Kabanata 2090
”Sandali!”

May biglang naisip si Lucas nang paalis na sana sila, angbigay ito ng utos sa dalawang tauhan. “Ilapag si Darryl at tingnan kung mayroon siyang dalang gamit.”

Haha.

Hindi lamang Sect Master ng Elysium Gate si Darryl, Emperor din ito ng Westrington. Paniguradong marami siyang mahahalagang bagay na dala.

Baka may makita akong ultimate manual kapag hinalughog ko ang kagamitan niya bago siya dalhin sa Illusion Sound Sect.’

Napangiti si Lucas habang naisip iyon.

“Masusunod, Young Master!”

Sumagot ang dalawang tauhan at inilapag si Darryl bago nagsimulang maghanap sa kaniyang katawan.

Hindi nagtagal ay may nakita silang dalawang bagay. Una ay ang pagoda, habang ang isa naman ay ang enchanted beast pouch.

Nagbabago ang laki ng Seven Treasures Exquisite Pagoda, kaya naman ang pinakamaliit na laki ang ginagamit ni Darryl—kasing taas nito ang hinlalaki—kapag hindi niya ito ginagamit. Sa mata ng ordinaryong tao ay walang espesyal dito, mahihirapan din ang mga ito para matuklas
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP