Ano?Nagulat si Darryl at halos maiyak ito.Hindi sinasadyang makapasok sa Holy Lake at naghinalos doon. Wala itong ibang ginawa. Bakit kailangan niyang patayin ng ganoon lang?Napakalupit.Walang magawa si Darryl nang sandaling iyon.Noong una ay inakala nitong maliit na bagay lamang iyon at maaayos sa ilang sandaling pag-uusap. Ngunit hindi niya inakalang napaka seryoso pala nito at kailangan siyang pugutan ng ulo.Hindi gustong umakyson ni Darryl dahil baka mailantad niya ang totoong pagkatao. Ngunit mukhang wala siyang ibang magagawa base sa sitwasyon sa kaniyang harapan.Mamamatay siya kapag hindi siya lumaban!Nagsimulang likumin ni Darryl ang kaniyang internal na enerhiya at nagsimulang manlaban nang maisip iyon.“Hmm…”Ngunit biglang napa-ungol sa sakit si Jasmine habang ansa trono ito, sobrang nakaka-akit ng boses nito.Gasp.Biglang napalingon si Darryl at napahinga ng malalim. Gulat na gulat ang lalaki.Napansin nitong ang maayos kanina lang na si Jasmine ay nami
Hmm?Nagulat si Jasmine nang marinig niya iyon.Labis ring nasorpresa ang mga napatingin kay Darryl.P-paano niya napansin?“Paano mo nalaman?”Bumalik sa misyo si Jasmine nang sandaling iyon. Tiningnan nitong maigi si Darryl at malamig na nagsalita. “Magsabi ka ng totoo at sabihin mo sa akin ngayon din, kundi ay hihilingin mong sana’y hindi ka na nabuhay.”Galing sa chilly aura ng Millennium Ice Toad ang chill poison na nasa katawan ni Jasmine.Limang taon na ang nakaraan nang nag-ikot si Jamine at aksidente nitong nadaanan ang kweba ng Millenium Ice Toad, nasugatan siya roon. Kumalat ang chill aura sa knaiyang katawan at naging chill poison ito. Taon taon ay lumalakas ang lason sa katawan tuwing tag-init. Hindi matitiis ang paghihirap.Pero si Snowy lamang ang nakakaalam sa insidenteng ito. Paano ito nalaman ng isang estranghero?Naging malamig ang magandang mukha ni Jasmine nang maisip niya iyon.Magmula noong nabuo ang Sun Set Sect ay bihira nang maglibot ang mga alagad sa
Hindi naitago ni Snowy ang mapagmataas niyang tingin, malamig nitong kinausap ri Darryl. “Napakayabang mo. Sino ka para magsinungaling sa Sect Master. Tatlong taon ang ginugol ko sa pagre-research tungkol sa chill poisin at nabasa ko na ang lahat ng mga libro ng medisina, walang kwenta ang maraming solusyon na nakasaad sa mga iyon. Iilang libro lamang ang nabasa mo pero sinasabi mong kaya mo siyang pagalingin? Sinong niloloko mo?”Swoosh!Naubusan din ng pasensya si Jasmine nang oras na iyon, tiningnan nito si Darryl at malamig na nagsalita. “Napakatapang at aroganteng tao. Sino ka para lokohin ako? Sa tingin mo ay magagamot mo ang aking chill poison?”Naloko na ito ng isang lalaki bilang isang Sun Sect Master kaya paano niya ito matatanggap?Sigh!Mapait na ngumiti si Darryl nang marinig iyon at wala itong magawa nang magsalita. “Wala po akong sama ng loob sainyo, Sect Master, kaya bakit naman kita lolokohin? Totoo ang lahat ng sinabi ko. Sinasabi ko lamang ito para pakawalan niy
Nag-utos si Darryl kay Selena. “Hey ganda. Tulungan mo akong magsindi ng apoy!”Hmm?Sandaling nagulat si Selena bago ito kaagad nagsalita ng pabalang. “Anong sinabi mo? Gusto mong tulungan kita sa pagsindi ng apoy?”Habang tumatagal ay mas nagiging bastos ang lalaking iyon. Siya ang nakatatandang kapatid ng Sun Set Sect. Ang lakas ng loob ng lalaki para utusan itong magsindi ng apoy.Seryosong nagtanong si Darryl at kinuway pa nito ang kaniyang mga kamay. “Bakit? Nakakhiya bang gawin iyon? Ayos lang kung ayaw mo dahil para sa Sect Master mo naman ang elixir na ito. Paniguradong mas mahalaga ang ego mo kesa sa buhay ng iyong Sect Master.Kahit na seryoso ang kaniyang ekspresyon ay natawa sa loob si Darryl.‘Napakayabang ng Selenang ito. Tatanggalin ko ang proud at mayabang na pag-uugali mo.’“Ikaw!”Labis na nagalit si Selena nang marinig iyon, malinaw na sinadya niya iyon.‘Sige. Tutulungan kitang magsindi ng apoy para kay Sect Master. Makikita mo kung paano kita papahirapan
”Master!”Nang sandaling iyon ay inilabas ni Darryl ang elixir at tuminigin kay Jasmine. “Handa na ang elixir na tinatawag na Yang Pill. Makatutulong ito sap ag cultivate at pagpapalakas sa katawan, epektibi rin ito sa pagtanggal ng chill poison na nasa loob ng iyong katawan.”Yang Pill ang elixir na ginawa ni Darryl.Noon, ang apo ng Eternal Life Palace Sect Golden Lion mula sa World Universe—si Evelyn Featherstone, ay buwan-buwan nakararanas ng matinding sakit tuwing dadatnan ito, dahil natural na yin at malamig ang kaniyang katawan. Gumawa si Darryl ng Yang Pill at tuluyan nitong napagaling si Evelyn.Kahit na iba ang sitwasyon ni Jasmine kay Evelyn dahil nilason siya ng Millennium Ice Toad, ang Yang Pill ang mortal na kaaway ng lahat ng chill aura sa buong mundo. Mapapagaling din nito si Jasmine sa oras na inumin niya ito.Lumapit si Darryl at iaabot n asana nito ang elixir kay Jasmine.“Sandali!”Natauhan si Selena at tiningnan nitong maigi si Darryl—hindi maitago ng babae
Tumango si Jasmine at hindi ito nag-alangan nang inumin niya ang pill.Malaki ang tiwala ni Jasmine kay Snowy, walang magiging problema dahil totoo naman pala ang pill.“Woo!”Nang sandaling iyon, nakatingin si Selena at ang iba pang mga alagad kay Jasmine habang nagpigil ng hininga ang mga ito at tahimik na naghintay,Sa kabilang banda, kalmado lamang ang ekspresyon ni Darryl.Isang minuto, dalawang minuto.Limang minuto ang lumipas at mas namula at mas kumintab ang magandang mukha ni Jasmine. Mas maganda ito kaysa sa dati. Halos magningning ito mula sa loob at hindi maipaliwanag ang sexy at charming nitong pagkilos.“Woo!”Nang sandaling iyon ay napangiti rin si Jasmine, hindi nito mapigilang magsalita. “Mahiwaga ang pill na ito. Mas mabuti ang aking pakiramdam kaysa kapag iniinom ko ang Blazing Sun Herb.”Masyadong lumalim ang chill poison sa kaniyang katawan at kailangan pang likumin ng babae ang kaniyang internal na enerhiya para pigilan ang lamig sa tuwing iinom ng Blazi
Noong una ay nagulat si Darryl sa sinabi nito, hindi alam ng lalaki kung matatawa o maiiyak ba siya.Noong una, akala nito ay masaya siyang pakakawalan ng Sun Set Sect kapag tinulungan niya ang mga ito, ngunit hindi niya inakalang magdadalawang isip ang Sect Master na pakawalan siya matapos nitong ipakita ang kaniyang kakayahan sa kanila.Iyon ang eksaktong kabaliktaran ng kung anong gusto niya.Tumingin si Darryl kay Jasmine habang naisip niya iyon, mapait itong ngumiti bago nagsalita. “Pinapahalagahan ko ang kabaitan ninyo, Sect Master, pero sa tingin ko ay kailangan niyo akong pakawalan.”Hindi pa niya nahahanap si Debra, kaya paano siya magkakaganang manatili roon? Isa pa, kailangan niyang manatili sa loob ng kalahating taon! Sumakit ang ulo ni Darryl nang maisip lamang iyon.Gasp!Sobrang natahimik sa main hall habang gulat na nakatingin ang lahat kay Darryl.Bakit ang lakas ng loob niya para tanggihan ang Sect Master?Kasing ganda ng isang pinta ang tanawin ng Sun Set Sec
Magkapatong ang binti ni Darryl habang nakaupo ito sa kwarto. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at napangiti.“Walang makakapansin kung aalis na ako ngayon.”Matapos itong bigyan ng kwarto ay nagmeditate ang lalaki. Inipon nito ang kaniyang enerhiya at nag-antay ng tamang pagkakataon.Nasabik si Darryl habang patago itong nagplanong tumakas. Nang matunton nito ang pinto ay may narinig siyang pagkatok mula sa kabilang bahagi ng pinto.‘Sh*t!’ Nagulat at natahimik ang lalaki. ‘Sinong kakatok sa akin sa ganitong oras? Ito ba ang Sect Master?’Nagbuntong hininga at nag-alangan niyang binuksan ang pinto. Nagulat ito pagkabukas niya ng pinto. Nakita nito ang nakakabighaning anyo na nakatayo sa pinto. Napakaganda ng ngiti ng babae sa ilalim ng liwanag ng buwan; napakaganda nito.Ito ay si Snowy Gen.Nang sandaling iyon, nakabihis ng snow-white long high-waisted na bestida ang babae at kita ang napakaganda nitong binti.Nagulat si Darryl. “Elder Gen? Bakit moa ko binisita, napak