Nagmukhang determinado si Jacob nang marinig niya ang mga sianbi ni Parker. Walang takot niyang tiningnan si Jackie at sinabing. “Tigilan mo na ang mga kalokohan mo. Hinding hindi makikipagtulungan sa inyo ang Famed Sword Manor.”“Sige!”Tumango at ngumiti naman dito si Jackie. Dito na nanlamig ang kaniyang itsura habang naguutos ng. “Kunin ninyo ang mga sandata. Walang kahit na sinong miyembro ng Famed Sword Manor ang ititira ninyong buhay!”“Opo!”Agad na sumabog ang internal energy mula sa libo libong mga disipulo ng Illusion Sound Sect. Pero walang sinabi na kahit ano ang mg aito habagn sumusugod sa Famed Sword Manor!"Argh!"Walang kahit na sino sa kanila ang nakapagreact sa tamang oras, agad na narinig ng kahit na sino ang miserableng sigaw ng mga disipulo ng Famed Sword Manor. Hindi na nakapagreact ang karamihan sa mga disipulo noong atakihin sila ng Illusion Sect kaya agad na bumagsak ang kanilang mga katawan sa lupa.Masyadong malakas ang mga disipulo ng Illusion Sound
Napuno na ng desperasyon si Parker sa mga sandaling ito.Swoosh! Namula nang husto ang mga mata ni Jacob habang tumititig kay Jackie. “Jackie Yale! Gusto mong wasakin ang aking Famed Sword Manor? Alam ko sa aking sarili na hindi mo ito magagawa. Sige pa!”Hindi nagpakita ng kahit na kaunting takot sa kaniyang mukha si Jacob, sumigaw ito habang galit na umaatake sa mga disipulo ng Illusion Sound Sect!Dito na mas miserable ang sitwasyon ng laban. Masyadong malaki ang agwat sa lakas ng dalawang mga sekta. Pero buong puso pa ring lumaban ang mga disipulo ng Famed Sword Manor, ginawa nila ang lahat para madepensahan ang kanilang kinabibilangang sekta!Nabalot ng matapang na amoy ng dugo ang hangin habang nabubuo ang isang kulay dugong hamog sa ere!Sa loob ng 10 minuto, halos kalahati na ng mga disipulo ng Famed Sword Manor ang napatumba ng Illusion Sound Sect. Buong lakas pa ring lumaban ang natitirang kalahati para mapaatras ang Illusion Sound Sect.“Mamatay na kayong mga miyembr
Sa mga sandaling ito, sumigaw si Jackie at hinawakan nang mahigpit ang leeg ni Parker. Siguradong mamamatay si Parker sa sandaling higpitan pa ni Jackie ang kaniyang kamay!“Mga disipulo ng Famed Sword Manor, makinig kayong lahat! Ibaba ninyo ang mga hawak ninyong sandata, huwag na huwag kayong susuway sa akin! Dahil kundi hindi ay agad na mamamatay si Parker Yohan.” Malademonyong ngumiti sa mga sandaling ito si Jackie. Napuno ng agresyon ang guwapo nitong mukha. “Manor Master Jacob, narinig ko na paborito raw ninyo si Parker. Kaya sigurado ako na masasaktan kayo nang husto sa sandaling may mangyari na hindi maganda sa kaniya ngayon.”“Sinisiguro ko na wala akong sasaktan na kahit na sino sa Famed Sword Manor sa sandaling sumuko kayo sa amin.”“Masyado siyang maganda kaya nagdadalawang isip ako na patayin siya…”Napuno ng panloloko ang tono ni Jackie nang sabihin niya iyon.Confident si Jackie na matatalo niya si Jacob sa sandaling maglaban silang dalawa. Pero isa itong Sect Maste
Hindi pinansin ni Darryl ang mga tao sa kaniyang paligid habang nakatingin ang mga ito sa kaniya. Tumingin ito kay Jackie at sinabing, “Ikaw ang Sect Master ng Illusion Sound na si Jackie Yale tama?” Isa kang pinuno ng sekta at isa ring maimpluwensyang tao pero nagawa mo paring gumamit ng maduduming taktika. Nagawa mong magbanta sa pamamagitan ng panghohostage sa kaniyang anak. Hindi ka ba natatakot na baka pagtawanan ka lang ng ibang tao nang dahil sa ginawa mong ito?”Wow! Agad na umingay ang mga tao sa paligid, mapabisita man o mga disipulo ng Illusion Sect ay nagisip nab aka mali ang kanilang pagkakadinig sa mga sinabi ni Darryl.Ang lakas ng loob ni Darryl na sermonan si Jackie sa harapan ng lahat?Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob para gawin iyon?”Swoosh! Nanlamig dito ang itsura ni Jackie. Tumitig siya kay Darryl at nanermon. “Sino ka ba talaga sa tingin mo? Dahil kilala mo na kung sino ako, ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako nang ganiyan ah? Gusto mo na
Dito na pinakawalan ni Jackie si Parker. Parang naging isang beam ng ilaw ang kaniyang imahe habang inaatake nang direkta si Darryl! Nasira ang daloy ng hanginsa ligar na kaniyang dinaraanan—isa itong katakot takot na tanawin para sa kahit na sino.Nagalala sa mga sandaling ito kay Darryl ang mga disipulo ng Famed Sword Manor.Nadala sila sa ipinakitang katapangan ni Darryl, pero isa lang itong ordinaryong cultivator. Kaya paano niya magagawang tapatan ang isang katulad ni Jackie?Napailing sa kaniyang sarili maging ang ama ni Parker na si Jacob. Masyadong nagpadalos dalos ang kaibigang ito ng kaniyang anak.Ngumiti si Darryl nang makita niya ang ginawang pagatake ni Jackie, hindi manlang siya nagpanic dito.“Mamatay ka na!”Nasa harap na ni Darryl si Jackie habang sumisigaw nitong ginagawa ang kaniyang pagatake!Ngumisi naman dito si Darryl. Nakapirme siyang tumayo roon habang ginagamit ang kaniyang internal energy para salubungin ang pagatake ni Jackie.Bang! Nagtama ang pa
“Isa lang siyang hindi kilalang cultivator pero nagawa pa rin niyang magpanggap na bayani para iligtas ang isang bihag na prinsesa?”Kahit na nagawang salagin ni Darryl ang pagatake ni Jackie, naniniwala pa rin si Lucas na hindi niya magagawang manalo sa labang ito at miserable siyang matatalo ni Jackie mamaya.Patuloy pa ring nagalala ang mga disipulo ng Famed Sword Manor kay Darryl.Maging ang magandang mukha ni Parker ay napuno ng pagkabahala.Kahit n amalakas si Darryl, masyado pa ring puno ng kasamaan ang maduduming taktika si Jackie. Pumapatay itong umatake kay Darryl kaya siguradong masusugatan nang husto si Darryl sa sandaling tumama sa kaniyang katawan ang kahit isa sa mga pagatakeng ito.Walang tigil na umatake nang sunod sunod si Jackie sa gitna ng ere.Pero agad na sinalag ni Darryl ang bawat pagatakeng ginawa ni Jackie. Sa totoo lang ay nagawa nang makipaglaban ni Darryl sa isang makasaysayan at napakalakas na taong kagaya ni Yang Jian kaya hindi na niya kailangan pa
“Tapos na ang labang ito, Master Jackie.” Nanlamig ang mukha ni Darryl na hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon.Buzz!Buong lakas na ikinaway ni Darryl ang kaniyang kamay habang lumalabas ang napakalakas na aura sa Heavenly Halberd at umaatake ang isang kulay dugong beam ng ilaw kay Jackie.Hindi na halos nakapagisip pa si Jackie nang magbago ang kaniyang itsura. Agad niyang ginamit ang kaniyang internal energy at ang ginagamit niyang Evolving Murder Machine para salagin ang ginagawang pagatake ni Darryl!Bang!Malakas na tumama ang kulay dugong beam ng liwanag sa Evolvong Murder Machine na nakapagpaungol nang mahina kay Jackie bago ito tumalsik mula sa kaniyang puwesto. Lumipad siya ng 100 metro bago bumagsak nang malakas sa lupa.Nagmukhang mabagsik at brutal ang mga ginagawang pagatake ni Jackie nang labanan nito si Darryl, pero nagamit na niya ang karamihan sa kaniyang internal energy sa totoo lang. Biglang hindi na kinaya ni Jackie ang pagharap kay Darryl noong gamitin
Napatingin ang lahat kay Darryl nang marinig ang kaniyang mga sinabi.Lalo na ang mga taong takot sa Illusion Sound Sect. Binaha ng iba’t ibang bagay ang kanilang mga isipan.Isang demonyong halimaw si Jackie na walang pakundangang pumapatay ng kahit na sino. Siya palagi ang may kontrol kung mabubuhay ba ang ibang tao o hindi. Pero, natalo ito nang husto ni Darryl kanina. Maggalit kaya ito at tatalikod sa kanilang pustahan?“Woo!”Namula rito ang mukha ni Jackie. Dito na siya huminga nang malalim habang sinasabi na, “Kahit na isa akong masamang tao, tinutupad ko pa rin ang aking mga sinabi kaya inaamin ko sa lahat ngayon ang aking pagkatalo.”Dito na itinaas ni Jackie ang kaniyang mga kamay habang sinasabi na, “Makinig kayong lahat. Agad na kaming aalis ng Famed Sword Manor para bumalik sa aming main altar.”Napuno ng pagdadalawang isip si Jackie nang isigaw niya ang huling pangungusap ng kaniyang mga sinabi.Sa totoo lang, ayaw niya talagang umalis nang ganoon ganoon lang. Mala