Nakaupo ang Elder ng Blade Sect sa head seat ng sala ng City Lord's Mansion. Samantala, nakaupo si James sa tabi niya. Lumapit ang mga katulong ng City Lord's Mansion dala ang ilang kalidad na spiritual fruits at nilagay ito sa mesa sa harapan ni James. Hinimas ng Elder ng Blade Sect ang puti niyang balbas at nakangiting nagsabi, "Anong problema, James?"Tumayo si James, pinagsalikop ang mga kamao niya, at nagsabing, "Sir, balak kong pumunta nang maaga sa Blade Sect. Pwede mo ba akong bigyan ng token para makapasok ako nang maayos?"Kumunot ang noo ng Elder ng Blade Sect at nagsabing, "Nagmamadali ka bang pumunta sa Blade Sect?""Mhm." Tumango si James. Nagtanong ang Elder ng Blade Sect, "Bakit?"Hindi sinabi ni James ang totoo pero gumawa siya ng palusot. Pagkatapos ng kaunting pagdadalawang-isip, naglabas ng token ang Sect Elder ng Blade Sect at inabot ito kay James, sabay nagsabing, "Ito ang token ko. Makakapasok ka nang walang problema sa Blade Sect gamit nito. Pero,
Pagkatapos maglakbay nang ilang araw, sa wakas ay narating na ng tatlo ang Blade City, ang pinakamalapit na lungsod sa Blade Sect. Sinundan ng tatlo ang daan papasok ng lungsod. Hindi nagtagal ang tatlo sa lungsod. Mabilis silang naglakbay sa lungsod at umalis sa kanilang dulo ng gate ng lungsod. Hindi nagtagal pagkatapos umalis sa lungsod, nakita nila ang isang walang katapusang bulubundukin. Napakaraming bundok sa harapan nila at para bang wala itong katapusan sa isang tingin. "Napakaraming enerhiya rito."Tinignan ni Walganus ang kabundukan sa harapan nila sa gulat. Hindi niya napigilang mamangha, "May nararamdaman akong misteryosong kapangyarihang nagmumula sa kabundukan. Isa siguro itong klase ng divine objects. Ang ganito kalakas na gamit ay pambihira kahit sa sect ko."Bago sila makapasok sa isla, naramdaman na ni Walganus ang divine object sa loob ng teritoryo ng Seafolk. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung ano ito. Nabanggit ng Elder ng Blade Sect ang isang di
Maraming nakasalubong si James na disipulo ng Blade Sect sa daan. Hindi nagtagal, nakarating ang tatlo sa pangunahing bundok ng Blade Sect. Ang pangunahing bundok ay nasa 100,000 metro kataas at may hagdan na papunta diretso sa tuktok ng bundok. Ang hagdan ay parang isang higanteng dragon na nakapulupot sa bundok na nagbigay rito ng dakilang itsura. Maraming gusali ang nakikita sa tuktok ng bundok. Nababalot ng puting hamog ang bundok at mukha itong isang paraiso mula sa malayo. "Mula rito ay ang pangunahing bungok. Hindi pwedeng pumasok ang mga pangkaraniwang disipulo mula sa puntong ito."Hinarang silang tatlo nang narating nila ang paanan ng bundok. Nilabas ni James ang token ng elder at ipinakita ito sa mga bantay. Pagkatapos ipakita ang token, nakalampas ang tatlo nang walang balakid at nagsimulang umakyat sa hagdan papunta sa tuktok ng bundok. Sa gitna nito, nakita nila ang isang lalaking nakaputing balabal na nakatayo sa mga baitang sa harapan nila. Nakaburda sa
Napansin ni James ang mga taong nakatayo sa tuktok ng bundok. Kahit na mahirap para sa kanyang mahulaan ang cultivation ranks nila, nararamdaman niyang napakalakas nila at malamang na mga seniors sa Blade Sect. Tinignan ulit ni James ang lalaking nakaputing balabal. May hawak na mahabang gintong espada ang lalaking nakaputing balabal. Mukha siyang isang war god habang naglalabas siya ng malakas na enerhiya. Naiilang na ngumiti si James at nagsabing, "Hindi ako nandito para hamunin ang Blade Sect."Ngumiti ang lalaking nakaputing balabal at nagsabing, "Oh, ganun ba? Iba ang narinig ko mula sa elder namin. Ang sabi niya, gusto mong makita ang sword techniques ng sect namin at nakuha mo na ang permiso niya. Basta't matatapatan mo ang espada ko, pwede mong tignan ang sword techniques ng sect namin."Ang elder na nalabanan ni James sa liblib na lungsod ay may matimbang na posisyon sa Blade Sect. Siya ang Great Elder ng Blade Sect at napakalakas niya, pero natalo siya kay James.
Kusang tinaas ni Yuvan ang espada niya para salagin ang atake, pero nabasag na ang espada niya. Kahit na hindi maalamat ang espada niya, gawa ito sa pambihirang materyal at hindi ito isang pangkaraniwang sandata. Wala siyang paraan para iwasan o salagin ang atake ni James. Ang magagawa niya lang ay kayanin ito, pero nabigo siya. Alam niyang hindi siya papatayin ni James. Kahit na umatake si James nang may intensyong pumatay, hindi niya mapapatay si Yuvan. Kahit na ganun, natalo pa rin siya kay James. Pagkatapos nasira ng Primordial Dragon Blade ang espada ni Yuvan, sumapi kay James ang mga anino niya at gumawa ng nakakatakot na pwersa. Bumugso ang pwersa mula sa Primordial Dragon Blade at napilitan si Yuvan na umatras nang ilang hakbang. Gayunpaman, hindi nasugatan si Yuvan."A-Anong klaseng swordsmanship ang sinasanay mo?"Gulat na tinignan ni Yuvan si James. Itinabi ni James ang Primordial Dragon Blade at nahihiyang ngumiti. Sumagot siya, "Ito ang swordsmanship ng
Tumingin si James sa gulat na si Yuvan sa gilid ng bundok at nagsabing, "Pwede na ba akong dumaan?"Tumabi si Yuvan at nagbigay ng daan para kay James. Nagpatuloy na umakyat si James sa hagdan papunta sa tuktok ng bundok nang walang pag-aalinlangan. Hindi nagtagal, nakarating siya sa tuktok kung saan nagtitipon ang maraming malalakas na tao sa Blade Sect. Nilapitan siya ng Leader ng Blade Sect nang may masiglang ngiti, "Narinig ko mula sa Great Elder na isang napakamahusay na swordsman ang darating sa sect namin. Nagdududa ako sa umpisa, pero talagang isa kang mahusay na swordsman pagkatapos kong masaksihan iyon."Mapagpakumbabang nagsabi si James, "Masyado niyo naman akong pinupuri, Sir."Sabi ng Leader ng Blade Sect, "Ako ang Leader ng Blade Sect. Ang pangalan ko ay Yash Babington."Magalang siyang binati ni James, "Mr. Babington."Nagtanong si Yash, "Nagpunta ka ba sa sect namin para makita ang sword techniques namin?"Napaisip si James.Ang layunin niya sa pagpunta sa
"Mga panauhin ko, sundan niyo ko."Naghanda ang Leader ng Blade Sect ng pansamantalang tutuluyan nina James sa Blade Sect. Trinato ng Blade Sect ang tatlo nilang ginagalang na panauhin at naghanda ng isang nakahiwalay na courtyard para sa kanila. Nagtipon ang tatlo sa bakuran. Nagtanong si Walganus, "Sa tingin mo ba ibibigay ng Grand Patriarch ng Blade Sect ang Crepe Myrtle Divine Sword?"Umiling si James at nagsabing, "Hindi ko alam."Sabi ni Yanina, "Sa tingin ko hindi."Tumingin si Walganus sa kanya at nagtanong, "Bakit mo naman nasabi yan?"Nagpaliwanag si Yanina, "Mataas ang narating na cultivation rank ng Grand Patriarch ng Blade Sect at nabuo niya ang Blade Sect dahil nakuha niya ang Crepe Myrtle Divine Sword. Higit pa roon, nagmula sa Crepe Myrtle Divine Sword ang swordsmanship niya. Bakit niya ibibigay ang ganito kalakas na espada? Kahit na maaapektuhan nito ang buong mundo, wala itong kinalaman sa kanya. Pwede siyang magpatuloy na manatili sa isla kung saan hindi t
Ang Grand Patriarch ng Blade Sect ay dating isang magaling na magnanakaw na mahusay sa pagnanakaw ng kayamanan mula sa iba't-ibang sect. Ang pangalan niya ay Falco Barrett. Napakaraming taon ang nakaraan, nagtipon siya ng isang grupo ng malalakas na tao at binalot ng dugo ang Crepe Myrtle Sword Pavilion ng Sangria. Pagkatapos, ninakaw niya ang Crepe Myrtle Divine Sword at ilan sa sword techniques ng Crepe Myrtle Sword Pavilion. Pagkatapos niyang makuha ang Crepe Myrtle Divine Sword, nalaman niya kaagad na isa itong pambihirang sandata. Kung kaya't umalis siya sa lupain at naglakbay papunta sa rehiyon ng karagatan. Pagkatapos, nanatili siya sa islang ito. Nagkataon, natuklasan niya na may divine object sa islang ito na nagbibigay ng kakayahan sa mga taong hindi maapektuhan ng sumpa. Kung kaya't itinatag niya ang Blade Sect at naging founder ng Seafolk. Ngayon, nagpunta ang mga miyembro ng Crepe Myrtle Sword Pavilion ng Sangria para bawiin ang Crepe Myrtle Divine Sword. P