Kabanata 2072
Sa mga sandaling iyon, marami na sa mga bisita ang nagising sa katotohanan. Hindi nila maiwasan na magsalita ng malakas nang dahil sa kanilang nakita.

“Isang Violet Category na sandata? Naghahallucinate ba ako?”

“Grabe! Nagawa talaga nilang maglabas ng tatlong nasa Violet Category na sandata…”

“Namaster na nga ng Famed Sword Manor ang sining sa paggawa ng mga sandata! Nirerespeto ko sila nang husto rito! Nagawa nilang maglabas ng tatlong mga Violet Category na sandata ngayong taon.”

Tumingin ang mga tao kay Jacob para icongratulate ito. Hindi na nila maitago ang kanilang paghanga at papuri rito.

Ilang libong taon na ring nakatayo ang Famed Sword Manor. Nagawa na nilang bumuo ng napakaraming mga Violet Category na sandata, pero pangkaraniwan na isang Violet Category na sandata lang ang nagagawa nilang ilabas sa bawat 100 taon. Pero mukhang nagawa nila ngayong maglabas ng tatlo sa loob ng sampung taon.

Ginawa ng mga bisita ang lahat para mapalapit kay Jacob. Dahil sa sandaling magi
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP