Napipilitang ngumiti si Jerome kay Darryl. “Hindi ko alam na isa ka rin palang bisita. Paumanhin. Paumahin po sa aking mga nagawa—"Kahit na naging magalang ang kaniyang tono, napuno pa rin ng inis ang mga mata ni Jerome.Alam ng lahat sa Famed Sword Manor na mahilig si Parker na magsuot ng panlalaki at maglakbay sa buong mundo kahit na siya ang kinikilalang tagapagmana ng Famed Sword Manor. Mayroon din itong approachable na personalidad kaya mabilis siyang nagkakaroon ng kaibigan saan man siya magpunta. Mahilig itong makipagkaibigan sa mga ordinaryong tao.Kaya kahit na naging kaibigan si Darryl ni Parker, malaki pa rin ang tiyansa na isa lang itong ordinaryong tao. Nagawa na niya itong bastusin pero hindi manlang siya nagawang parusahan ni Parker. Sinabihan lang siya nito ng kaunti.Siguradong hindi ito palalampasin ni Parker kung isa si Darryl sa mga importante niyang bisita.“Mukhang wala namang kuwenta ang taong ito, pero nagawa pa rin niyang maging kaibigan ni Ms. Parker?”
Ininis nang husto si Darryl ng mga mata ni Lucas. Pero ngumiti pa rin si Darryl habang sinasabi na, “Isa lang akong hindi kilalang tao sa mundo ng mga cultivator. Isang karangalan para sa akin ang pagiging kaibigan ni Ms. Parker, wala po akong kahit na anong background na maipagmamalaki sa inyo!”Alam ni Darryl ang mga problema na kaniyang kahaharapin sa sandaling itago niya ng tunay niyang pagkatao.Pero wala rin siyang choice. Gustong sakupin ni Yang Jian ang lahat ng kontinente kaya agad na naging tensyonadi ang sitwasyon sa paligid. Nagawa niya ring talunin si Yang Jian sa South Cloud World na nagresulta sa pagkasira ng reputasyon ni Yang Jian. Kaya siguradong magpapadala ito ng isang taong paptay sa kaniya sa sandaling malaman nito na kasalukuyan siyang nasa Yellow Sea Continent para bisitahin si Parker.Para sa kaligtasan ni Darryl, kinakailangan niyang itago ang kaniyang pagkatao.Sinabi rin ni Parker na, “Oo, kaibigan ko rin si Darryl.”Mahilig nang mambully ang kaniyang p
Woo!Tiningnan sa mga sandaling ito ni Darryl mula ulo hanggang paa si Jacob at agad na pinuri sa kaniyang sarili.“Siya ang Manor Master ng Famed Sword Manor? Ang ama ni Parker? Kaya pala naging ganito katindi ang kaniyang aura.”Ngumiti at kumaway si Jacob sa paligid habang nakikipagpalitan ng pagbati.Napansin niya rin ang katabi ni Parker na si Darryl. Nang makita niya ang ordinaryong mga damit nito, agad niyang naisip na isa ito sa mga kaibigan ng kaniyang anak sa mundo ng mga cultivator.Mahal na mahal ni Jacob ang kaniyang anak na si Parker. Kaya wala itong pakialam kahit na magpaupo ang kaniyang anak ng isang ordinaryong tao sa isang VIP seat.Dito na siya naglakad papunta sa platform na nasa gitna ng main hall. Inayos ni Jacob ang kaniyang lalamunan bago lumabas ang isang makapal at mabigat na boses sa kaniyang bibig. “Mga kapwa ko cultivator, maraming salamat sa paglalaan ng inyong mga oras para umattend ng Sword Conference ngayong araw. Isang karangalan para sa akin an
“Mukhang marami pa talaga itong hindi nakikita sa mundo. Ang Blue Category saber na ito ay ang pinakamababang uri ng sandata na ilalabas ng Famed Sword Manor sa ginaganap na Sword Conference ngayong taon…”“Walang duda dahil isa lang naman itong probinsyano. Paano nagawang makipagkaibigan ni Parker sa ganitong klase ng tao?”Walang tigil na nagecho ang panglalait ng mga tao sa paligid. Simangot ni Darryl.“Buwisit! Masyadong interesante ang mga taong ito. Sinabi ko na nga na isa itong magandang sandata kaya bakit hindi pa rin sila tumitigil sa panlalait?”Agad na binago ni Darryl ang kaniyang iniisip nang marealize niya ang pagpapahirap na ginagwa sa kaniya ni Lucas. Ang anumang sagot na kaniyang babanggitin ay agad nitong gagamitin para maliitin at laitin siya.Kaya ngumiti na lang si Darryl at hindi na nagsabi ng kahit na ano. Hindi na niya muling pinansin ang pinsan ni Parker na si Lucas.Noong hindi sumagot si Darryl, naisip ni Lucas na isang duwag si Darryl. Mas tumaas pa an
