Alam lamang ni Walganus na ito ang kapangyarihan ng sumpa. Kung may tao o isang uri ng nilalang dito na nagsasanay ng Curse Magic, hindi siya sigurado.Naengkwentro na ni James ang Curse Magic dati. Sa kanyang pagkakaintindi, ang Curse Magic ay isa lamang kakaibang Supernatural Power na nagtataglay ng napakalakas na kapangyarihan. Bukod doon, wala siyang masyadong alam tungkol sa Curse Magic. Gayunpaman, alam na alam niya na ang Curse Magic na kanyang nakaengkwentro ay mababaw at mahina. Sa katunayan, kahit na ang Curse Magic na ginawa ng pinakamakapangyarihang figure ng Demon Race ay hindi kumpleto. Yung totoo, ang tunay na Curse Magic ay sobrang nakakatakot."Pumunta tayo sa kaloob-looban ng Barren Wasteland," sabi ni James.Nagpatuloy sa paglalakbay ang tatlo.Pagkaraan ng ilang oras, biglang nakaramdam ng hindi maganda ang Blademaster na nagmumula sa loob ng kanyang katawan. Napahinto siya at nahirapang huminga. “H-hindi ko na kaya…”Tumingin sa kanya si James at nagtanong, "A
"Kaya pala." May napagtanto si James.Nanginig ang Blademaster at sinabing, “Napakasama ng kapangyarihan ng sumpa. Kahit ako ay walang laban dito. Ikinalulungkot ko na hindi na ako makakapagpatuloy pa. Ipapaubaya ko sa inyong dalawa ang lahat. Babalik na ako sa labas."Dahil sa pag-aalala para sa sarili niyang buhay, nais ng Blademaster na umatras at lumabas ng Barren Wasteland.Tumango si James at sinabing, “Mhm, puno ng kasamaan ang lugar na ito. Dapat umalis ka na.”"Maghihintay ako sa labas." Pagkasabi niya nun, tumayo ang Blademaster at nagmamadaling umalis.Nagkatinginan sina James at Walganus.Ang tanong ni James, “Nagagawa kong balewalain ang kapangyarihan ng sumpa dito dahil mayroon akong Demonic Body. Pero, bakit hindi ka rin apektado ng sumpa?"Bahagyang ngumiti si Walganus at sinabing, “Hindi ako ordinaryong tao. Nagawa kong lumabas sa Planet Galileo sa kabila ng seal sa planeta. Ano ang magagawa ng isang hamak na sumpa sa’kin?"“Totoo yan.”Tumango si James.Dahi
Si James at Walganus ay nagpatuloy sa paglalakbay papasok sa abandonado at sira-sirang lungsod. Napakalaki ng lungsod, at bagama't gumuho ang mga gusali nito, maliwanag na ito ay dating isang maunlad na lungsod noong unang panahon. Tahimik na ngayon ang lungsod, at walang maririnig na ingay sa lugar.Klak! Klak! Klak!Habang naglalakad sila sa mga lansangan, binasag ng kanilang mga yapak ang katahimikan ng sira-sirang lungsod.“Hee hee hee…”Sa sandaling iyon, umalingawngaw ang mapanglaw na halakhak sa buong lungsod. Sabay na tumingin ang dalawa sa paligid, sinusubukan nilang hanapin ang pinanggagalingan ng tunog. Gayunpaman, tila nagmumula sa lahat ng direksyon ang tunog. Nakakatakot at nakakapangilabot ang tawang ito, na kahawig ng tawa ng isang sanggol at ang mahinang tawa ng isang matanda nang sabay."Nakakatakot naman ‘to." Kumunot ang mga kilay ni Walganus at pinaalalahanan niya si James, “Mag-iingat ka. Pakiramdam ko may nakatira sa lungsod na ‘to."Pinakiramdaman ni James
Sa sandaling binuksan nila ang pinto, isang anino ang sumugod papunta sa kanila.Nagmamadaling itinaas ni Walganus ang kanyang mga braso upang harangan ang pag-atake ng anino, at nagsalpukan ang kanilang mga palad.Bago pa makakilos si James, naramdaman niya ang isang malakas na puwersa na nagpalipad sa kanya palabas ng City Lord's Mansion. Pagkatapos, tumalsik din palabas si Walganus. Noong muli siyang sumugod papasok sa City Lord’s Mansion, naglaho na ang anino.Nagulat si James sa lakas ni Walganus. Sa pagkakaalam niya, si Walganus ay nasa mga unang stage pa lamang ng Sage Rank. Gayunpaman, ang lakas na ipinakita niya ay higit na mas malakas. Ang battle wave na nabuo nang magbanggaan ang kanilang mga palad ay nagpalipad kay James at naging sanhi ng pag-ikot ng Blood Energy sa loob ng kanyang katawan. Higit na mas lakas si Walganus kaysa sa inaasahan ni James.Pagkatapos niyang mapahinto sandali, sumugod din papasok si James.Pagpasok niya, nakita niya si Walganus na nakatayo do
Umiling si Walganus. Sa kasalukuyan, wala siyang ideya kung sino ang taong nakatago sa mga anino. Kinain ba niya ang divine object ng Sea Race at nalampasan niya ang kanyang lifespan limit o nagawa ba niya ito sa pamamagitan lamang ng cultivation? Ang tanging alam ni Walganus ay ang taong iyon ay nagtataglay ng napakalakas kapangyarihan."Halughugin natin ang lugar." Tumingin si James sa City Lord’s Mansion at sinabing, “Siguradong pinagmamasdan tayo ng taong 'yun mula sa mga anino. Dahil nagpakita siya kanina para hadlangan ang daanan natin, siguradong may isang bagay dito na ayaw niyang makita natin."“Mhm.”Tumango si Walganus at sinabing, “Mag-iingat ka. Napakalakas ng taong ito. Kahit ako ay walang laban sa kanya."Ngumiti si James at sinabing, "Wala akong dapat ipag-alala kapag nasa tabi kita."Naniniwala si James na hindi ganun kasimple ang lahat. Ang lakas ni Walganus ay siguradong higit pa kaysa sa Thirty-sixth Stage ng Sage Rank.Nagbabala si Walagnus, "Anuman ang mangy
Sa proteksiyon ng isang gintong liwanag, nakipagsagupaan siya sa lalaki.Mula sa malayo, pinanood ni James ang labanan.Hindi nagtagal, natalo si Walganus. Tumilapon siya mula sa lungsod at bumagsak nang malakas sa lupa.Mabuti na lang at hindi siya hinabol ng lalaki.Nang makita niya ito, nagmamadaling pumunta si James sa tabi ni Walganus. Noong oras na dumating siya, si Walganus ay nakaupo na sa isang lotus position sa lupa. May mga bakas ng dugo sa kanyang mga labi, at maputla ang kanyang mukha."Ayos ka lang?"Ang tanong ni James.Mayroong malagim na ekspresyon sa mukha ni Walganus, at sinabi niya na, "Masyado siyang malakas. Imposibleng isa siyang cultivator na nasa First Stage ng Divine Rank. Baka nakaabot na siya sa peak.""Tinatanong ko kung ayos ka lang."“Hindi malala ang mga tinamo kong pinsala. Magiging ayos lang ako pagkatapos kong magpahinga."Sugatan si Walganus. Gayunpaman, hindi malala ang mga sugat niya, at kailangan lamang niya ng kaunting pahinga.Naghint
Agad silang nag-usap noong sandaling nagkita sila. Sa usapan nila, tila magkakilala sila.Nagtaka si James.Alam niya na nagmula si Sophie sa Ancient Heavenly Court Age, at ang kanyang ama ay ang diyos ng digmaan ng Ancient Heavenly Court. Paano niya nakilala si Walganus? Posible kayang mula rin si Walganus sa Ancient Heavenly Court?Nagtataka siyang tumingin sa dalawa.Ngumiti si Sophie at sinabing, “Hindi Walganus Jaxon ang pangalan niya. Ang tunay niyang pangalan ay Hilarius Yahir, ang anak ng Jade Emperor sa Ancient Heavenly Court Age. Binansagan siyang Prinsipe noon, at isa siyang prodigy sa panahon niya."Nakangiting ipinaliwanag ni Sophie ang background ni Walganus.Samantala, si Walganus naman ay napangiti na lamang.“Noon 'yun. Wala na si Hilarius Yahir. Ngayon, ako na si Walganus Jaxon."Tumingin si James kay Walganus. Hindi niya akalain na si Walganus ay ang anak ng Jade Emperor ng Ancient Heavenly Court Age na nagtataglay ng bloodline ng isang Grand Emperor.“Paano
Napahinto si James.“Oo.”Tumango si Sophie at sinabing, “Ang iyong katawan ay binago ng Natal Demonic Lotus ng isang Grand Emperor. Bukod pa dun, ang Grand Emperor ng Hadean Clan sa Primordial Age, na si Xacobe Menachem, ay gumagamit ng hindi kumpletong Curse Magic. Dahil iisa ang pinagmulan ng Demonic Energy sa loob ng iyong katawan at ng kapangyarihan ng sumpa, marahil ay magagawa mong alisin ang sumpa sa kanyang katawan. Hindi lamang iyon, maaari mo ring higupin ang sumpa at palakasin ang Demonic Lotus sa iyong katawan."Nang marinig ito, tumango si James at sinabing, "Susubukan ko."Pagkasabi niya nun, naglakad siya palapit sa lalaki. Habang nakatayo siya sa harapan ng lalaki, naramdaman niya ang masamang aura na nagmumula sa katawan ng lalaki, na napakalakas. Ang dahilan kung bakit ang Barren Wasteland ay naglalabas ng masamang enerhiya at walang kabuhay-buhay at kung bakit walang buhay na nilalang ang nangahas na lumapit sa lugar ay dahil sa kapangyarihan ng sumpa sa kanyang