Kabanata 2685
"Mga panauhin ko, sundan niyo ko."

Naghanda ang Leader ng Blade Sect ng pansamantalang tutuluyan nina James sa Blade Sect.

Trinato ng Blade Sect ang tatlo nilang ginagalang na panauhin at naghanda ng isang nakahiwalay na courtyard para sa kanila.

Nagtipon ang tatlo sa bakuran.

Nagtanong si Walganus, "Sa tingin mo ba ibibigay ng Grand Patriarch ng Blade Sect ang Crepe Myrtle Divine Sword?"

Umiling si James at nagsabing, "Hindi ko alam."

Sabi ni Yanina, "Sa tingin ko hindi."

Tumingin si Walganus sa kanya at nagtanong, "Bakit mo naman nasabi yan?"

Nagpaliwanag si Yanina, "Mataas ang narating na cultivation rank ng Grand Patriarch ng Blade Sect at nabuo niya ang Blade Sect dahil nakuha niya ang Crepe Myrtle Divine Sword. Higit pa roon, nagmula sa Crepe Myrtle Divine Sword ang swordsmanship niya. Bakit niya ibibigay ang ganito kalakas na espada? Kahit na maaapektuhan nito ang buong mundo, wala itong kinalaman sa kanya. Pwede siyang magpatuloy na manatili sa isla kung saan hindi t
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP