Hindi pinansin ni Darryl ang mga tao sa kaniyang paligid habang nakatingin ang mga ito sa kaniya. Tumingin ito kay Jackie at sinabing, “Ikaw ang Sect Master ng Illusion Sound na si Jackie Yale tama?” Isa kang pinuno ng sekta at isa ring maimpluwensyang tao pero nagawa mo paring gumamit ng maduduming taktika. Nagawa mong magbanta sa pamamagitan ng panghohostage sa kaniyang anak. Hindi ka ba natatakot na baka pagtawanan ka lang ng ibang tao nang dahil sa ginawa mong ito?”Wow! Agad na umingay ang mga tao sa paligid, mapabisita man o mga disipulo ng Illusion Sect ay nagisip nab aka mali ang kanilang pagkakadinig sa mga sinabi ni Darryl.Ang lakas ng loob ni Darryl na sermonan si Jackie sa harapan ng lahat?Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob para gawin iyon?”Swoosh! Nanlamig dito ang itsura ni Jackie. Tumitig siya kay Darryl at nanermon. “Sino ka ba talaga sa tingin mo? Dahil kilala mo na kung sino ako, ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako nang ganiyan ah? Gusto mo na
Dito na pinakawalan ni Jackie si Parker. Parang naging isang beam ng ilaw ang kaniyang imahe habang inaatake nang direkta si Darryl! Nasira ang daloy ng hanginsa ligar na kaniyang dinaraanan—isa itong katakot takot na tanawin para sa kahit na sino.Nagalala sa mga sandaling ito kay Darryl ang mga disipulo ng Famed Sword Manor.Nadala sila sa ipinakitang katapangan ni Darryl, pero isa lang itong ordinaryong cultivator. Kaya paano niya magagawang tapatan ang isang katulad ni Jackie?Napailing sa kaniyang sarili maging ang ama ni Parker na si Jacob. Masyadong nagpadalos dalos ang kaibigang ito ng kaniyang anak.Ngumiti si Darryl nang makita niya ang ginawang pagatake ni Jackie, hindi manlang siya nagpanic dito.“Mamatay ka na!”Nasa harap na ni Darryl si Jackie habang sumisigaw nitong ginagawa ang kaniyang pagatake!Ngumisi naman dito si Darryl. Nakapirme siyang tumayo roon habang ginagamit ang kaniyang internal energy para salubungin ang pagatake ni Jackie.Bang! Nagtama ang pa
“Isa lang siyang hindi kilalang cultivator pero nagawa pa rin niyang magpanggap na bayani para iligtas ang isang bihag na prinsesa?”Kahit na nagawang salagin ni Darryl ang pagatake ni Jackie, naniniwala pa rin si Lucas na hindi niya magagawang manalo sa labang ito at miserable siyang matatalo ni Jackie mamaya.Patuloy pa ring nagalala ang mga disipulo ng Famed Sword Manor kay Darryl.Maging ang magandang mukha ni Parker ay napuno ng pagkabahala.Kahit n amalakas si Darryl, masyado pa ring puno ng kasamaan ang maduduming taktika si Jackie. Pumapatay itong umatake kay Darryl kaya siguradong masusugatan nang husto si Darryl sa sandaling tumama sa kaniyang katawan ang kahit isa sa mga pagatakeng ito.Walang tigil na umatake nang sunod sunod si Jackie sa gitna ng ere.Pero agad na sinalag ni Darryl ang bawat pagatakeng ginawa ni Jackie. Sa totoo lang ay nagawa nang makipaglaban ni Darryl sa isang makasaysayan at napakalakas na taong kagaya ni Yang Jian kaya hindi na niya kailangan pa
“Tapos na ang labang ito, Master Jackie.” Nanlamig ang mukha ni Darryl na hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon.Buzz!Buong lakas na ikinaway ni Darryl ang kaniyang kamay habang lumalabas ang napakalakas na aura sa Heavenly Halberd at umaatake ang isang kulay dugong beam ng ilaw kay Jackie.Hindi na halos nakapagisip pa si Jackie nang magbago ang kaniyang itsura. Agad niyang ginamit ang kaniyang internal energy at ang ginagamit niyang Evolving Murder Machine para salagin ang ginagawang pagatake ni Darryl!Bang!Malakas na tumama ang kulay dugong beam ng liwanag sa Evolvong Murder Machine na nakapagpaungol nang mahina kay Jackie bago ito tumalsik mula sa kaniyang puwesto. Lumipad siya ng 100 metro bago bumagsak nang malakas sa lupa.Nagmukhang mabagsik at brutal ang mga ginagawang pagatake ni Jackie nang labanan nito si Darryl, pero nagamit na niya ang karamihan sa kaniyang internal energy sa totoo lang. Biglang hindi na kinaya ni Jackie ang pagharap kay Darryl noong gamitin
Napatingin ang lahat kay Darryl nang marinig ang kaniyang mga sinabi.Lalo na ang mga taong takot sa Illusion Sound Sect. Binaha ng iba’t ibang bagay ang kanilang mga isipan.Isang demonyong halimaw si Jackie na walang pakundangang pumapatay ng kahit na sino. Siya palagi ang may kontrol kung mabubuhay ba ang ibang tao o hindi. Pero, natalo ito nang husto ni Darryl kanina. Maggalit kaya ito at tatalikod sa kanilang pustahan?“Woo!”Namula rito ang mukha ni Jackie. Dito na siya huminga nang malalim habang sinasabi na, “Kahit na isa akong masamang tao, tinutupad ko pa rin ang aking mga sinabi kaya inaamin ko sa lahat ngayon ang aking pagkatalo.”Dito na itinaas ni Jackie ang kaniyang mga kamay habang sinasabi na, “Makinig kayong lahat. Agad na kaming aalis ng Famed Sword Manor para bumalik sa aming main altar.”Napuno ng pagdadalawang isip si Jackie nang isigaw niya ang huling pangungusap ng kaniyang mga sinabi.Sa totoo lang, ayaw niya talagang umalis nang ganoon ganoon lang. Mala
“Kahanga hanga ang ginawa ninyo, Master Darby! Nagawa niyo pong paalisin si Jackie kanina.”“Oo nga! Hindi na ako magtataka kung bakit kayo naging maimpluwensyang tao!”Nagbigay respeto ang mga bisitang ito kay Darryl at sinubukang pasiyahin ito. Pero wala ngayon sa mood si Darryl para makipagusap sa mga hipokrito sa kaniyang paligid. Kaya ngumiti na lang siya at nakipagpalitan ng ilang salita sa mga ito.Wala ring naging pakialam si Jacob Yohan sa mga nakapaligid sa kanilang bisitan.Noong una ay sinubukan ng mga ito ang lahat para matuwa si Jacob noong makita nila ang mga Violet Category na sandata ng Famed Sword Manor. Pero agad nila itong iniwasan na parang may nakahahawang sakit noong magpakita ang Sect Master ng Illusion Sound Sect na si Jackie.Naramdaman ni Jacob na mas makakabuti para sa kaniya na huwag makipagkaibigan sa mga taong gusto lang magtake advantage sa reputasyong mayroon ang kaniyang sekta.Nahiya nang manatili roon ang mga bisita noong maramdaman nila ang mo
Hindi na nagsalita pa si Jackie rito bago tumalikod at umalis. Sa loob ng isang iglap ay agad siyang nawala sa dilim.“Woo!”Agad na huminga nang malalim ang may mapait na mukhang si Lucas.Inutusan siya ng kaniyang master na humanap ng sarili niyang paraan, ano naman kayang paraan ang puwede niyang gawin?…Sa loob ng Famed Sword Manor sa mga sandaling ito!Nagpasadya si Jacob ng isang banquet para magpasalamat sa pagtulong na ginawa sa kanila ni Darryl.At pagkatapos ay naghanda sila ng isa sa mga guest room na pagpapahingahan ni Darryl pagkatapos nilang kumain.Samantala, kasalukuyang nakahiga si Darryl sa kaniyang higaan, hindi pa rin ito makatulog hanggang ngayon. Dalawang oras na ang nakalilipas pero wala pa rin siyang natatanggap na balita tungkol kay Debra.Hindi pa rin mahanap ng mga tauhan ni Parker si Debra kaya paano niya ito mapapalampas?Knock! Knock!Isang natutuwang boses ang kaniyang narinig sa labas noong mga sandaling iyon, “Gising ka pa po ba, Master Darb
”Woo!”Mukhang kalmado si Lucas sa panlabas na anyo, pero labis itong natuwa nang makita niya si Darryl na ininom ang wine.Inimbita ni Lucas si Darryl para mag-inom hindi dahil sa paghanga, kundi dahil sa matagumpay na nagampanan nito ang utos ni Jackie na hulihin si Darryl.Mapanlinlang si Lucas. Alam nitong hindi maaapektuhan ng pangkaraniwang lason ang makapangyarihang si Darryl, kaya hindi ito ganoon ka-bobo para lagyan ng lason ang wine!Walang lason sa wine na iyon, pero maraming problema rito!Ang Tipsy ang espesyalidad ng Yellow Sea Continent pagdating sa matapang na alak. Kayang malasing ng halos kalahating buwan kapag puno ang bibig na nainom ang wine. Maaaring hindi kayanin ng isang cultivator ang malakas na tama nito. Ang lahat ng pamilyar sa wine na iyon ay alam na kailangan munang uminom ng pangontra para buo nilang ma-enjoy ang Tipsy.Simple lamang ang plano ni Lucas, hindi nito sinabi kay Darryl kung gaano kalakas ang tama ng Tipsy at hinintay nitong malasing ang