Sa mga sandaling iyon, marami na sa mga bisita ang nagising sa katotohanan. Hindi nila maiwasan na magsalita ng malakas nang dahil sa kanilang nakita.“Isang Violet Category na sandata? Naghahallucinate ba ako?”“Grabe! Nagawa talaga nilang maglabas ng tatlong nasa Violet Category na sandata…”“Namaster na nga ng Famed Sword Manor ang sining sa paggawa ng mga sandata! Nirerespeto ko sila nang husto rito! Nagawa nilang maglabas ng tatlong mga Violet Category na sandata ngayong taon.”Tumingin ang mga tao kay Jacob para icongratulate ito. Hindi na nila maitago ang kanilang paghanga at papuri rito.Ilang libong taon na ring nakatayo ang Famed Sword Manor. Nagawa na nilang bumuo ng napakaraming mga Violet Category na sandata, pero pangkaraniwan na isang Violet Category na sandata lang ang nagagawa nilang ilabas sa bawat 100 taon. Pero mukhang nagawa nila ngayong maglabas ng tatlo sa loob ng sampung taon.Ginawa ng mga bisita ang lahat para mapalapit kay Jacob. Dahil sa sandaling magi
Gasp! Napapigil hininga ang mga tao sa paligid nang maramdaman nila ang lakas ng guwapong lalaki.Isang cultivator na nasa Heaven Ascension Level?Halos masuffocate ang lahat sa tindi ng aura na nilalabas nito. Maging si Jacob ay natigilan sa kaniyang nakita, dito na siya mabilis na naglakad paabante at nagtanong ng, “Sino ka? Bakit ka pumasok nang walang paalam sa Famed Sword Manor?”Ngumiti pero hindi nagsalita ng kahit na ano ang lalaki.Isang lalaki na nakaitim ang naglakad paabante mula sa likuran. Tumingin ang lalaki kay Jacob at sinabing, “Ikaw ang master ng Famed Sword Manor na si Jacob Yohan, tama? Ito naman ang Sect Master ng Illusion Sound Sect na si Jackie Yale.”Dito na tiningnan ng lalaki ang paligid habang nanlalamig na sinasabing, “Gusto nang ayusin ng Illusion Sound Sect ang problema namin sa Famed Sword Manor. Tumabi ang sinumang hindi kasali rito. Ang sinumang mangingialam ay dapat nang maghanda sa haharapin nilang kaparusahan!”Naging malinaw at malakas ang
"Master Jackie!"Nagising na rin sa wakas si Jacob sa realidad. Kalmado niyang tiningnan si Jackie at sinabing, “Maraming salamat po sa ipinakita ninyong kagandahang loob. Ilang libong taon nang nakatayo ang Famed Sword Manor. At naging mabait din kami sa mga taong kabilang sa mundo ng mga cultivator kaya hindi kami nagkaroon ng kahit isang kaaway. Ito ang dahilan kung bakit hindi namin kakailanganin ang proteksyon o alyansa sa Illusion Sound Sect.”Naging magalang ang pananalita ni Jacob habang nagpapakita ng determinasyon ang kaniyang mga mata.Dugo at pawis ng Famed Sword Manor ang paglikha sa tatlong mga Violet Category na sandata sa loob ng 10 taon. Kaya paano nila ito magagawang ibigay sa Illusion Sound Sect?Isa ring maayos at konserbatibong sekta ang Famed Sword Manor. Kaya paano nila magagawang makipagalyansa sa isang sektang puno ng kasamaan na kagaya ng Illusion Sound Sect—na isang bastos at aroganteng sekta na iniiwasan ng lahat?Napangiti ang mga labi ni Jackie habang
Huwag kang magpadala sa iyong emosyon, Paxton!” Agad na nagbago maging ang mukha ni Jacob. Sinubukan niyang pigilan si Paxton pero huli na ang lahat.Nanatili pa ring walang pakialam si Jackie kahit na nagawa siyang atakihin ni Paxton.Buzz! Dito na lumabas ang internal energy sa katawan ni Jackie na nakapagpatigil sa pagdaloy ng hangin sa kaniyang paligid habang dahan dahan na ikinakaway ang kaniyang pamaypay na nagpakita sa isang protective shield sa kaniyang harapan.Bang!Malakas na tumama sa isa’t isa ang mahabang espada ni Paxton at ang protective shield ni Jackie, pero hindi manlang nagpakita ng lamat ang shield ni Jackie habang gumagawa naman si Paxton ng mahinang pagungol bago tumalsik patalikod. Tumalsik siya ng 100 metro bago tumama sa isang poste. Malakas din itong bumagsak sa lupa.“Pfft…” Bumagsak nang husto ang mukha ni Paxton. Dumura muna siya ng sariwang dugo bago tuluyang nawalan ng malay!Napapigil hininga rito ang mga disipulo at bisita na nakakita sa pangya