“Kahanga hanga ang ginawa ninyo, Master Darby! Nagawa niyo pong paalisin si Jackie kanina.”“Oo nga! Hindi na ako magtataka kung bakit kayo naging maimpluwensyang tao!”Nagbigay respeto ang mga bisitang ito kay Darryl at sinubukang pasiyahin ito. Pero wala ngayon sa mood si Darryl para makipagusap sa mga hipokrito sa kaniyang paligid. Kaya ngumiti na lang siya at nakipagpalitan ng ilang salita sa mga ito.Wala ring naging pakialam si Jacob Yohan sa mga nakapaligid sa kanilang bisitan.Noong una ay sinubukan ng mga ito ang lahat para matuwa si Jacob noong makita nila ang mga Violet Category na sandata ng Famed Sword Manor. Pero agad nila itong iniwasan na parang may nakahahawang sakit noong magpakita ang Sect Master ng Illusion Sound Sect na si Jackie.Naramdaman ni Jacob na mas makakabuti para sa kaniya na huwag makipagkaibigan sa mga taong gusto lang magtake advantage sa reputasyong mayroon ang kaniyang sekta.Nahiya nang manatili roon ang mga bisita noong maramdaman nila ang mo
Hindi na nagsalita pa si Jackie rito bago tumalikod at umalis. Sa loob ng isang iglap ay agad siyang nawala sa dilim.“Woo!”Agad na huminga nang malalim ang may mapait na mukhang si Lucas.Inutusan siya ng kaniyang master na humanap ng sarili niyang paraan, ano naman kayang paraan ang puwede niyang gawin?…Sa loob ng Famed Sword Manor sa mga sandaling ito!Nagpasadya si Jacob ng isang banquet para magpasalamat sa pagtulong na ginawa sa kanila ni Darryl.At pagkatapos ay naghanda sila ng isa sa mga guest room na pagpapahingahan ni Darryl pagkatapos nilang kumain.Samantala, kasalukuyang nakahiga si Darryl sa kaniyang higaan, hindi pa rin ito makatulog hanggang ngayon. Dalawang oras na ang nakalilipas pero wala pa rin siyang natatanggap na balita tungkol kay Debra.Hindi pa rin mahanap ng mga tauhan ni Parker si Debra kaya paano niya ito mapapalampas?Knock! Knock!Isang natutuwang boses ang kaniyang narinig sa labas noong mga sandaling iyon, “Gising ka pa po ba, Master Darb
”Woo!”Mukhang kalmado si Lucas sa panlabas na anyo, pero labis itong natuwa nang makita niya si Darryl na ininom ang wine.Inimbita ni Lucas si Darryl para mag-inom hindi dahil sa paghanga, kundi dahil sa matagumpay na nagampanan nito ang utos ni Jackie na hulihin si Darryl.Mapanlinlang si Lucas. Alam nitong hindi maaapektuhan ng pangkaraniwang lason ang makapangyarihang si Darryl, kaya hindi ito ganoon ka-bobo para lagyan ng lason ang wine!Walang lason sa wine na iyon, pero maraming problema rito!Ang Tipsy ang espesyalidad ng Yellow Sea Continent pagdating sa matapang na alak. Kayang malasing ng halos kalahating buwan kapag puno ang bibig na nainom ang wine. Maaaring hindi kayanin ng isang cultivator ang malakas na tama nito. Ang lahat ng pamilyar sa wine na iyon ay alam na kailangan munang uminom ng pangontra para buo nilang ma-enjoy ang Tipsy.Simple lamang ang plano ni Lucas, hindi nito sinabi kay Darryl kung gaano kalakas ang tama ng Tipsy at hinintay nitong malasing ang
Pagtapos ay tinawag nito ang dalawa niyang kasama at nag-utos. “Bilis, tanggalan ng damit ang lalaking ito.”Napabulong ang dalawa nitong kasama nang hubarin nila ang damit ni Darryl gaya ng utos ni Darryl.“Buhatin siya at umalis na tayo!” Ikinuway ni Lucas ang kaniyang mga kamay at umalis.Kaagad na binuhat ng dalawa si Darryl at sumunod sa lalaki. Sa parehong sandali ay hindi nito nakalimutang dalhin ang mga damit ni Darryl.Tinantsa ang kadiliman ng gabi, dinala ni Lucas at ng dalawa nitong kasama si Darryl sa kwarto ni Parker. Hindi pa bumabalik si Parker nang sandaling iyon dahil may mga gagawin pa itong mga bagay.Pagtapos ay tinapon nila si Darryl sa higaan ni Parker bago kaagad na nagtago sa madilim na sulok sa labas si Lucas at ang dalawa nitong kasama.“Darryl!”Naglabas ng masamang pagngiti si Lucas nang nakapagtago na ang mga ito at kinausap ang kaniyang sarili. “Huwag mo akong sisihin sa pagiging masama at malupit. Sinong nag-utos sa iyo para saktan ang aming Illis
”Pinsan!”Nang sandaling iyon ay pumasok sa loob ng kwarto ang kanina’y nasal abas na si Lucas dala ang dalawa nitong kasama.“Anong nangyayari?” Malakas na sumigaw si Lucas nang may pag-alala bago nito tingnan si Darryl na nasa higaan habang nasorpresa ang kaniyang reaksyon. “B-bakit nandito si Master Darby?” Masasabing magaling umarte si Lucas. Walang napansin si Parker, bagkus ay naisip nito nab aka ang kaniyang pagsigaw ang dahilan ng pagpunta roon ni Lucas.“Ako…” Namula ang mukha ni Parker nang kagatin nito ang knaiyang labi, nahiya itong nagsalita. “Hindi ko rin alam…”Magulo ang puso ni Parker sa orasna iyon. Mahihirapan ang sino mang babaeng nasa parehong sitwasyon.“Woola!”Nang sandaling iyon ay narinig ni Jacob at ng maraming alaagd ang kaguluhan, lumapit ang mga ito.Uh…Kaagad na nagulat ang lahat sa kanilang nakita sa kwarto, komplikado ang ekspresyon ng mga ito.“B-bakit nasa kwarto ni Miss Parker si Darryl?”“Napakalakas ng amoy ng alak…”“Hindi kaya’y gus
Nandilim ang mukha ni Jacob nang sabihin niya iyon. Nakaramdam din ito ng hindi kasiguraduhan.Katunayan ay hindi rin naniwala si Jacob na ganoong klase ng tao si Darryl. Ngunit napatunayan ng sitwasyon na ganoon na nga. Isa pa, amoy alak si Darryl.Ngunit laging mature si Jacob sa kaniyang mga ginagawa dahil Ang Manor Master ng Famed Sword Manor ay naghintay na magising si Darryl bago ito kwestyunin.“Tito!”Ngunit nabahala si Lucas nang sandaling iyon, seryoso itong nagsalita. “Kahit ano pa ang katotohanan ay lasing pa rin si Darryl at hanggang ngayo’y nakahiga pa rin ito sa higaan ni Parker. Maaari nitong masira ang pagka-inosente ni Parker at ang reputasyon ng Famed Sword Manor. Paano kung may lumabas na balitang nagkunwari tayong tila walang nangyari. Paano tayo makikita ng ibang tao? Paano magpapakasal si Parker sa hinaharap?”Matuwid na nagsalita si Lucas bago nito tiningnan ang mga tao sa paligid. “Sa tingin ko ay kailangan mula natin siya itali at saka tanungin pagka gisi
”Sandali!”May biglang naisip si Lucas nang paalis na sana sila, angbigay ito ng utos sa dalawang tauhan. “Ilapag si Darryl at tingnan kung mayroon siyang dalang gamit.”Haha.Hindi lamang Sect Master ng Elysium Gate si Darryl, Emperor din ito ng Westrington. Paniguradong marami siyang mahahalagang bagay na dala.Baka may makita akong ultimate manual kapag hinalughog ko ang kagamitan niya bago siya dalhin sa Illusion Sound Sect.’Napangiti si Lucas habang naisip iyon.“Masusunod, Young Master!”Sumagot ang dalawang tauhan at inilapag si Darryl bago nagsimulang maghanap sa kaniyang katawan.Hindi nagtagal ay may nakita silang dalawang bagay. Una ay ang pagoda, habang ang isa naman ay ang enchanted beast pouch.Nagbabago ang laki ng Seven Treasures Exquisite Pagoda, kaya naman ang pinakamaliit na laki ang ginagamit ni Darryl—kasing taas nito ang hinlalaki—kapag hindi niya ito ginagamit. Sa mata ng ordinaryong tao ay walang espesyal dito, mahihirapan din ang mga ito para matuklas
Ngunit lasing na lasing si Darryl at walang makakapagpagising sa kaniya. Sa wakas ay sumuko na si Rocky at humiga ito sa tabi ni Darryl habang tahimik itong nagbantay.Sa wakas ay nagising din si Darryl makalipas ang mahabang oras, nakaramdam ito ng pagkahilo nang buksan niya ang mga mata.Nang sandaling iyon ay hindi pa rin maayos ang lagay ng lalaki dahil sa kalasingan, namula ang mga mat anito, sinampal ang kaniyang noo, at tumayo. Napakalakas ng epekto ng wine na ibinigay ni Lucas.Isa pa, mukhang inatake siya ni Lucas at gusto siya nitong makatulog noong nalasing siya.‘Hmm?’Napakunot ang noo ni Darryl at tiningnan ang paligid habang nag-iisip, mabilis itong nagulat.Nasaan siya?Napansin nito ang napakalinaw na lawa sa kaniyang harapan dahil sa preskong hangin. Tiningnan nito ang paligid at napagtantong siya ay nasa lambak na kasing ganda ng isang paraiso.Mukhang maamo ang nakahiga sa tabi nitong si Rocky.“Ano ang lugar na ito?” Bumalik sa wisyo si Darryl at curious n