit isang kaaway. Ito ang dahilan kung bakit hindi namin kakailanganin ang proteksyon o alyansa sa Illusion Sound Sect.”Naging magalang ang pananalita ni Jacob habang nagpapakita ng determinasyon ang kaniyang mga mata.Dugo at pawis ng Famed Sword Manor ang paglikha sa tatlong mga Violet Category na sandata sa loob ng 10 taon. Kaya paano nila ito magagawang ibigay sa Illusion Sound Sect?Isa ring maayos at konserbatibong sekta ang Famed Sword Manor. Kaya paano nila magagawang makipagalyansa sa isang sektang puno ng kasamaan na kagaya ng Illusion Sound Sect—na isang bastos at aroganteng sekta na iniiwasan ng lahat?Napangiti ang mga labi ni Jackie habang
Huwag kang magpadala sa iyong emosyon, Paxton!” Agad na nagbago maging ang mukha ni Jacob. Sinubukan niyang pigilan si Paxton pero huli na ang lahat.Nanatili pa ring walang pakialam si Jackie kahit na nagawa siyang atakihin ni Paxton.Buzz! Dito na lumabas ang internal energy sa katawan ni Jackie na nakapagpatigil sa pagdaloy ng hangin sa kaniyang paligid habang dahan dahan na ikinakaway ang kaniyang pamaypay na nagpakita sa isang protective shield sa kaniyang harapan.Bang!Malakas na tumama sa isa’t isa ang mahabang espada ni Paxton at ang protective shield ni Jackie, pero hindi manlang nagpakita ng lamat ang shield ni Jackie habang gumagawa naman si Paxton ng mahinang pagungol bago tumalsik patalikod. Tumalsik siya ng 100 metro bago tumama sa isang poste. Malakas din itong bumagsak sa lupa.“Pfft…” Bumagsak nang husto ang mukha ni Paxton. Dumura muna siya ng sariwang dugo bago tuluyang nawalan ng malay!Napapigil hininga rito ang mga disipulo at bisita na nakakita sa pangya
Nagmukhang determinado si Jacob nang marinig niya ang mga sianbi ni Parker. Walang takot niyang tiningnan si Jackie at sinabing. “Tigilan mo na ang mga kalokohan mo. Hinding hindi makikipagtulungan sa inyo ang Famed Sword Manor.”“Sige!”Tumango at ngumiti naman dito si Jackie. Dito na nanlamig ang kaniyang itsura habang naguutos ng. “Kunin ninyo ang mga sandata. Walang kahit na sinong miyembro ng Famed Sword Manor ang ititira ninyong buhay!”“Opo!”Agad na sumabog ang internal energy mula sa libo libong mga disipulo ng Illusion Sound Sect. Pero walang sinabi na kahit ano ang mg aito habagn sumusugod sa Famed Sword Manor!"Argh!"Walang kahit na sino sa kanila ang nakapagreact sa tamang oras, agad na narinig ng kahit na sino ang miserableng sigaw ng mga disipulo ng Famed Sword Manor. Hindi na nakapagreact ang karamihan sa mga disipulo noong atakihin sila ng Illusion Sect kaya agad na bumagsak ang kanilang mga katawan sa lupa.Masyadong malakas ang mga disipulo ng Illusion Sound
Napuno na ng desperasyon si Parker sa mga sandaling ito.Swoosh! Namula nang husto ang mga mata ni Jacob habang tumititig kay Jackie. “Jackie Yale! Gusto mong wasakin ang aking Famed Sword Manor? Alam ko sa aking sarili na hindi mo ito magagawa. Sige pa!”Hindi nagpakita ng kahit na kaunting takot sa kaniyang mukha si Jacob, sumigaw ito habang galit na umaatake sa mga disipulo ng Illusion Sound Sect!Dito na mas miserable ang sitwasyon ng laban. Masyadong malaki ang agwat sa lakas ng dalawang mga sekta. Pero buong puso pa ring lumaban ang mga disipulo ng Famed Sword Manor, ginawa nila ang lahat para madepensahan ang kanilang kinabibilangang sekta!Nabalot ng matapang na amoy ng dugo ang hangin habang nabubuo ang isang kulay dugong hamog sa ere!Sa loob ng 10 minuto, halos kalahati na ng mga disipulo ng Famed Sword Manor ang napatumba ng Illusion Sound Sect. Buong lakas pa ring lumaban ang natitirang kalahati para mapaatras ang Illusion Sound Sect.“Mamatay na kayong mga miyembr
Sa mga sandaling ito, sumigaw si Jackie at hinawakan nang mahigpit ang leeg ni Parker. Siguradong mamamatay si Parker sa sandaling higpitan pa ni Jackie ang kaniyang kamay!“Mga disipulo ng Famed Sword Manor, makinig kayong lahat! Ibaba ninyo ang mga hawak ninyong sandata, huwag na huwag kayong susuway sa akin! Dahil kundi hindi ay agad na mamamatay si Parker Yohan.” Malademonyong ngumiti sa mga sandaling ito si Jackie. Napuno ng agresyon ang guwapo nitong mukha. “Manor Master Jacob, narinig ko na paborito raw ninyo si Parker. Kaya sigurado ako na masasaktan kayo nang husto sa sandaling may mangyari na hindi maganda sa kaniya ngayon.”“Sinisiguro ko na wala akong sasaktan na kahit na sino sa Famed Sword Manor sa sandaling sumuko kayo sa amin.”“Masyado siyang maganda kaya nagdadalawang isip ako na patayin siya…”Napuno ng panloloko ang tono ni Jackie nang sabihin niya iyon.Confident si Jackie na matatalo niya si Jacob sa sandaling maglaban silang dalawa. Pero isa itong Sect Maste
Hindi pinansin ni Darryl ang mga tao sa kaniyang paligid habang nakatingin ang mga ito sa kaniya. Tumingin ito kay Jackie at sinabing, “Ikaw ang Sect Master ng Illusion Sound na si Jackie Yale tama?” Isa kang pinuno ng sekta at isa ring maimpluwensyang tao pero nagawa mo paring gumamit ng maduduming taktika. Nagawa mong magbanta sa pamamagitan ng panghohostage sa kaniyang anak. Hindi ka ba natatakot na baka pagtawanan ka lang ng ibang tao nang dahil sa ginawa mong ito?”Wow! Agad na umingay ang mga tao sa paligid, mapabisita man o mga disipulo ng Illusion Sect ay nagisip nab aka mali ang kanilang pagkakadinig sa mga sinabi ni Darryl.Ang lakas ng loob ni Darryl na sermonan si Jackie sa harapan ng lahat?Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob para gawin iyon?”Swoosh! Nanlamig dito ang itsura ni Jackie. Tumitig siya kay Darryl at nanermon. “Sino ka ba talaga sa tingin mo? Dahil kilala mo na kung sino ako, ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako nang ganiyan ah? Gusto mo na
Dito na pinakawalan ni Jackie si Parker. Parang naging isang beam ng ilaw ang kaniyang imahe habang inaatake nang direkta si Darryl! Nasira ang daloy ng hanginsa ligar na kaniyang dinaraanan—isa itong katakot takot na tanawin para sa kahit na sino.Nagalala sa mga sandaling ito kay Darryl ang mga disipulo ng Famed Sword Manor.Nadala sila sa ipinakitang katapangan ni Darryl, pero isa lang itong ordinaryong cultivator. Kaya paano niya magagawang tapatan ang isang katulad ni Jackie?Napailing sa kaniyang sarili maging ang ama ni Parker na si Jacob. Masyadong nagpadalos dalos ang kaibigang ito ng kaniyang anak.Ngumiti si Darryl nang makita niya ang ginawang pagatake ni Jackie, hindi manlang siya nagpanic dito.“Mamatay ka na!”Nasa harap na ni Darryl si Jackie habang sumisigaw nitong ginagawa ang kaniyang pagatake!Ngumisi naman dito si Darryl. Nakapirme siyang tumayo roon habang ginagamit ang kaniyang internal energy para salubungin ang pagatake ni Jackie.Bang! Nagtama ang pa
“Isa lang siyang hindi kilalang cultivator pero nagawa pa rin niyang magpanggap na bayani para iligtas ang isang bihag na prinsesa?”Kahit na nagawang salagin ni Darryl ang pagatake ni Jackie, naniniwala pa rin si Lucas na hindi niya magagawang manalo sa labang ito at miserable siyang matatalo ni Jackie mamaya.Patuloy pa ring nagalala ang mga disipulo ng Famed Sword Manor kay Darryl.Maging ang magandang mukha ni Parker ay napuno ng pagkabahala.Kahit n amalakas si Darryl, masyado pa ring puno ng kasamaan ang maduduming taktika si Jackie. Pumapatay itong umatake kay Darryl kaya siguradong masusugatan nang husto si Darryl sa sandaling tumama sa kaniyang katawan ang kahit isa sa mga pagatakeng ito.Walang tigil na umatake nang sunod sunod si Jackie sa gitna ng ere.Pero agad na sinalag ni Darryl ang bawat pagatakeng ginawa ni Jackie. Sa totoo lang ay nagawa nang makipaglaban ni Darryl sa isang makasaysayan at napakalakas na taong kagaya ni Yang Jian kaya hindi na niya kailangan pa